Last Practice

29 5 0
                                    

Mae's POV

Nakatulog ako ng mahimbing sa kwarto sobra napagod ako sa gala namin ni Xavier.Bigla ako nagising at naalala ko na last na pala namin ng practice, tumingin ako sa bintana at sobrang liwanag na kaya dali-dali kong binuksan yung pinto sa kwarto at bumaba na ako. "Oh, Bakit ngayon kalang nagising?" tanong ng mommy ko habang hinahanda ang almusal namin.Umupo na agad ako. "Kasi po sobra pagod ako sa gala namin," sagot ko habang kinuha ko yung tinapay para mabilis na ako matapos kumain.
"Aalis na ako pupunta lang ako, kasi may zumba pa kami saka baka ma-late ka pa sa practice niya" habang nagsusuot ng sapatos ang mommy ko at ako naman ay naligo na para makahabol pa ako sa practice.

After 15 min

Natapos na ako magbihis at lumabas na ako sa bahay namin, sobrang lamig ng pakiramdam ko at ang tahimik pa ng paligid namin pero may naaninag ako na tao sa labas.Dahan-dahan ako lumapit at sinilip ko kung sino ang nasa labas ng terrace namin.

Nakita ko si Xavier na naghahantay habang naka-park ng sasakyan at nakita ko na nilalamig siya at tinitingnan yung bahay namin.Lumapit ako agad sa harap niya at tinapik ko sa balikat. "Oy, Kanina ka pa ba dito saka bakit nandito ka?" tanong ko na nakataas yung kilay ko.Tumingin lang sa akin at natawa sa reaction ko "Halika na Miss Beautiful, ang cute mo pala magalit" hinawakan niya kamay ko habang papunta kami sa kotse niya."Hoy, bitawan mo nga kamay ko kaya ko pumunta sa kotse mo, Huwag mo na hawakan kamay ko!" Galit kong sabi na tinanggal ko ang kamay ko sa kanya at siya ay tiningnan lang niya ako.Akala mo naman na kahit gwapo siya ganon lang na sasama ako, maputi, matangos ilong, maganda yung mukha, malakas yung dating niya.Iniisip ko habang papunta ako sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse syempre pumasok na ako.Hinimas ko ang braso ko sa sobrang lamig at nakita ako ni Xavier na nilalamig ako."Kunin mo ito saka binili ko yan kahapon," sabi niya sa akin habang inaabot niya sa akin.Inabot ko yon at pagbukas ko isang jacket nilabas ko sa lalagyan at isinuot ko yon."Salamat dito," sabi ko na ginhawa na ang pakiramdam ko.

After 30 min

Nakarating na kami sa school namin lumabas na si Xavier sa kotse at binuksan yung pinto para makalabas ako, inabot niya kamay niya sa akin pero ako hindi ko pinansin nakita ko na marami naka-tingin sa amin at marami rin nakatingin ng masama sa akin.Hindi ko pinansin at dumiretsyo na ako sa room si Xavier naman sumunod sa likod ko.Habang naglalakad ako nakita ko si Heather at Scarlet agad ako lumapit sa kanila."Oh, Xavier kasama mo pala bessy namin," sambit ni Jul na kinikilig na nakatitig sa mata ni Xavier."Hinatid ko lang si Mae, sige iwan ko na kayo pupuntahan ko lang sila kyle," Paalam ni Xavier sa amin na patakbo siya paalis."Yieee, ang sweet naman ni Xavier sayo pero ang lungkot lang kasi hindi kayo totoo mag boyfriend," sabi ni Scarlet habang halata kinilig sa mukha niya."Wala naman imposible," dugtong ni Heather."Huwag na kayo magulo, pumunta na tayo sa practice," sabi ko sa kanila na hindi ko pinahahalata na kinikilig din ako.Lumakad na kami papunta sa practice namin at pagpasok namin sobrang dami ng tao at malamig pa rin dahil sa sobrang dami ng aircon.
Nakita namin si Lei at Bea na naguusap pinuntahan namin sila at umupo ako sa tabi ni Bea.
"Wow! ang ganda naman ng jacket mo," sabi ni Lei."Galing ito kay Xavier bigay sa akin," tugon ko sa kanila na bigla napatingin sila sa akin."Kaya pala ang ganda kasi galing kay fafa Xavier,"biro ni Bea na nakatingin sa akin. Naputol na ang pag-uusap namin at nag-umpisa na kami sa practice, pumunta na kami sa gitna at ang lalaki nalang ang pupunta sa amin.Hindi ko makita si Xavier bumibilis tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako baka iniwan ako.Bigla may tumakip sa mata ko "Sino toh? tanong ko habang naiinis ako dahil wala pa rin si Xavier "Ako toh, akala mo hindi kita pupuntahan," ngisi sabi ni Xavier at ako naman nakatingin ng masama sa kanya. Sumayaw na kami ng dahan-dahan damang dama ko ang tugtog habang sumasayaw kami at pagkatapos namin sumayaw ay pinaupo kami sa sahig. "Bukas ay hindi na kayo papasok dahil preparation niyo na sa prom at dapat gandahan niyo dahil may Prince and Princess na tatanghalin kaya kung gusto niyo manalo dapat maganda ang sayaw at damit.Good Luck sa prom niyo dahil minsan lang yan," sabi ng mentor namin na rinig na rinig namin dahil naka microphone pa siya at nakita ko mga kaklase ko sobra na sila exited at syempre ako rin. "Hatid na kita pauwi? Nag-aalinlangan na tanong ni Xavier."Huwag na dahil kasama ko naman mga bessy ko," sagot ko sa kanya.Nagpaalam na si Xavier sa akin at ako naman nagpaalam na rin.

Lifeless Love (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon