#4

19 5 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, nakita ko ang bukas kong bintana pinapapasok nito ang silaw ng araw, pati na rin ang ihip ng hangin. Bumangon ako sa kama at umunat unat, sumilip ako sa bintana at bumungad sa akin ang isang magandang araw may mga ibon na umaawit, mga paro paro na lumilipad.

Inayos ko na yung sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Kumain ako ng agahan bago naligo at bumihis. Inayos ko yung necktie at sinuot yung I.D ko, naglagay lang ako ng kunting pabango at pulbos. Tumakbo ako pababa ng hagdan at nagpaalam sa pamilya ko, tumakbo ako papunta sa kanto at nagabang ng masasakyan. Sumakay ako ng shuttle, pinasak ko yung earphones ko at tumingin nalang sa labas.

Nakita ko yung ibang mga estudyante na lumalakad papunta sa school nila, tinignan ko yung mga tao na nadadaanan ng shuttle tumawa sila at nakangiti. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin na lang sa langit, may mga kunting ibon akong nakikitang lumilipad at mga ulap na parang cotton candy.

Bumaba na ako sa shuttle van at nagabang ng tricycle na masasakyan. May tumigil na tricycle sa tapad ko, may mga taga school rin pala ako na makakasabay. Sumakay na ako at inantay na makarating kami sa school. Bumaba na ako at binayaran ang tricycle driver, tumingin ako sa school namin yung ibang estudyante ay nasa labas ng room nila at nagtatawanan.

Lumakad na ako patungo sa room namin, agad naman na bumati sa akin sina Pat at Rean pagkapasok na pagkapasok ko ngumiti lang ako ng malapad bago ko nilagay ang bag ko sa upuan. Nagkwentuhan lang kami saglit dahil tinawag na kami para sa flag ceremony, nagpila na kami at inantay na mag simula ang ceremony. Nag pray, nagflag speak at kung ano ano pa pero lutang na lutang yung utak ko.

Ng matapos na yung ceremony ay umakyat yung princilal namin sa stage at nag lecture, nakikinig rin ako pero kunti lang lumingon ako sa kanang banda sa likod namin at nakita SIYA. Dala niya yung bag niya, late nanaman nakikipagkwentugan siya sa mgakaibigan niya ng bigla siya napalingon sa akin agad rin akong umiwas ng tingin. Nakinig nalang ako sa principal, ng matapos yung principal namin maglecture or kaya remind ay bumalik na lahat ng estudyante sa mga sarili naming room.

Pumasok na silang lahat habang ako ay nagtambay muna sa pinto, tumingin ako sa langit mukhang uulan pa ata ah. Napatingin naman ako sa room NIYA, nakita ko yung mga barkada niya na nagatawanan at lolokohan. Nakita ko siya na tumatawa banda sa bintana nila, napangiti naman ako ang cute niya tumawa. Tinitigan ko lang siya ng biglang napalingon isa sa mga barkada niya sa room namin tapos may sinabi siya sa mga iba pa niyang kaibigan kayat sabay sabay silang lumingon sa room namin, nagtawanan sila at tinuro ako lumingon naman sita kayat napaiwas ako ng tingin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagtatawanan sila ulit at napapakamot sa batok naman siya at parang...........namumula??

Imposible, lumingon nlang ako sa stage bago ako pumasok sa room. Nagklase lang yung teacher namin na dumating pagkatapos kong pumasok, nakatingin lang ako sa labas nagmumuni-muni. Nanlaki naman yung mga mata ko ng makita ko siya at yung mga barkada niya na lumalakad papunta sa c.r, nilingon naman ako ng isa kung kaklase at ngumiti ng nakakaloko.

Umiling lang ako at timingin sa papel ko, napakagat ako sa lower lip ko at pinikit ng mariin ang mga mata ko. Natapos lang yung klase ng wala akong natutunan, lumabas na yung mga kaklase ko para kumain. Niyaya ako ng mga kaibigan ko na kumain pero ayaw kong lumabas kaya kailangan pa nila ako kaladkarin para lang sumama, wala na rin akong magagawa kundi sumama.

Habang bumibili sila ay tumambay lang ako sa labas, tumingin ako sa langit bago ay ibinalik ko lang rin ang tingin ko sa harapan. Ng makalabas sila ay agad naman akong lumakad, nangunguna kumbaga. Sa hindi kalayuan ay nakita ko siya at yung mga barkada niya, muntik na akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Pero di ko nalang yun pinansin at tumuloy sa paglalakad, napatingin naman yung isa nyang kaibigan sa gawi namin bago niya kami tinuro. Tumingin sila sa amin hindi ko nalang pinasin ang mga titig nila at pinagpatuloy ang paglalakad, nagulat naman ako ng may mga kamay na humawak sa braso ko nilingon ko kung saan nanggaling ang mga kamay na ito at kay Pat at Rean pala. Tinignan nila ako ng nakakaloko at ngumiti ng mapanginis.

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now