#6

15 3 0
                                    

Two weeks nalang at prom na, halos lahat excited, ako lang ata hindi. Akala ko kasi ang prom ay parang simpleng party lang na sasalihan mo at magsaya lang kahit wala kang date but I was wrong, properly arranged ang prom namin and we have to do it for our grades gosh. Parang pe lang rin pala yun.

Gusto ko lang muna mapagisa kaya umalis muna ako sa room, umupo lang ako sa damuhan at nagmuni-muni. Napapapikit nalang ako dahil sa simoy ng hangin, wahh ang presko.

" Uy ano ginagawa mo dito?" Nilingon ko naman ang dakilang babaeng bigla nalang ako kinalabit.

" Wala naman nagmumuni-muni lang. Maingay sa room eh." Tumawa lang siya bago tumabi sa akin.

" Musta na ang lab layp mo Jona?" Biglaan kong tanong, tinawanan niya lang ako bago ngumiti.

" Wala pa akong time sa ganyan, aral lang muna ako ngayon." Tumango lang ako sa kanya at nagsumangayon rin dahil tama naman siya.

Nagulat ako ng makaramdam ng vibration mula sa bulsa ko, naiwan ko atang nakaon ang data ko. Sino naman kaya to. Binuksa ko ang messenger ko at nakitang nagchat si Arty.

Chat***

Arty:

Huy

Me:

Huy ka rin

Arty:

Wala kayong klase?

Me:

Wala pa maya pa, kaw?

Arty:

Wala teacher namin, wala na rin kami pasok mamayang hapon

Me:

Mabuti pa kayo

Arty:

Hahahaha

Nagulat ako ng biglang may kumuha ng phone ko.

" Hmm sino naman kaya tong nagpapangiti sa aking kaibigan?" Tumawa lang ako bago sinubukang kunin ang phone ko pero ayaw niya ibigay.

" Arty huh? Nako ha may pa lab layp ka na ha." Umiling lang ako at ngumiti.

" Hindi ah, kaibigan ko lang yan siya." Tinignan niya ako ng may nakakatakot na ngiti.

" Kaibigan daw, eh bakit nickname mo  sa convo ninyo baby ko." Pagkarinig ko nun ay agad kong hinablot ang phone ko sa kanya. Nako naman nantrip nanaman to at kung kailan pa talaga na kasama ko isa sa barkada ko.

" Asus wag na mag deny." Umiling ako sa kanya habang hindi inaalis ang titig sa screen at sinisubukang iremove ang nickname ko.

" Wag mo to pansinin, nantitrip lang to siya." Tinawanan niya ako bago tumayo.

" Balik na ako room, may pagchichismisan pa kami nila Zyabelle. " Tinawanan ko siya bago kumaway paalis.

Ngayon mapagalitan nga ang ugok na to.

Chat***

Me:

Huy loko ka bat mo ako nilagyan ng nickname?

Arty:

Dahil gusto ko bakit ba?

Me:

Nakita ng kaibigan ko, ngayon pagkakamalan na ako nun na may lab layp

Arty :

Ano naman ngayon kung pagkamalan ka?

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now