#7

11 2 0
                                    

Napabuntong-hininga ako ng makalabas na ako ng shuttle, okay lang rin na malate ako ngayon kasi wala kami klase. Hindi na rin ako nakauniform. Kailangan ko pa bumili ng mga kakailanganin ko sa isang task namin.

Ano na nga ba kailangan ko, ay oo illustration board. Pumunta na ako sa school supplies.

" Ate illustration nga po."

" Anong size?"

" 1/8 lang po." tinalikuran na ako ni ate at hinanap ang bibilhin ko.

Saktong pabalik na si ate hawak ang illustration board ko ay may biglang sumulpot na lalaki sa tabi ko.

" Ate 1/8 illustration nga po. "

Nilapag ni ate ang illustration sa harap naming dalawa na agad rin naman hinawakan ng lalaki.

" Ay sorry nauna na siya eh." ako naman itong humawak sa illustration na marahang hinila palayo sa lalaki.

" Aww ganon ba. Oy ikaw pala yan. "

Agad akong limingon at gulat na tinitigan ang mukha niya. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.

" Project?" turo niya sa illustration na binili ko. Tumango naman ako.

" Ah sige hahanap nalang ako ng  ibang mabibilhan. " ngumiti lang ako. Langya ano naman kaya ang masasabi ko sa kanya noh?

" Gusto mo ba sabay na tayo pumunta sa school, yun eh kung ayos lang sayo?" nabaling agad ang tingin ko sa kanya.

" Oo ayos lang kung hindi ako nakakaistorbo sayo pero may iba pa kaso akong bibilhin." mahina siyang tumawa. Naano to?

" Ayos lang may bibilhin rin naman akong ibang gamit." nangigiliti ang mga paru-paro ko sa tiyan. Teka totoo ba to. Kailangan ko ng kukurot sa akin.

" Ayos ka lang? " natigilan ang pagmumuni ko ng tawagin niya ako, nilingon ko siya at ngumiti. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kinagat ang labi ko. Masyado nanaman lumilipad ang utak ko. Kalma lang.

Tumigil kami sa ibat-ibang tindahan at sarisarili ring bumili ng gamit namin. Nang natapos na namin ang pamimili inaya niya ako na mag abang ng tricycle, medyo nahirapan akong maglakad sa dami ng dala ko. Bigla niya naman kinuha ang iba kung dala bago ako nginitian, umiwas ako ng tingin sa hiya. Sabihin ninyong panaginip lang to dahil wala na akong planong gumising.

Plano ko sanang umupo sa backride pero naunahan ako ng isang college kaya wala akong choice para umupo sa tabi niya. Habang nagbabyahe kami ay hindi ako mapakali, nakatingin lang ako sa labas at pinapakiramdaman ang katabi ko. Bahagyang tumatama ang mga braso namin dahil sa lubak. Laking pasalamat ko ng narating namin ang school, bumayad na ako at inalalayan niya ako sa mga binili ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang barkada niya sa hallway, oh shit. Nilingon nila kami at bahagyang nagsitawanan bago kami nilapitan.

"Ahem hindi naman diba kami nakakaistorbo tol?" itinago ko ang mukha ko sa mga paper bag na dala ko. Okay na siguro na sila ang makakita sa amin kaysa naman mga kaibigan ko dahil bugbog ako ng inis nun.

"Umayos nga kayo." sabi niya na ikinatawa lang ng mga barkada niya, gamit ang isa kong kamay ay kinuha ko ang ibang paperbag sa kamay niya.

"Sige salamat. Mauna na ako sa inyo." ngumiti muna ako sa kanila bago mabilis na umalis. Narinig ko pa ang munti nilang tawanan bago ako tuloyang nakalayo.

Pagbukas ko ng room ay kakaunti pa lang sa mga kaklase ko ang nandoon, pero sila Pat nandito na. Inilapag ko ang mga gamit sa tapat ng upuan ko bago ibinagsak ang sarili ko sa upuan. Bakit kailangan pa nila kami makita langya naman oh.

"Uy okay ka lang?" nagpangalumbaba ako bago tumango kay Pat. Hindi ko ba alam kung maganda tong simula ng araw ko o ano.

Inilabas ko ang phone ko at nagonline, wala na rin naman akong magawa eh. Scroll up and down lang ako ng biglang may nagchat. Pero ayaw ko muna kausapin ang taong to. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakwatsya nalang sa newsfeed ko pero langya tunog ng tunog ang messenger ko. Nabwesit na ako kaya no other choice kundi kausapin siya.

Chat

Arty:

Huy

Huy

HUY KAUSAPIN MO AKO

HUY!!

ME:

ANO BA?!

Naseen niya na ang chat ko pero hindi siya nagreply. Bigla nalang rin siya nagout. Tarantado yun ah. Cha-chat chat pa wala rin naman palang sasabihin. Tsk bahala nga siya dyan. Pinatay ko na ang data ko at itinago ang phone ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas muna ng room. Gusto ko muna magpahangin. Masyadong mainit sa room, tinungo ko nalang ang playground dahil grabe ang presko doon.

Mabuti nalang walang tao at makakapagmuni-muni ako. Umupo ako sa dulo ng slide at nilaro-laro nalang ang mga ugat ugat na umaakyat dito. Gaano na ba katagal ang paguusap namin ni Arty, magiisang taon na pala talaga. Ang bilis ng panahon. Payapa ang paligid ko kaya parang inaabot ako ng antok. Papikit na sana ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. May tawag? Sino naman to? Kahit na nagaalangan ay sinagot ko rin.

"Hello?" walang sagot. Langya may nantitrip nanaman ba sa akin.

"Hello kung sino ka man wag ako ang pagtripan mo dahil baka ipahanap pa kita at ipalapa sa alaga naming aso." munting tawa lang ang nadinig ko sa kabilang linya, at aba tinawanan pa ako.

"Kung wala ka namang sasabihin goodbye."

[Teka.] nakakunot ang noo ko ng dahan dahan kong binalik sa tainga ko ang phone.

"Sino ka ba at anong kailangan mo?!"

[Si Arty to.] natigilan ako at nanlaki ang mata. Paano niya nakuha number ko? Hindi muna ako nagsalita dahil wala rin talaga akong masabi.

[Uy magsalita ka rin.] bigla ko naalala ang biglaan niyang pagsabog. Isang linggo narin ang nakaraan simula nun at hindi na rin kami naguusap.

"Ano kailangan mo?" masama na kung masama, galit ako sa kanya. Siya rin naman nagsimula ng away namin.

[Ano kasi.. ]

"Ano?" malamig ang boses ko kaya alam kong dama niya ang galit ko muli dito.

[Wala sige. ]

"Aba't, langya pinatayan ako." padabog akong tumayo sa slide, wala na di na payapa ang paligid polluted na sa boses ng lalaking yun. Psh. Bwesit.

Bumalik na ako sa room, maingay at alam ko na nandyan na ang iba naming kaklase. Time to get to work.

Tinungo ko na ang mga gamit na binili ko at nagsimulang magtrabaho sa sahig. May roleplay pa kaming gagawin, masyadong busy talaga pag high school na.

"Tara simula na tayo." umupo sa tabi ko ang dalawa kong seatmates pati na rin ang row nila Pat. Tulongan kami sa paggawa ng ibang maliliit na props.

Medyo paminsan minsan nalulutang ako. Hindi ko rin kasi maalis sa utak ko kung paano ni Arty nakuha number ko, I mean ang first meet up namin ay yung sa palengke at hindi ko pa siya nakilala nun ah. Pero yun na yun talaga, wala na. Imposible naman na nakuha niya sa phone ko. Wala rin naman sa profile ko ang number ko. Langya sumasakit ulo ko sa pagiisip. Bwesit na lalaking yun. Kahit sa una naming paguusap ay masasabi ko na misteryoso siya.

"Huy." nataohan ako ng may bumatok sa akin.

"Langya kailangan may batok." nagsitawanan lang sila habang ako nakakunot ang noo.

"Lutang ka nanaman kasi, ano nanaman nasa isip mo?" umiling lang ako.

"Ako alam ko. Kanina nakita ko sila ng crush niya na nakasakay sa iisang tricycle tapos tinulungan siya magdala ng mga paper bags." nanlaki ang mata ko na tumingin kay Rean, langya nakita niya yun.

"Nakita mo yun!?" nagsitawan lang sila at ininis lang ako ng ininis. Akala ko naman makakatakas ako sa tukso ng mga kaibigan ko, hindi pa rin pala kainis.

That One Sweet DayWhere stories live. Discover now