Epilogue
Umuwi ako sa bahay matapos kong puntahan sila Chanyeol sa ospital. Sa totoo lang masaya ako para sa kanya kahit na maagang dumating sa kanya ang responsibilidad alam kong kaya nyang gampanan yun.
“Kamusta? Nakita mo na ba ang anak ni Chanyeol ha?” Tanong sa akin ni Nanang habang nakain kami. Madalas kasi dito si Sandy nung buntis pa sya. Madami daw kasing pagkain dito sa amin.
“Opo ang taba-taba nga eh tapos kamukang-kamuka nya kwento ko”. Lumaki naman ang ngiti ni Nanang.
“Talaga? Naku mas maganda na yun kesa naman kulang sa buwan yung bata” sabi nya.
“Oo nga po tsaka Nanang ako po ang nagbigay ng pangalan sa bata” sabi ko sa kanya tinignan naman nya ako.
“Anong ibinigay mo?” Tanong nya akin
“Darrel po” sagot ko.
“Darrel ang ganda ng napili mong pangalan” komento nya sa pangalan na ibinigay ko sa anak ni Chanyeol.
“Babalik po ako dun mamaya may kailangan po akong itanong kay Dr. Alvarez eh gusto nyo pong sumama para makita nyo yung bata?” Alok ko kay Nanang pero umiling sya.
“Hindi na hihintayin ko na lang na maiuwi sa kanila bago ko puntahan uuwi ang ate mo ngayon baka walang abutang tao dito sa bahay kapag sumama ako sa iyo” paliwanag nya. Oo nga pala uuwi na si Ate ngayon.
“Sige po” sagot ko tapos umakyat na ako sa taas para mag-ayos.
Pinuntahan ko muna si Dr.Alvarez para itanong kung naapproved na ba yun Pamagat ng research ko. Naka isang oras rin akong nakipag-usap sa kanya kasi nagbigay pa sya ng tips para mas mapaganda yung research ko. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ni Sandy dito.
Kumatok ako pero walang sumasagot,pinihit ko yung doorknob at napagalaman kong bukas naman pala yung pinto kaya dumiretso na ako sa loob.
Pagpasok ko may nakita akong lalaking nakaupo sa may harapan ng bintana hawak- hawak nya si Baby Darrel hindi ko naman sya kilala baka kamag-anak ni Sandy. Lalabas na sana ako ng marinig ko syang kumanta.
Neol chajaganda chueogi bonaen tingkeobel ttaranaseotdeon neverland
Geu gose naega neowa barabomyeo utgo isseo
Nan yeongwonhan neoui piteopaen. Geu sigane meomchun ne namja
Seotuljiman neomu saranghaetdeon naui neoege danyeoga
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories (EXO's Baekhyun)
Fanfic(Short Story) The worst feeling in the world isn't being lonely. Its being forgotten by S0ME0NE you could never forget.