#8

5 1 0
                                    

Next na ang prom and langya tama ang mga kaklase ko dahil si Kyeil ang nagyaya sa akin, shempre hindi na ako aangal sino pa ba ang ibang magyayaya sa akin no.

Kakatapos lang ng first practice namin, now nakaupo lang ako sa upuan ko habang inaantay mg barkada ko. Sabi nila kasi mag-isaw daw kami, of course knowing myself hindi ako tatanggi. Foods yun.

" Tara na larga!" mahina nalang akong napatawa, kinuha ko na ang bag ko at sumunod na sa barkada.

Nagkukwentuhan sila sa unahan habang ako tahimik lang sa likod, aywan wala ako sa mood eh.

" Ahem." napalingon ako sa tabi ko at nakita si Neya ng nakangisi.

" Oh naano ka naman?" ngumiti siya sa akin bago tumingin sa harap. Problema nito.

" Musta na kayo ng baby mo?" nanlaki naman ang mata ko at hinila siya ng mahina maatras para di kami marinig.

" Huy tumahimik ka nga, pag nalaman ng mga babaetang yan bugbog ako sa inis." tinawanan niya lang ako.

" Pero seryoso nga ano na mayroon? May sparks na ba? " natawa ako sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

" Anong sparks ba yan?"

" You know the 'love is in the air', may mga music ka na naririnig, may mga paru paro sa tyan mo ganon. Ano mayroon ba?" napaikot nalang ang mga mata ko.

" Dahil sa love in the air na yan kaya mas lalong naging polluted ang hangin. Tsaka anong sparks at paruparo, walang ganon sa amin. " nanliit naman ang mga mata niya at inakbayan ako.

" Look my dear friend mahal kita alam mo yan pero kailangan mo rin ng kakaibang love, ikaw pa tong nagrereklamo minsan na walang nagka crush sayo tapos ngayon na mayroon ng dumating itatanggi mo nako nako. Hindi ka maganda girl okay, kaya sulitin mo na."

Napakunot ang noo ko, kailangan pa talaga na ipamukhang panget ako. Sapakin ko kaya to.

" Wow sorry naman kung hindi ako pinanganak na maganda. " sarkastiko kong sagot na kanyang tinawanan lang naman.

" To naman joke lang. Maganda ka in your own way at alam ko na nakikita ng ibang boys ang tunay na ganda mo sa loob at labas." tinaasan ko siya ng kilay.

" Ang nasa loob ko lang naman mga atay, puso, bituka, dugo." kumunot ang noo niya at hinampas ako ng mahina sa braso na ikinatawa ko lang naman.

" Ikaw puro ka biro kaya hindi ka nakakahanap ng lalaki. " tinawanan ko lang siya. Lalaki huh no thanks okay na ako sa crush hehe.

" Wala akong pake sa mga love life na yan ang akin pagaaral muna." napahigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko.

" Mabuti nga pinagtyagaan ka na ni Kyeil eh, almost 1 year ka na niyan crush." nanlumo bigla ang mga braso ko at bumagsak sa tabi ko.

" Pwede ba wag mo na ipaalala sa akin. " tinawanan niya lang ang sinabi ko habang ako ay nakatingin ng masama sa kanya.

Naalala ko na tuloy yung nagamin sa akin Kyeil. Last year lang ata yun, valentines yun eh. Nang-galing kami nun ni Pat sa canteen, pagbalik namin sa room may isang pulang rosas sa desk ko. Napakunot la nun noo ko kasi nasa isip ko 'langya ginawa pang lalagyan ang lamesa ko'. Kinuha ko yung bulaklak at inilagay banda sa bintana, baka hanapin ng mayari eh. Kalaunan non biglang pumasok si Kyeil na may hawak na toblerone, shempre itong mga kaklase ko patay gutom edi naging mga sipsip. Pero hindi niya sila pinansin himbis ay lumapit siya sa upuan ko na ipinagtaka ko, bigla niyang nilapag ang toblerone sa harap ko ng padabog at bigla siyang sumigaw ng 'mahal ang rosas na yun tapos di mo papansinin'. Natatawa nalang ako tuwing naaalala ko yun.

" Huy tatawa-tawa ka diyan, anong joke ang sinabi ng utak mo?" I rolled my eyes kay Neya, chismosa talaga.

Nung nasigaw niya na yun ay kinuha niya ang rosas at padabog ring ibinagsak sa table ko tapos sumigaw ng 'ganon ba kahirap intindihin na crush kita' shempre gulat ang lola ninyo, ito namang mga kaklase namin nanginis na pero wala akong masabi kaya mahina nalang akong tumawa. Tapos simula noon laging papansin ang lalaking yun. Kainis ano ba nakita niya sa isang ugly duckling na tulad ko kailangan na niya ata magpatingin sa EO, love your eyes. Charoot.

" Huy bilisan ninyo." nagjog kami ni Neya para makasabay sa ibang barkada. Tumawid kami sa daanan at tuluyan ng napasok ang palengke

Pamuni-muni lang ako ng may nanghila sa akin.

" Baka maubusan tayo bilis!" natawa nalang ako, matatakaw.

Pagdating namin sa street food cart ay agad agad silang nagsihablutan ng mga fish ball, isaw, kwek kwek at kung ano ano pa. Ako shempre isaw ang trip ko ngayon. Nagkwentuhan kami habang kumakain at medyo dumarami na rin ang nagbibili.

May nadinig akong boses sa likuran namin banda dahilan ng paglaki ng mata ko. Alam ko kung kaninong boses yun. Bakit dito, bakit ngayon pa!? Kinalabit ako bigla ni Neya at may ibinulong sa akin.

" Yung lalaki sa likod diba siya yung baby este yung arty?" kinagat ko ang labi ko para malaman niya na hindi ako komportable. Mabuti nalang at nagets niya. Pero mali ang akala ko, inunat niya ang kanang kamay niya sa harap ko at marahan akong tinulak patalikod. Wala ng nagawa ang katawan ko dahil muntik na ako mawalan ng balanse pero ang pinakaayaw ko ang nangyari, hinawakan ni Arty ang magkabilang braso ko para maalalayan.

" Oh ayos ka lang te?" nanginig bigla ang mga kamay ko at lalong iniyuko ang ulo ko. Mamaya ka lang sa akin Neya!

" Ayos lang." mahina kong sabi at umabante ng kunti para mabitawan niya. Teka nga lang bakit parang ako pa ang nagtatago hindi ba siya ang bigla-bigla nalang nagalit ng walang rason, bakit ako tatago?

Kinuha ko na lahat ng lakas ng loob ko at nilingon siya, halata ko rin ang pagkagulat niya dahil biglang naglakihan ang kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya kahit na medyo peke.

" Salamat." tinalikuran ko na siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Tumabi sa akin si Neya at tinagnan ako ng pataas baba oa ang kilay, malakas kong siniko ang braso niya dahilan na napahawak siya dito. Yan bwesit ka hindi makuha kahit simpleng signal.

Kain lang kami ng kain hanggang sa medyo malapit na maubos pera namin, buong oras nun pinapakiramdaman ko si Arty sa likod ko. Paminsan minsan biglang lilitaw ang kamay niya sa gitna namin ni Neya para kumuha ng makakain o kaya magsasawsaw pero hindi ko nalang pinansin. Ito naman si Neya sige lang sa aking nakatingin ng nakangisi o kaya nagtataas baba ang mga kilay kaya marahan ko nalang siyang dinidikitan at sinisiko muntik ko na nga maipit ng isang beses ang kamay ni Arty.

Itinapon na namin ang mga stick sa basurahan at nagsimula ng maghiwahiwalay. Nahuli ako at si Pat dahil kumakain pa siya tsaka malapit ang terminal na sasakyan niya sa akin. Yung tropa ni Arty ay hindi pa rin tapos ng makaalis ang iba naming kasama nahuli ko rin si Arty na nakatingin sa akin habang sumusubo ng fishball.

" Okay tapos na tara." ngumiti ako kay Pat bago nagsimulang maglakad.

Pinakiramdaman ko ang likuran namin kong sakaling tapos na rin ang sila Arty at hindi ako nagkamali dahil tapos na sila kumain at medyo magkasunod lang kamk, peste destiny bakit ganyan ka lunurin kita dyan eh kainis.

" Oh tol diba siya yun..."

" Shhh."

" Bakit?"

" Shhh."

Anong pinaguusapan nila di ko gaano marinig.

" Sige kita nalang tayo bukas, bye."

" Bye." kinawayan ko na si Pat bago tinungo ang terminal na sasakyan ko. Umupo ako sa isang upuan doon at napabunting hininga.

Palingon-lingon lang ako sa paligid ng makita ko nanaman ang tropa nila Arty, nakatambay sila sa drughouse na kapantay lang ng terminal. Napapansin ko na paminsan-minsan may isa sa kanila na titingin dito. Ayaw ko na muna yun pansinin, laking tuwa ko nalang ng may shuttle na tumigil. Agad na akong sumakay at napabuntong hininga ulit. Gusto ko ng umuwi at matapos na tong araw na to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now