CHAPTER 3: Tea Shop Murder Case File 3

78 4 4
                                    

Third Person's POV

"Inspector, hanggang anong oras niyo ba kami balak i-hold dito? May pupuntahan pa po kasi kami eh" tanong ni May na may konting pagtaas ng boses.

"Ahh saglit lang talaga, tinitignan na namin ang posibilidad ng suicide dito" sagot naman ni Inspector Megure.

"Megure, wala pa bang conclusion yung bata mo?" tanong ni Inspector Kenmonchi sa kanyang kapwa Inspector.

"Sa ngayon ay hindi ko pa nakikita yung malawak niyang ngiti eh, kaya malamang ay hindi parin. Eh yung bata mo ba? Kamusta? Wala parin ba?" tanong pabalik ni Inspector Megure.

"Sa tingin ko ay may lead na siya, pero wala parin naman siyang conclusion na sinasabi sa akin. Mukhang hindi yata nila malutas ang kasong ito kaya wala narin siguro tayong pag-asa upang maisara ito" pahayag naman ni Inspector Kenmonchi.

"Inspector, matagal pa po ba? Hinihintay na kasi ako ng mga kasama ko eh!" tanong ni Ace na may halo na ng ekspresyon ng pagkainis.

"Hmm, mukhang kailangan na natin munang ipagpaliban itong kaso na ito dahil may pupuntahan ang bawat isa sa inyo. Sige maari na kayong umalis pero maari iimbitahan namin kayo mamaya sa Station para kunin ang mga salaysay niyo" pagpapaliwanag ni Inspector Megure.

"Hay sa wakas! Maraming salamat po Inspector. Pupunta nalang po kami mamaya sa station" sabi ni Eve.

Nagsisimula nang maglakad papalabas ng shop ang tatlo ng bigla nalang may sumigaw.

"Sandali lang!" sigaw ni Shinichi na naging dahilan ng pagtigil ng tatlo sa kanilang paglalakad.

"Ano yon Kudo-kun?" tanong ni Inspector Megure.

"Sandali lang Inspector. Bago natin tuluyang paalisin ang dalawang inosente sa kanila, bakit hindi muna natin alamin kung sino ang isa na isasama natin sa station para ilagay sa likod ng malalamig na rehas?" wika ni Shinichi na nagbigay ng matinding impresyon sa madla.

"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ba't nagpakamatay si Bernard?" tanong ni May.

"Oo, yun nga ang magiging konklusiyon ng pulis at yun din ang gustong maging konklusiyon ng isa sa inyo, ang salarin na lumason kay Mr. Bernard Sy!" sagot naman ni Shinichi.

"Ano? at sino naman sa amin ang gumawa non?" tanong ni Ace.

"Ang taong lumason kay Mr. Bernard at ang nagplano ng pambihirang krimen na ito, ay ikaw!...",

" Ikaw Ms. Eve Lee Ikaw ang salarin!!"hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Shinichi ng bigla siyang sapawan ni Hajime.

Ikinagulat naman ng tatlo ang pagtuturo ni Hajime kay Eve.

"Teka, saan mo ba napulot ang pinagsasabi mo? Paano ko naman siya malalason!?" tanong ni Eve na may pagtaas ng boses.

"Gusto mong malaman kung paano? Halikayo dito sa lamesa niyo at ipapaliwanag ko" sabi naman ni Hajime. Bagama't nababakas sa mukha ni Shinichi ang pagkainis dahil para siyang batang inagawan ng kendi ni Hajime sa pagsasabi kung sino ang salarin ay sumunod nalang din siya dito para makita ang gagawin nito. Balak niya sanang sapawan din si Hajime o 'di kaya ay itama nalang ito kung sakaling mali ang deduction nito.

Nagtungo ang lahat sa lamesa ng mga magkakaibigan kung saan makikita ang mga tea cup na ginamit nila na nakatayo ulit, kabilang ang tea cup ng biktima.

"Ano naman ang meron dito?" tanong ni May.

"Hindi niyo ba napapansin ang pagkakaiba niyong lahat?" tanong ni Hajime.

"Wala naman, bukod sa ang tasa lang ni Eve ang iba ang pwesto kaysa sa amin. Ang sa amin ay parehas nakapuwesto sa paraang ang ipanghahawak namin na kamay ay ang kaliwa habang sa kanya naman ang bukod tanging sa kanan" sagot naman ni Ace.

Detective Conan and Kindaichi Case Files: Case Encounter of the DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon