CHAPTER 4: Shinichi Kudo's Beika Hotel Case File 1

64 5 0
                                    

Third Person's POV

"Hays, Shinichi naman oh! Dahil diyan sa pagiging murder magnet mo na-late na tayo sa meeting namin ni Mama." pagrereklamo ni Ran habang naglalakad sila papasok ni Shinichi sa Main Entrance ng Beika Hotel. Pasado alas 5 na kasi ng hapon at dito kasi napili ng nanay ni Ran na si Eri Kisaki na magkita silang mag-ina.

"Hehehe, pasensya na Ran. Hindi ko naman na kasalanan na napapaligiran ako lagi ng mga kaso na kailangang lutasin eh" pagdepensa ni Shinichi.

"Nagpapaliwanag ka pa eh kung magmadali nalang kaya tayo? Baka magalit pa si Mama kasi sobrang late na tayo eh" pagtugon naman ni Ran kay Shinichi.

Tinutungo na nila ang pinto papunta sa elevator ng bigla nalang silang matigilan. Napakarami kasing tao ang nakaabang sa elevator. Nilapitan ni Shinichi ang isa sa mga lalaking naghihintay din dito.

"Kuya, ano pong problema dito?" tanong niya sa lalaki.

"Ah, eh itong elevator kasi, kanina pa namin hinihintay pero hindi parin bumababa. Tinawagan narin namin yung maintenance pero sabi nila wala naman daw silang repairs na isinasagawa. Napaka-hassle naman kung maghahagdan ako, kaya hihintayin ko nalang na bumukas itong elevator" paliwanag ng lalaki.

"Ahh sige maraming salamat po" sabi naman ni Shinichi.

"Nagsisimula ko na talaga isumpa itong araw na 'to dahil sa mga nangyayari Shinichi!" galit na tugon ni Ran na ikinabahala naman ng binata. "Halika Shinichi! Maghagdan nalang tayo bago pa ako tuluyang mainis!".

"Nako lagot! Naiinis na talaga siya!!" ani ni Shinichi.

Nagtungo na sila sa kinaroroonan ng mga hagdan at dali-daling umakyat dito. Mahaba-haba kasing akyatan ang kailangan nilang gawin dahil nasa 37th floor ng 100 floors na Beika Hotel ang kinaroroonan ng meeting place nila ng nanay ni Ran. Makalipas naman ang ilang minuto na pag-akyat ay narating na nila ang ika-37 na palapag.

Pagkarating nila dito ay nakita ni Ran ang kanyang ina na nakaupo sa isang upuan habang umiinom ng tsaa sa kanyang lamesa. Nilapitan ito ng dalawa at agad na binati.

"Magandang araw po Ma!" bati ni Ran kasabay ng pagyuko bilang pagpapakita ng paggalang.

"Magandang araw po! Pasensya na po kayo at nahuli kami. May insidente po kasing nangyari sa pinanggalingan namin" bati naman ni Shinichi at paglalahad niya sa nangyari sa kanila habang kumakamot sa ulo at medyo nahihiya.

"Okay lang, walang problema yon. Ang mahalaga ay maayos kayong dalawa na nakapunta dito" sagot naman ni Atty. Eri.

Ang nanay ni Ran ay isang kilalang abogado na si Eri Kisaki. Kung nagtataka kayo at bakit Kisaki ang apelyido niya imbes na Mouri, malalaman niyo din sa nga susunod na ganap :)

"Kayong dalawa, maupo na muna kayo diyan at um-order muna kayo kung nagugutom kayo o nauuhaw" mungkahi ni Eri habang tinuturo ang upuan at habang idinadako sa dalawang kausap ang kinaroroonan ng counter.

"Ahh sige po salamat nalang po, uupo nalang po kami. Kakakain lang po kasi namin kanina" pahayag ni Shinichi kay Eri.

"Ahh ganun ba? Sige kayo ang bahala, pero kapag nagugutom kayo o nauuhaw, hayaan niyong ilibre ko kayo ng kahit anong gusto niyo" sagot naman ng abogado.

"Uhm Ma, bakit nga pala dito mo pinili na makipagkita sa akin?" Tanong ni Ran sa kanyang ina.

"Ahh pasensya na nga pala kung medyo pinahirapan ko pa kayo sa pagpunta dito" sagot naman ni Eri.

"Hindi naman po Ma, medyo natagalan kami kasi nga may insidente sa tea shop na hindi naman kasalanan ng kung sino man diyan kung bakit at nangyari at sa pagpunta naman namin dito ay sira yung elevator. Malas lang siguro talaga itong araw na ito Ma, diba Shinichi?" pagpaparinig ni Ran sa kanyang binatang katabi.

Detective Conan and Kindaichi Case Files: Case Encounter of the DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon