#1

28 9 0
                                    

Nakatingin ako sa salamin habang inaayos ang aking buhok, naglagay ako ng kunting pulbos sa kamay ko at inilagay sa mukha ko. Napatingin ako sa mga mata ko sa salamin.

"Bakit ka nagpapaganda kong hindi ka naman gaganda." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ko sa sarili ko. Inangat ko ang overall na susuotin ko bukas, above the knee ang style niya, napatingin naman ako sa binti ko.

"Ang pangit ng legs ko," Umiling na lang ako at tinuon ang pansin sa overall, may tatak ito na 98 sa gitna may parang stripes ito sa dulo. Maganda ang dress overall pero hindi naman maganda ang susuot. Nilapag ko nalang yung overall sa kama ko at lumabas sa kwarto.

"Bilisan mo diyan anak inaantay na tayo ng tita mo," Narinig kong sigaw ni mama mula sa kusina. Hindi ko siya sinagot at inayus na ang sarili ko.

*After 4 minutes*

Tahimik lang akong naglalakad sa likod ni mama habang nagpapatugtog. Nakarating na kami sa kanto ng barangay namin, kumaway si mama kay tita Jane na nanay ng childhood friend ko na si Lesther.

"Ano tara na?" Tanong agad ni tita Jane ng makalapit kami sa kanya.

"Sige tara na." Sagot naman ni mama, hindi ako nagsalita at sumunod na sa kanila papunta sa isang shuttle van. Pumasok na sila mama sa front seat habang ako ay sa likod nalang.

Inilabas ko ang phone ko galing sa bulsa ng pants ko at nilaksan ang volume. Tumingin ako sa labas, may bigla namang kumalabit sa akin kaya napalingon ako.

"Ening sa city ka rin ba?" Tinanggal ko ang isa sa earphones ko at sinagot si lola.

"Hindi po, sa bayan lang ako," Tumango lang si lola at ngumiti, nginitian ko siya at tumalikod na bago pasak ng earphone. Umandar na ang makina ng shuttle at nagsimula na itong gumalaw, tumingin ako sa labas at napangiti ng malampasan namin ang dating ko elementary school. Napahawak ako sa bintana habang tipid na ngumingiti.

Isinandal ko ang aking ulo sa bintana at tumingin sa langit, tsk uulan nanaman ba? Kainis na bagyong yun ah hindi parin nakakalampas. Pinalitan ko yung tugtog ng Power by Little Mix, naadik na ako sa kantang yun iniimagine ko na isa akong secret na gangster at nakikipag suntukan sa mga manyak na nangbastos sa akin >.<

*After 20 minutes*

Bumaba na ako sa shuttle at kinausap si mama na siya nalang ang magbayad sa pamasahe ko, naglakad-lakad lang ako sa harap ng pharmacy saglit bago ako nagdesisyong sumakay na sa tricycle papuntang school. Habang umaantay yung tricycle driver ng iba pang pasahero ay tinext ko muna ang mga kaibigan ko.

*Group Message*

Guys papunta na ako, saan na kayo?

*Sent*

Hindi sila nag reply makalipas ng ilang minuto, baka nagabyahe pa sila. Lumingon ako sa kanan ko, maraming mga taong naglalakad at may mga tambay rin. Napakapeaceful talaga ng Aborlan, tahimik pero minsan may mga hindi inaasahang nagaganap tulad ng pagnanakaw.

Ng napuno na ang tricycle ay umalis na kami agad, habang nagbyahe kami ay nakatingin lang ako sa labas ng hindi nakangiti. Nakita ko na yung gate ng school pumasok na kami at dumaan sa shortcut, bumaba ako sa tapat ng paaralan namin at bumayad ng pamasahe. Lumakad na ako papunta sa room namin kahit na alam kong hindi bukas yun. Lumingon-lingon ako sa paligid para malaman kong may tao ba dito o wala, wala akong naririnig na ingay maliban sa ingay na nanggagaling sa construction area sa likod ng school namin. Wala yung tagalinis sa school ground, magisa palang pala ako dito. Umupo ako sa isang flower box na nasa tapat ng lower students, napalingon ako sa pinto ng classroom at ng makita ko na nandoon pa rin ang papel na may candidates para sa SSC officers ay agad rin akong lumapit. Hinanap ko ang pangalan ng crush ng kibigan ko, ng makita ko ito ay dahan-dahan ko tinaggal ang papel at tinago sa bag ko.

Naiisipan kong magpaload dahil kakaexpired lang ng load ko, pero sarado yung mga store dito kaya kailangan ko pang maglakad papunta sa labas ng University para makahanap ng maloloadan. Nagsimula na akong maglakad papunta sa gate, habang naglalakad ako ay napapansin kong napapatingin yung ibang tao sa akin. Tinignan ko naman yung suot ko, nakapants lang ako, sabay shoes na white at fitted na blouse na may butas banda sa curve ng balikat ko. Dapat hindi nalang ako nagporma ng ganito, binilisan ko nalang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa parang mini forest pero may mga upuan at table parang tambayan lang siya.

Napabuntong-hininga ako ng palabas na ako sa gate, napalingon naman ako sa isang lalaki na nakapangbahay lang naibahan ako at tumakbo nalang ako palabas. Tumawid ako sa kalsada at tumambay muna ako saglit sa tapat ng isang boarding house ata. Nilabas ko yung sweater ko na kulay gray at sinuot ito, nakita ko yung lalaki kanina na bumili doon sa tindahan na plano kong puntahan. Ng matapos na siyang bumili ay ako naman ang pumunta doon sa tindahan at tumanong kung may load ba sila pero kung minamalas ka nga naman wala pala. Nagpasalamat lang ako at nagsimula muling lumakad humanap ako ng tindahang walang tao lalo na mga lalaki.

Nakakita ako ng isang tindahan banda sa pababa na daan tumanong ako kung may load sila, yes mayroon daw. Agad kong nilabas ang phone ko kaso habang nakatingin ako sa phone ko ay nahagip ng mata ko ang isang tricycle, nanlaki naman mata ng mamalayan na sa kaibigan ko pala yung tricycle na yun. Magpasalamat lang ako sa tao na paaloadan ko sana at nagsisitsit para mapansin ako ni tito at ni Pat. Tumakbo ako papunta sa kalsada at nakita ko yung tricycle na nakatigil agad akong tumakbo papunta doon at sumakay.

"Ang aga natin ah!" Natawa naman ako kay Pat at tinugon ang pansin sa labas. Nagkwentuhan kami saglit at tumahimik na, kinausap naman si Pat ng tatay niya at ako naman ay tumahimik nalang. Ng makarating kami sa school ay nakita ko si ate Amy na nakaupo sa isang simuntadong upuan na walang sandalan. Nagpaalam at nagpasalamat ako kay tito at pumunta sa mala harden sa likod ng mga room, nilapag ko ang bag ko at tinanggal ang earphones ko.

Lumapit si Pat kay ate Amy at tinanong kong kasabay niya ba sila Rean, bumuntong-hininga ako ng sabihin niya na hindi. Umupo na lang ako sa upuan at nilabas ang speaker na dala ko. Nagsimula ako magpatugtog habang si Pat na nakaearphones naman, pinapakinggan niya ata yung tugtog na sasayawan namin. Natawa naman ako dahil parang kinikilig si Pat sa pinapakinggan niya.

"Ano bang pinapakinggan mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil siya at lumapit sa akin, kinuha ko yung isang earphone at pinasak sa tainga ko. Agad ko rin itong tinanggal at tumingin nalang sa kanya na masayang kinakalikut yung phone niya.

Tumahimik na lang ako at pinanuod si Pat sumayaw ng sumayaw.

********
Thank you sa pagbasa ng story ko, it means alot to me pls continue reading and enjoy

Please vote and comment your thoughts about this story para naman maayos ko sa susunod thanks.

💖❤️💖

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now