PROLOGUE: The First Encounter

151 4 1
                                    

Third Person's POV

Nangyari ang lahat ng ito bago pa man lumiit ang highschool detective na si Shinichi Kudo at maging si Conan Edogawa.

Isang mainit na umaga sa Tokyo ng mag-aya si Ran kay Shinichi na samahan siya sa pamimili ng damit na susuotin niya para sa pagkikita nila ng kanyang ina.

"Shinichi, sige na samahan mo na ako, saglit lang naman tayo eh" sabi ng nagpupumilit na si Ran. Kanina pa kasi siya nakatayo sa may harap ni Shinichi na abalang-abala sa pagbabasa ng libro na The Adventures of Sherlock Holmes sa kanyang study room.

"Oo sige na, malapit ko naman na matapos 'to eh, hintayin mo lang ako." sabi ni Shinichi habang patuloy parin siyang nagbabasa.

"Kaya nga kita sinasabihan kanina pa ay para makakain ka na muna bago tayo umalis, hindi ka na kumakain ng tama lagi eh."

"Hehehe, pasensya ka na, pero ayon kasi sa sinabi ni Sherlock Holmes, Mind best works on an empty stomach." banat ni Shinichi na nagpakulo lalo ng dugo ni Ran.

"Nako, bahala ka na nga sa buhay mo, basta bilisan mo diyan ah, hihintayin kita sa labas, ayoko magkulong dito sa study room mo na punong puno ng libro, feeling ko napa-paranoid ako." sabi ni Ran habang naglalakad palabas ng study room ni Shinichi.

Kapag walang pasok o di kaya bakasyon at wala naman silang alis ng nanay at tatay niya ay dito siya madalas nagkukulong, sa loob ng malaki niyang study room. Dito niya binubuhos ang halos lahat ng oras niya sa pagbabasa lamang ng mga mystery or detective fiction books, kasama na dito ang iilang gawa ng tatay niya na si Yusaku Kudo, isang nobelista.

Pagkaraan ng ilang minutong patuloy na pagbabasa ay natapos narin ni Shinichi ang istorya at ibinalik na sa bookshelf ang libro. Pagkatapos ay lumabas na siya ng study room upang mag-asikaso dahil kanina pa siya hinihintay ni Ran.

Sa kabilang banda....

"Hajime-chan, samahan mo na ako dali na~" pagmamakaawa ni Miyuki sa harapan ni Hajime na abalang-abala sa pagkain.

"Saglit lang Miyuki, matatapos narin naman akong kumain eh." tugon ni Hajime habang punong-puno pa ang bibig sa pagkain. Naiirita at naiinis na  Miyuki, kanina pa kasi kain ng kain ng ramen si Hajime at kanina parin siya paulit-ulit na nag-aaya dito.

"Hajime-chan, huli na yan ah, pagkatapos niyan bahala ka iiwan na kita dito kapag hindi mo ako sinamahan, ako nalang ang bibili mag-isa."

"Saglit lang naman eh matatapos ko na kasi."

"Matatapos mo na? Eh kanina mo pa sinasabi yan eh!"

"Hahahaha, pasensya na ang sarap kasi eh, hindi ko mapigilan yung sarili ko na kumain ng kumain."

"Lagi naman Hajime, mas inuuna mo pa yata ang pagkain kaysa sa grades mo, maski sa room natin kumakain ka parin eh."

"Tapos na!" sigaw ni Hajime habang nakatayo at pinakita kay Miyuki yung bowl ng ramen na wala nang laman.

"Oo, ubos mo na nga ang ika-sampu mong bowl." medyo naiinis na bigkas ni Miyuki.

"Tara na Miyuki, bilis bago pa magbago ang isip ko at bumili pa ulit ako ng isa! hahaha" tuwang-tuwang bigkas ni Hajime.

Detective Conan and Kindaichi Case Files: Case Encounter of the DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon