#3

23 5 2
                                    

Napapaisip ako sa lalaki na nakita ko kanina, kasi kanina pa ako paikot-ikot dito sa palengke at kapag liliko ako minsan makikita ko siya kaya agad-agad akong tumatakbo paalis. Sinusundan niya ba ako? Impossible dahil hindi ko naman siya kilala pero feeling ko kilala niya ako. Aish hindi ako makalabas sa palengke dahil parang sampung piraso yung lalaki na yun at ang bilis makarating sa mga labasan. Nagsisimula na akong mairita dahil maga 4 na ehhh curfew ko 4:10 deads ako sa mama ko nyan. Naisipan ko nalang na magpakita sa kanya kahit na natatakot ako ng kunti dahil baka maya manyakis siya yikessss......T_T

Nakita ko siya sa isang tindahan na halatang may hinahanap, napalingon naman siya sa akin at ngumiti ng makita niya ako. Bigla ako nakaramdam ng lamig at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso, lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Napansin niya naman na parang takot ako hindi naparang takot na talaga ako!! Umatras siya at tumayo ng 5 hakbang ang layo sa akin.

"Woah sorry kung natakot kita." Ramdam ko ang pagka sincere sa boses nya kaya kahit papaano kumalma na ako.

"Sino ka ba?" Tanong ko ng may halong takot sa boses. Tumingin naman siya sa akin at napakamot sa batok niya.

"Hindi ba talaga ganoon ka klaro yung mukha ko sa fb?" Napaisip naman ako fb??lalaki??

"Umm.." Napaisip ako ng mabuti para maalala kung sino ba siya. Aishhh wala akong maalala.

"Aish okay magpapakilala nalang ako, ahem ako si Artlon aka Arty." Nanlaki naman yung mga mata at tumingin sa kanya.

"Ikaw si Arty?" Tumango naman siya napatakip ako sa bunganga ko.

"Omg...." Nagkunwari akong gulat at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

"Alam kong gwapo ako kaya wag mo na ako titigan." Natawa naman siya sa sinabi niya, tinaasan ko lang siya ng kilay kaya mas lalo siyang tumawa. Tinignan ko lang siya pataas at pababa, nakita ko naman na niilang nasiya.

"Ang........" Tinignan ko siya sa mata at nagkunwaring nahihiya.

"Like what you see?" Ngumisi naman siya at tinignan ako ng nakakainis. Umiwas ako ng tingin pero binalik ko rin yung tingin ko sa kanya agad.

"Your just........" Tinignan ko ang mga mata niya, ngumisi sya sa akin.

"Im just what?" Tumingin siya sa akin with amusement, ngumiti naman ako ng pagka sweet sweet.

"Your just so ugly in person." Ngumiti ako ng sincere sa kanya, napanganga naman siya sa sinabi ko at iniwas ang tingin sa akin, natawa naman ako ng mahina at umalis na ng hindi napapansim dahil sa ibang direksyon sya nakatingin. Pumunta ako sa isang tahimik na parte sa palengke, sumandal ako sa isang sulok ng mga saradong tindahan I crossed my arms at tumingin nalang sa daanan. Walang mga bukas na tindahan dito kaya mas gusto ko na tumambay dito tuwing hapon dahil ang tahimik.

Halos kalahating oras ako nagtambay dito ng may mga narinig akong yapak ng tao. Mas diniin ko yung sarili ko sa pader na madilim para hindi ako makita. Nakita ko si Arty na hinahabol ang hininga, nakalagay yung mga kamay niya sa tuhod niya at nakayuko sya. Lumabas ako sa dilim at lumapit sa kanya, kinalabit ko yung braso nya at napalingon rin sya agad nanlaki pa yung mga mata nya. Tumayo sya ng tuwid habang hinahabol pa rin ang hininga, pawis na pawis pa sya.

"Dito ka lang pala." Sabi nya in between his breaths, kumuha muna ako ng panyo sa bag ko at tinapon sa kanya pero hindi nya nasalo nakatakip lang sa mukha niya dahil yung gwapo niya mukha ang nakasalo hahaha teka anong gwapong pinagsasabi ko?

"Magpunas ka nga ng pawis mo mukha ka ng basang sisiw dyan." Tinanggal niya yung panyo sa mukha nya at pinunasan ang sarili. Humunap ako sa bag ko ng tubig ngayon kaso wala ng laman yung baunan ko, tinignan ko si Arty na ngayon na pumupunas ng pawis.

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now