CHAPTER 8: Hajime Kindaichi's Tokyo Tower Case Encounter File 2

89 3 2
                                    

Third Person's POV

"Ano ang tungkol sa Impaktong may Dalawampung Mukha Mitsuhiro?" Tanong ni Akechi.

"Tingin ko ay alam niyo naman ang tungkol doon. 3 years ago ay may kumalat na balita tungkol sa isang mamatay tao na ang tanging mithiin lamang ay pumatay ng pumatay. Siya ay tinatawag na ang Impaktong may Dalawampung Mukha dahil ito sa bilang ng kanyang mga ginayang personalidad. Bali-balita kasi noon na ang Impakto daw ay nagpanggap na mga taong kaibigan, kamag-anak o kaya kasama sa bahay ng kanyang mga 20 biktima noong nakaraan." Sagot naman ni Mitsuhiro.

"Paano mo naman nasabi na gawa ito ng Impakto o kung sino man na yon?" tanong naman ni Hajime.

"Yun ay dahil dito," ipinakita ni Mitsuhiro ang isang kapiraso ng papel sa mga kasama. "Nakita ko ito dito sa may pinto ng storage room na ito."

"Isang code?" tanong ng batang si Takumi. "Pwede ko po bang hiramin saglit ang papel. Titignan ko lang po kung may maitutulong ako."

"Oh sige bata. Ito" pag-abot ni Akechi sa papel.

Habang sinusubukan ng bata na isipin ang ibig sabihin ng code ay pansamantalang sinariwa ni Hajime ang mga pangyayari.

"Ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay ang pagsabog sa loob ng storage room. Noong nangyari ang pagsabog, wala ni isa sa amin ang umalis kaya imposibleng isa sa amin ang gumawa. May mga bagay na gumugulo sa akin ngayon. Una, saan galing at ano ang koneksyon ng code kaya't nagtungo sa lugar na ito si Moroboshi? Pangalawa, paano nagawa ng salarin na masabugan ang biktima ng may 100% na kasiguraduhan? At ang huli, bago naganap ang pagsabog ay sumigaw ang biktima? Ano at para saan? Nakakainis! Wala akong maintindihan sa mga nangyayari."

"Huwag mo masyadong damdamin ang lahat Kuya," sabi ng batang si Noriya. "Kung nababagabag ka, gusto mo bang pasukin at tignan ang Crime Scene?"

"Mukhang maganda yang suhestiyon mo. Teka, magpapaalam lang ako kay Akechi-san."

Nilapitan ni Hajime si Superintendent Akechi.

"Akechi-san, pwede ba naming pasukin ng batang si Noriya ang Crime Scene? Baka sakaling may makita kaming makatutulong sa paglutas ng kaso."

"Hmm, ganyan din sana ang gagawin ko pero naalala ko na dapat ko muna itong ipaalam kay Shukichi pero sige maaari na kayong makapasok sa loob. Huwag niyo lang kalimutan na i-preserve ang Crime Scene."

"Maraming Salamat! Akechi-san."

"Umaasa parin kayo na babalik ang organizer ng event na ito?" sabi ni Mitsuhara. "Hindi pa ba ninyo halata? Simple lang ang kaso na ito at kilala ko na kung sino ang salarin!"

Detective Conan and Kindaichi Case Files: Case Encounter of the DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon