#5

12 3 0
                                    

Minulat ko ang aking mga mata, at nakita ang isang malaking bato na nakaharang sa harap ko, dahan-dahan akong tumayo at nakita na nasa gubat ako. May falls at mga bulaklak sa paligid, napakaklaro rin ng tubig dahan-dahan akong pumunta sa tubig at nilubog ang aking mga paa. Ang lamig. Umupo ako sa isang bato na hindi naaabot ng tubig, tumingin ako sa langit at may mga ibon na lumilipad.

Sa isang iglap bumago lahat ng nasa paligid ko, mga umaapoy na puno, mga patay na hayop at kung ano ano pa. Yung tubig na mas klaro pa sa isang crystal ay ngayon ng kulay dugo, yung damit ko na ubod ang ganda ay ngayon ng punit punit at puno ng dugo. Agad akong tumayo sa bato at tumakbo paalis sa tubig, lumingon ako sa kanan ko at nakita ko siya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

May kasamang iba....

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, tinignan ko lang sila na nagtatawanan lahat ng nasa paligid nila ay tahimik at maganda habang yung akin giba-giba. Dumilim na ang paningin ko, may naramdaman ako sa pisngi ko, luha?

Hindi.

Dugo.

Lumuluha ako ng dugo?

Hindi

Umuulan ng dugo.

Sabay sa pagluha ng mga mata ko, hindi ko na alam ang nangyayari napaluhod nalang ako. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya at yung babae na nakangiti sa harap ko.

"Sabi sayo wala kang laban sa akin"

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now