Forgotten Memories 9: He’s Gone
Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa may pintuan ng kwarto ko.
Linggo
Dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa park na malapit dito sa bahay. Sa park kung saan kami nagpicnik at sa park kung saan ako dinala ni Baekhyin kagabi. Basang basa na ang mukha ko dahil sa pag-iyak, nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil patuloy ang paglabas ng mga luha pero binalewala ko ito kasi gusto kong marating agad yung park na yon. Pagkadating ko dun nagulat ako dahil nandun silang lahat pwera kay
“Nasan si Baekhyun?” tanong ko sa kanila pero karamihan sa kanila ay tumungo.
“Nasan si Baekhyun?” Muli ay tanong ko pero pasigaw na, lumapit ako kay Chanyeol.
“Channie nasan si Baekhyun? Di ba lagi tayong may usapan na tuwing linggo magkikita-kita tayo dito sa park na to bago tayo maggala? Nasan na sya wala pa ba?”Tanong ko sa kanya nanlaki ang mata nya sa narinig pero nawala rin ang pagkagulat nyang yun.
“Channie nasan Si Beakhyun? Nasaan si Payat?” Muli ay tanong ko sa kanya kinakabahan ako sa ginagawa nila bakit lahat sila malungkot. Pero hindi pa rin ako sinagot ni Chanyeol nilapitan ko si Chen.
“Chen-chen nakita mo si Baekhyun?” Tanong ko sa kanya tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko nakita kong umiling sya. Pumunta naman ako kay Dyo.
“Dyo di ba alam mo kung nasan si Baekhyun?” Pero hinila nya ako para yakapin. Hinahaplos niya ang buhok ko para patahanin ako.
“Din-din” tawag nya sa akin kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan yung mga luha sa mukha ko tapos inilagay niya yung mga kamay nya sa balikat ko.
“Wala na si Beakhyun umalis na sya, umalis na sila papuntang America” malumanay na sabi nya sa akin hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Marahas kong inalis ang mga kamay nya sa balikat ko at umiling.
“Hindi hindi sya umalis kahapon magkasama kami buong araw kaming magkasama!!” sigaw ko nakita ko sa mga mukha nila ang pagaalala.
“Din-din” tawag sa akin ni Sehun lumapit sya sa akin para sana yakapin ako pero lumayo ako sa kanya.
“Hindi sya umalis di ba? Sabihin nyo hindi sya umalis di ba?” Sabi ko tapos napaupo ako sa kinatatayuan ko. Bakit sya aalis? Bakit ngayon pa alam ko na ang lahat. Bakit? Lumapit sa akin si Xiumin at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories (EXO's Baekhyun)
Fanfiction(Short Story) The worst feeling in the world isn't being lonely. Its being forgotten by S0ME0NE you could never forget.