Prologue

28 8 2
                                    

Minsan gusto mo na maulit ang isang araw na nagkaroon ka ng napakagandang alala, tulad ng pagkikita ninyo ng bestfriend mo, pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at ang makasama ang crush mo. Pero alam mo na matatapos rin ang araw na yun, kahit na masakit ay kailangan mong tanggapin na TAPOS NA hindi mo na ito maibabalik. Ang magagawa mo nalang ay titigan ang mga picture na nakuha mo, dahil yun nalang ang natitirang alaala na mayroon ka sa araw na yun.

Masakit man isipin na parang sayo na siya nung araw na yun pero sa araw lang na yun, ang katutuganan ay isa ka lang na STRANGER para sa kanya. Parang kahapon ang saya-saya mo na nakatabi, nakausap, at nakasama mo siya pero kinabukasan ay nasa iba na siya. Pero may karapatan ka ba talaga magselos?? Wala naman diba, Oo na hanggang tingin nalang hanggang doon nalang talaga yun. Hindi siya sa akin kaya wala akong karapatang angkinin siya, kahit tingin lang siguro masaya na ako, kahit pagpapantasya okay na ako, at least doon sa akin siya pero alam ko naman na hindi talaga.

Masaya ako na nakasama, nakausap, nakatabi siya kahit ISANG ARAW lang, kahit sa araw na yun ay feeling ko na akin siya kahit sa araw lang na yun okay na ako. Dahil alam ko na hanggang tingin lang ako sa kanya pagkatapos ng araw na yun, kinabukasan ay parang wala lang nangyari, na parang hindi kayo nagusap. Nakakatawa nalang na ganoon siya parang BASURA lang ako.

Tanggap ko yun hindi siya sa akin, wala akong karapatan para angkinin siya, wala akong karapatang magselos, Bakit naman ako magseselos ehh ano niya ba ako??? Girlfriend?? Best friend?? o kahit manlang Friend?? I dont have the rights.

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now