Chapter 2

748 15 2
                                    

"That's all for today. See you again tomorrow." Ani ng aming professor.

"Kamusta ang weekend mo?" Tanong ng isa sa mga matatalik kong kaibigan na si Zid Martinez. Yes, kaklase ko siya. Actually 5 kaming mag bebestfriend. Bali, 2 silang lalaki at 3 kaming mga babae. Yung isang lalaki ay si Chester Alonso. Fortunately , yung 2 babae ay mga naka graduate na at may mga trabaho o business na.

Alam niyo naman 5 taon ang Architecture. Si Izie Sarmiento naman ay may sariling pastry shop. At yung pang huling babae ay si Yanny Cojuangco na may sarili ng boutique.

Elementary pa lang ay kaibigan ko na sila, kapatid na nga ang turing namin sa isa't isa. Alam na ang pasikot-sikot ng ugali ng bawat isa.

"Ayon, bumisita sila Kuya Clever sa bahay kaya masaya." Sagot ko habang nag lalakad kami patungong canteen. Lunch break e.

"That's good." Sabay upo namin sa bakanteng upuan.

"Sup!" Bati ng bagong dating na si Chester.

Tinanguan lang namin siya ni Zid bilang pag bati.

"Ako na ang bibili ng makakin natin." Pagkatapos sabihin ni Chester tumungo na siya sa bilihan.

"Bakit di nalang tayo ron kumain sa may garden mas maaliwalas pa kesa rito maingay." Nayayamot kong pahayag kay Zid.

"Relax, dude. Hahaha! Antayin nating bumalik dito si Chester." Natatawang sagot niya sakin. Alam nilang ayaw ko rito sa school dahil masama ang tingin lagi sakin ng mga tao rito. Tingin nila sakin malandi at mahirap.

Malandi dahil ako lang nag iisang babae saming tatlo. Oo, alam nilang mag bebestfriend kaming tatlo pero alam niyo naman madudumi ang kanilang isip.
Yes, mahirap tingin nila sakin dito dahil wala namang may alam na anak mayaman ako at hindi naman ako kagaya nila na sosyal kung tignan, sakto lang kung manamit. Pero totoo naman yon dahil di ko naman pera ang pera ng ama ko.

"Oh hito na ho ang pag kain niyo."

"Tara na lang sa garden, dude. Wala sa mood yung isa rito. Haha!" Pang aasar sakin ni Zid.

Naiiling na lang si Chester na nanguna sa pag labas.

"May gig ako mamaya nood kayo ah." Sabi ni Zid. Magaling kasing kumanta ang loko.

"May tatapusin akong mga plates, pre. Sensya na." Chester being butihing estudyante.

"Yeah, dude. No problem." Nilingon ako ni Zid na kasabay na rin ni Chester sa unahan ko.

"Huwag mo akong tignan. Alam kong alam mong wala akong gagawin." Pag tataray ko sakanya.

Natawa na lang silang pareho sa tinuran ko.

Nang makarating kami sa garden tahimik naming kinain ang mga binili ni Chester.

Madaldal kaming 5 pero pag dating sa pag kain mga di kami mag kakakilala. Hahaha!

"Hay, sarap matulog. Busog na e, haha!" Uminat-inat pang sabi ni Chester. Antukin talaga. Ganon talaga maraming plates na tinatapos e.

"Oo nga. Itutulog ko muna. Emman, pagising kami pag malapit na ang next subject natin." Humiga na si Zid sa Damuhan. Malinis dito at walang napaparaan dito gawa ng mas gusto nilang asa center sila ng university. Asa kasuloksulukan kasi itong garden.

Malapit-lapit na akong makatapos sa pag-aaral, pwede na akong bumukod samin.

Nag tataka siguro kayo nu. Hindi kasi kami in good terms ng ama ko. Actually, simula pag kabata ko naman ganon na ang kinalakihan ko. Hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng ama ko sakin. Sinisisi kasi niya ako dahil namatay ang ina ko dahil sa pagkapanganak sakin.

Ang lame man pero ewan ko ba bat ako ang sinisisi e hindi ko naman kasalanan. In fact, ginawa-gawa nila ako tapos magagalit siya.

Siguro nga ganon na lang ang pagmamahal ng ama ko sa ina ko na mas gusto niyang iyon na lang ang mabuhay kesa sakin na anak niya.

Mas pinili kasi ni mom na ipanganak ako kahit ang kapalit nun ay ang buhay niya, samantalang si daddy ang gusto niya ay ang hayaan na lang ako kesa ang mommy ko ang mawala.

Masakit para sakin yon, pero wala sanay na ako sa ganito.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa malalim na pag iisip ay malapit na pala ang time namin.

"Gising na kayo, malapit ng mag simula ang klase." Mabuti na lang at hindi tulog mantika ang mga ito kaya hindi sila mahirap gisingin.

"Sige na mauna na kayo sakin." Sabi ko sakanila, mag kaiba ang kwarto namin kay Chester.

"Sure ka ba, Emman?" Ani ni Zid

Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Iniwan na nila ako dahil kailangan ko pang umihi dahil ihing-ihi na ako.

Malapit na akong umakyat para pumasok sa pang huling klase ko.

Nang napatigil ako sa pag apat sa hagdan ng may humila sa buhok ko.

"Aray! Ano ba?!" Sigaw ko sa humila sakin.

"Kulang pa yan. Malandi ka kasi!" Nilingon ko yung may hila-hila ng buhok ko.

Anak ka ng! Hindi ka nga pumasok sa gulo kuya Cliff, ako naman ang binigyan mo ng gulo.

Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon