CHAPTER 5: Shinichi Kudo's Beika Hotel Case File 2

58 5 0
                                    

Third Person's POV

Pagkaraan ng ilang minuto na pagtawag sa pulis ay dumating na ang mga ito sa pinangyarihan ng krimen. At dahil sakop ng Tokyo ang kaso, ang Inspector na humawak sa kaso ay ang ating pinakamamahal na Inspector Megure kasama si Detective Takagi at Detective Chiba pati narin ang Forensics Team.

"Kudo! Nagkita ulit tayo ah at kasama mo din pala si Atty. Kisaki. Hindi man lang pinaabot ng isang araw, may kaso na namang nakabinbin at ikaw na naman ang kasangkot." pagbati ni Inspector Megure habang nilalaro ang kanyang bigote at nakangisi na parang bata.

"Sarcastic ba yang sinabi mo Inspector?" tanong naman ni Shinichi na may bahid ng inis sa kanyang mukha.

"Hahaha hindi naman, pero ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong isipin sa sinabi ko" pagganti naman ng salita ni Inspector.

Maya-maya ay lumapit ang isa sa miyembro ng Forensics team at nagpahayag ng report.

"Inspector, ito na po ang resulta ng pagsusuri. Ang biktima po ay nagngangalang Shiname Kagayaki. Isa siyang pharmacist ng isang sikat na botika sa Japan. Namatay siya dulot ng tama ng baril sa iba't-ibang bahagi ng katawan tulad ng kanyang tiyan na dumiretso sa kanyang atay, may tama din siya sa paa, braso, kanang dibdib at sa iba pa. May isang oras na simula nung namatay siya at ang 9mm semi-automatic pistol na may silencer na nasa sahig ang walang dudang ginamit ng kriminal dahil nag-match ito sa mga bala na nakuha namin mula sa katawan ng biktima" ayon sa report nito.

"Magaling, ipagpatuloy niyo pa ang inyong maiging pagtatrabaho." sabi naman ni Inspector at umalis na ang forensic member.

"Oh Kudo, tutal at nandito ka narin naman na, maaari mo ba kaming matulungan sa kasong ito? Wala ka bang pupuntahan o importanteng gagawin? Kung pwede lang naman at kung ayos lang sayo" tanong ni Inspector da binata.

"Ayos lang sa akin Inspector, pero ewan ko lang dito sa kasama ko." paghahayag ni Shinichi habang tinitignan si Ran na may ekspresyon na ng matinding pagkainis.

"Ran-kun, pwede bang hiramin ko muna si Kudo? tanong ni Inspector.

"Opo pumapayag na po ako. Wala naman akong magagawa kasi sangkot ang mama ko dito sa kasong ito" banggit ni Ran habang may inis parin sa kanyang mga salita.

"Hahaha mabuti naman, pero Kudo saan tayo magsisimula ngayon?" tanong ulit ni Inspector.

"Inspector, pwede ba nating tignan ang call history ng cellphone ng biktima sa araw na ito? Baka may makita tayong lead sa kasong ito. Meron kasi siyang iniwang dying message na "2C" gamit ang kanyang sariling dugo." suhestiyon ni Shinichi.

"Ano naman ang makikita natin sa pagtingin natin sa call history ng biktima?" tanong naman ni Inspector pabalik.

"Kung nag-iwan siya ng dying message, may posibilidad na kakilala niya ang salarin at bukod pa doon, may posibilidad na ang taong iyon ay gustong makipagkita sa kanya dito sa loob ng hotel na ito" pahayag naman ni Atty. Eri.

"Ahh tama. Sige ipatatawag ko na sila Takagi at Chiba para ma-check ang cellphone ng biktima" sabi naman ni Inspector.

"Inspector, tignan din natin yung sirang CCTV na camera na yon. Maaaring sira na yan pero kung may record sila ng mga pangyayari bago ito masira, maaaring makakita din tayo ng clue dito." suhestiyon ulit bg binata.

"Sige Kudo, magpunta tayo sa monitoring room ng hotel na ito." suhestiyon ng Inspector.

Tinungo nila ang daan papuntang Monitoring Room sa tulong ng isang staff sa hotel at pumasok na sa pinto nito. Pagpasok ang bumungad sa kanila ang maraming TV Screens na naka-display ang mga footage ng CCTV Cameras. Nabaling ang kanilang pansin sa isang TV Screen na may isang parte ang naka-black lang o blangko.

Detective Conan and Kindaichi Case Files: Case Encounter of the DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon