Mae POV
Nakita ko ang mga kaklase ko na nagtiliaan at ang iba naman ang sama ng tingin sa akin.
"Hoy! mga bata wag kayo malandi tumayo na kayo dyan, "sabi ng mentor namin.
"Mae! akin na yang kamay,"sabi ni Xavier sa akin.
"Ako naman natauhan na sa pagkatapos ng nangyari,Bakit ba hindi ako tumayo agad at tumitig pa ako sa mata niya. "bulong ko sa sarili ko habang inabot ko ang kamay ko sa kanya.
"Ok ka lang ba? "tanong niya sa akin.
"Ok lang ako namali lang kasi yung step ko,"sabi ko na hiyang-hiya ako dahil nakita ng mga kaklase ko.
"Wag mong ipilit kung hindi mo naman kaya kasi masasaktan ka lang,"bulong niya sa tenga ko
"Inis na inis ako sa sinabi niya sa akin akala mo naman sinadya ko,"sabi ko sa sarili ko.
"Ok,pwede na kayo umuwi.Itutuloy nalang bukas yung practice"sabi ng mentor namin na gamit pa yung mega phone.
"Bes! halika dito may sasabihin ako,"tawag ni Lei sa akin.
"Oh! bakit ano na naman? "tanong ko sa kanya.
"Masaya ba? dahil ang lapit ng mukha nyong dalawa,"tanong ni Lei na mukhang kinikilig.
"Oo nga,Ano pakiramdam? "sabat naman ni Bea
"Hmm..."Wala naman nakakainis nga siya ang lapit ng mukha niya sa akin,"sabi ko sa kanila.
"Weeh,Edi ikaw na,"sabi ni Lei.
"Mukhang ka nga nagsi-sinungaling kasi pakiramdam ko kinilig ka,"hinala naman ni Bea
"Halika na nga, ang gugulo nyo ayaw nyo maniwala,doon nalang tayo sa cottage mag-usap,"sabi ko sa kanila para hindi na ako kulitin.
Habang kami naglalakad,narinig ko na pinag-uusapan ang nangyari kanina.
"Ano ba yang babae na yan,Akala mo kagandahan nagpasalo pa kay Xavier.
Oo nga,siguro sinadya niya yon para magkalapitan sila ng mukha.
Akala mo naman,mahahalikan niya ang prince charming natin.Ang panget naman niya at hindi naman papayag yon ang prince charming natin.Kaya akin lang si Xavier.
"Hayaan, mo nalang iyon kasi kulang sila sa pansin,"bulong ni Bea sa akin.
Biglang may nag text sa selpon ni Lei.
Lei bilisan nyo nandito na kami ni Heather, naghihintay kami sa cottage na pinagtatambay natin.
"Halika na Mae,nag text na sila na naghihintay na daw sila sa cottage,"sabi ni Lei na nagmamadali kami sa paglalakad.
"Heather! bakit ka nagtext sa amin at nagpapadali ka pa,"sabi ni Bea na mukhang nagtataka.
"Eto kasi,may nagpapabigay kay Mae galing kay Xian ka tropa ni Xavier,"sabi ni Heather na mukhang kinikilig.
"Oh,mae buksan mo na yan.Para makita natin kung anong laman yan,"sabi ni Lei na nagmamadali pa sa akin.
Pagbukas ko ay isang kwintas na may name ko pa,sobrang kinang at may card pa na kasama.
"Wow! naman ang ganda niyan,"sabi naman Scarlet na mukhang nahuhumaling.
"Oo nga,wait lang papalitan ko lang yung kwintas,"sagot ko na sobrang nagandahan din ako.
"Eh,Mae bigay sayo yan ni Xavier, tapos papalitan mo lang,"sabat naman ni Lei sa akin na mukhang nahihinayang.
"Itatabi ko naman itong kwintas saka papalitan ko lang naman.Para malaman niya na hindi ako masaya na boyfriend ko sya"
"Ouch! naman ang sungit sa kanya ah, wait lang basahin mo yung nakasulat sa card, "react ni Jul habang binubuksan ang card.
"O sige na nga,ito babasahin ko ng malakas para marinig nyo rin,"sabi ko sa kanila habang nagtataka ako na bakit ako binigyan ng regalo.
Dear Mae,
May binigay akong regalo dahil remembrance ko ito sayo, sana maging magkaklase tayo at maging friends kita.Pag- pasensyahan mo nalang si Xavier ganon talaga kasi iyon.Laksan mo ang loob sa nag aaway sayo na babae, nandito lang ako. Good Luck sa prom natin.💞
Love,
Xian
BINABASA MO ANG
Lifeless Love (On Going)
Teen FictionAng buhay ni Christina, ay may matalik siya kaibigan na lalaki na palagi siya pinagtatanggol ngunit sa isang iglap nabago ang lahat.Hindi niya alam kung bakit bigla nawala ang kanyang kaibigan na lalaki na parang bula.Matutupad ba nila ang promise n...