Gift

30 3 0
                                    

Mae's POV

Pagmulat ko ng aking mata "Hays... umaga na pala," bumangon na ako sa higaan at pagtingin ko sa orasan na 7:00 am na pala.Sumilip ako sa bintana at tumingin ako sa langit na ang ganda ng panahon.Medyo malamig sa aking kwarto at pinatay ko at pumunta na ako sa CR para maglinis ng ngipin, pagpasok ko sa CR bigla ko na alala na mamaya na pala ang aming Prom kaya binilisan ko na ang kilos ko at tiningnan ko agad ang selpon ko na ang dami na palang chat.

Bumaba na ako sa hagdanan at hinanap ko si mommy pero wala na siya sa bahay kaya umalis na ako at naghihintay ako sa mga kaibigan ko .Pagbukas ko ng pinto at meron na naman na lalaki naghahantay pero nakatalikod siya at hindi makilala kung sino siya kaya dahan-dahan ako naglakad, kakalabitin ko sana pero biglang humarap sa akin

"Ayy! tukmol," gulat kong sabi sa kanya at napahampas ko pa siya."Hey! hindi ako tukmol baka ikaw yon," sabi niya sa akin na natatawa ako sa expression niya ng mukha niya yung parang nalugi siya.

"Hahaha, nasabihan ka lang.Galit agad si Mr.Kindat,"sabi ko sa kanya habang tawang-tawa ako.Hindi pa siya nakakasalita "Ohh, asan na yung sakit mo bakit wala ngayon?" asar na sabi ko sa kanya ang sarap gumanti sa kanya."Huh? wala naman akong sakit ah?" takang tanong niya sa akin."Yung kindat mo diba sakit mo yon kasi wala namang normal na tao na kindat ng kindat," sabi ko sa kanya habang tinititigan ko siya sa mata dahil ang sarap pagmasdan kapag nakakaganti ako sa kanya.

"Hoy hindi ko yon sa sakit ang kindat dahil sayo lang ako kumikidat swerte ka nga eh," angal niyang sabi na nagmamalaki pa siya sa kindat niya."Ehh, alis na nga ako bibili pa ako ng damit," sabat ko sa kanya.

"Sabay ka na sa akin may kotse naman ako," aya niya sa akin na kimundat na naman."Ayoko! dahil dadating naman si Xian at mga kaibigan ko susunduin nila dito sa hintayan," sabat ko sa kanya para malaman niya na hindi lang siya may kotse sa mundo. "Hoy! tandaan mo na girlfriend kita kaya sa akin ka lang," payabang niyang sabi sa akin.

"Baka nakalimutan mo din na pagkatapos ng prom na ito ay tapos na din ang relationship natin," Taas kilay ko sabi sa kanya na malaman niya na hindi iikot ang mundo ko sa kanya.May narinig ako na ingay mula sa likod ko at sabay kami lumingon sa likod. "Nandyan na pala mga kaibigan ko at pati na rin si Xian.

Lumakad ako papunta sa kotse at bigla lumabas si Xian, binuksan niya ang pinto ng sasakyan sa harapan at papasok na sana ako "Hoy!Bangag bakit ka sasama diyan sa kanila?" tanong niya sa akin na nakangisi..Lumabas ako sa sasakyan at lumapit ako sa kanya "For your information hindi ako bangag kita mo buo ngipin ko," Galit ko sabi sa kanya habang ang laki ng ngiti ko sa kanya para makita niya na hindi ako bangag.

"Ayon oh, may itim yung ngipin mo sa gitna," sabi niya na tawang tawa siya "Ikaw naman Boy Kindat! alis na tayo Xian baka kumindat na naman yan," sabi ko na bumalik na ako sa sasakyan at si Xian ay natatawa lang sa amin.

"Oyy bessy bakit nag-away na naman kayo ni Fafa Xavier?" tanong ni Lei sa akin habang nakasakay kami sa sasakyan. "Ahh, si Boy kindat eh pampasira siya ng mood sa akim," tugon ko sa kanya habang nagseselpon ako at naiisip ko na naman ang nagyari kanina.lumingon ako sa gilid at sobrang ang lapit ko kay Xian at iniisip ko na sana maging kaibigan ko siya dahil ibang-iba ang ugali niya kay Xavier."Bess, may anouncement si Mam kanina tungkol sa Prom na kailangan daw na magkapareho ng style yung magkapartner," . sabi ni Bea na mukhang masaya talaga siya.

"What! ano ba yan," sabi ko habang iniisip ko na naman na si Xavier ang kapartner ko."Oh, nandito na tayo sa mall maganda mga damit dito," tugon ni Xian sa amin. Ang bilis nandito na kami at bumaba na ako ng sasakyan at pagtingin ko sa kanan na may naalala ako na kotse at hindi ko maaninag kung sino yung tao sa loob, bigla bumaba ang tao sa kotse.Pagkatingin ko na si Xavier pala ay sumunod sa amin."Hey, Beutiful may nireserve ako na damit para sa atin at hindi mo na kailangan ng bayad ang gawin mo nalang ayusin yung bangag mong ngipin," asar niya sa akin na tawang-tawa talaga siya.Iniwanan ko siya at hinigit ko mga kaibigan ko papasok sa mall at sumunod si Xian. Dumiretsyo agad ako sa bilihan ng damit.

"Miss, may medium ba na damit na ito na kulay violet na gown," tanong ko habang hindi ko pa rin pinapansin si Xavier "Sorry ma'am pero mayroon iba kaso lang mahal," sabi ng nagbabantay ng damit. Biglang may humigit sa braso kobinis na tanong ko sa kanya habang nakapamewang ako."Meron ako ako binili damit para sayo bangag," sabat niyang sagot sa akin.

"Wag nga kayo mag-away diyan nasa mall kayo," awat ni Bea sa akin at ako naman hinawakan ko yung kamay ni Xian para hindi ko na makita si Xavier."Yieee, si Xian pala ang nais mo," tukso sa amin ni Lei na bigla ako napatingin sa likod at nakita ko si Xavier na parang naiinis sa amin pero hindi ko nalang pinansin.Tinanggal ko yung kamay ko kay Xian para hindi nalang ako tuksohin, "Sorry, ah kasi hindi ako nakapunta agad ng maaga sa inyo," sambit ni Xian sa akin na ako naman napalingon sa kanya ang ganda ng mga mata niya parang isang anghel.

"Bes, huhingi ng tawad sayo oh si Xian," sabi ni Lei sa akin na tinapik pa ako sa braso ko at natauhan bigala ako na namalayan ko na nakatulala ako sa kanya."Hey, Beutiful kanina pa tayo umiikot pero wala ka naman nakukuha damit," lumingon ako sa likod at nainis ako sa mga sinabi niya.

"Ikaw boy kindat, tandaan mo na walang tayo," inis na sagot ko sa kanya para malaman niya na wala ako gusto sa kanya.Huminto si Xavier at pumasok sa mall na puro mahal ng dami at ako naman hinigit ni Lei papalapit kay Xavier "Hey, Beautiful ito oh yung damit na binili ko.Yan hindi mo na kailangan bumili sa magkaparehas na tayo ng damit, pasalamat ka dahil ako naging kapartner mo," tugon ni Xavier sa akin habang binibigay niya ang isang gift.

"Yak kadiri ka naman ako magpapsalamat ako sa iyo pero mabait naman ako sige salamat sa damit," sagot ko sa kanya na inabot ko ang isang gift "Xian alis na tayo saka maghanda na rin tayo kasi mamaya na yung prom," sambit ko habang naglalakad ako papunta sa labas ng mall at agad na ako pumasok sa sasakyan,"

Nang makarating na kami sa bahay ko ay kasunod pa rin namin si Xavier "Salamat dahil sinamahan niyo ako," ngiting sabi ko sa kanila lalo na kay Xian "Bye na din sayo kita nalang tayo mamaya," paalam ni Xian sa akin na parang ako naman kinilig sa sinabi niya."Beautiful, mamaya mag text ka kapag pupunta ka na."OO, sige na tigilan mo na ako," galit ko sabi sa kanya at pumasok na ako sa bahay ko para magpahinga.

Lifeless Love (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon