Chapter 4

491 11 1
                                    

Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"You're such a disgrace to this family!" Sabay hila niya sa braso ko ng pag kalakas at higpit. I'm so sure that it will leave a mark.

"Naki pag away ka?!" Tinignan ko lang siya. "Ano sagot?!"

Hindi ako umimik. Hindi rin niya ako paniniwalaan kahit mag paliwanag ako.

"Ano hindi ka sasagot?!"

Sinampal niya ako kasi hindi siya nakakuha ng sagot. Masakit pero sanay na ako.

"You're always disappointing me, Emmanuel!"

"Yah! As always!" Ngisi kong sagot!

"Bastos ka ah!" Sabay hampas niya saking braso.

"Walang nag turo sayong manakit! Anong pumasok sa kukute mo?! Bakit ka nakipag away?!" Nanlilisik niyang sigaw sa harap ng mukha ko.

Mas nainsulto siya kasi tumawa ako ng malakas sa harap niya.

"What are you laughing at?!" Gigil na tanong niya.

"Nothing, dad. It's just that you don't know?"

"What?!" Hindi siya makapaniwala sa sagot ko.

"It's you who taught me, dad."

Pinanlilisikan niya pa lalo ako ng mata. Binitawan niya na ako pero galit na galit parin ang kanyang itsura.

"I'm right, right?" Ngisi kong sagot.

Sa inasta't sagot ko. Inambahan niya ako ng sampal.

"Ituloy mo na, dad. Nahiya ka pa. Jan ka naman magaling, diba?" Malumay kong tinuran sakaniya.

"Lumayas ka sa pamamahay ko! Hindi ko kailangan ng walang galang at puro na lang sakit ng ulo ang dala sa pamamahay na ito."

"Hah! Hindi ko na pala kailangang mag antay maka graduate bago ako maka bukod."

Nakatingin lang siya sakin na hindi makapaniwala sa tinuran ko.

"Leave everything that I gave you! Don't you dare live sa condo na binili ko sayo. Ang mga sasakyan mo at ang cards mo, iiwan mo rito!" Sabi niya bago niya ako iniwan sa kwarto ko.

Like I care. Yes, niregaluhan niya ako nung ika-20 kong birthday ng condo unit. Sasakyan nung ika-18 at 19 dahil into cars talaga ako, nung ika-21 ko naman ay pera na 10 million inilagay ko sa savings ko yon, dahil sabi niya bahala na raw ako kung ibibili ko ng bagong kotse(luckly, hindi kasali yon sa cards na pinapaiwan niya.), yung ibang cards ko naman ay ang monthly allowance ko na binibigay lang niyang pera para sa personal kong gusto at everyday allowance ko for school. Hindi ako maluho at magastos kaya malaki laman ng mga iyon.

May iniwan sakin ang ina ko na pera(lahat naman kaming tatlo ng sumapit kami sa legal age na 18 namin ay tsaka lang ibinigay samin. Same amount lang kung ano kila kuya at sakin. Malaki yon bawat individual, sa sobrang laki kahit sa pinaka apo ko kayang buhayin. Mana niya para samin.) kaso hindi ko pwedeng galawin yon. Naka invest yon sa kumpanya ng aking ama't ina at yung tinutubo nun ay may pinag lalaanan ako.

Bumaba na ako at inilapag ko sa harap niya ang mga susi at cards ko.

Tinignan niya lang ako at nag lakad na ako palabas ng bahay.

"Emman? What happened to you?! Did he hurt you again?!"

Hindi ko sinagot si kuya Cliff. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm tired of this!" Sumbong ko habang niyayakap ko pabalik si kuya. Naluluha na siya sa galit.

"I'm sorry, Emman. I didn't able to protect you." Siya kasi ang laging pumapagitna samin ni Dad. Si Kuya Clever kasi laging wala rito, pero pag nalalaman niya kinakausap niya si Dad kaso wala parin.

"Hey, Don't mind me. I'm fine." Matamlay kong ngiti sa kanya.

"Don't leave me, sis." Malungkot niyang hiling.

"Sorry, kuya. I have to."

"San ka niyan pupunta?"

"Don't worry. I am fine, kuya. Pumasok ka na ron." Sabi ko habanh humihiwalay sa aming yakapan.

"No, ihahatid kita."

"Huwag na, kuya. Please." Nakuha niyang kailangan kong mapag isa. Kaya bumagsak na lang ang mga balikat niya sa pag suko.

Tumango siya at pumasok na ng bahay.

"DAD!!!" Sigaw ni kuya ng makapasok ng bahay.

Hay! Hindi ko siya maawat kaya umalis na ako.

Sumakay akong taxi.

"Hello, Zid?"

"Sup?"

"I need a place to stay."

"Oh, alam ko na ang nangyari. You can use my condo unit."

"Thanks, Zid."

" I'll wait you here sa gig. See you!" Sa bar kung saan ang tambayan namin.

I'm so Lucky to have my bestfriends.
Hindi naman ako mag tatagal don at maghahanap din ako ng matutuluyang iba na akin mismo sa mga susunod na araw. Gabing-gabi na kasi alangan namang mag pakalat-kalat ako sa labas.

Iniwan ko muna ang mga maleta at bag ko sa kotse ni Zid pag dating ko sa bar.
Nag peperform siya kasama ang banda niya sa stage. Habang ako rito sa may counter naka upo sa isa sa mga island stool.

Malunggot ako kasi 21 years ng ganon ang Daddy hindi man lang niya ako mabigyan ng pag mamahal. Ni minsan hindi ko naramdaman yung love niya for me.
Masaya at the same time kasi nakalaya na ako sa pananakit niya sakin.

Marami na akong nainom pero hindi pa rin ako tinatamaan. Mataas lang kasi talaga ang alcohol tolerance ko.

May umupo sa katabi kong upuan. Hindi ko nilingon dahil wala ako sa mood.

"Penny for your thoughts, miss?" Obviously, ako ang kausap dahil dadalawa lang kami rito.

Nilingon ko na siya. Mukha naman siyang okay( what I mean is walang gagawing hindi maganda. ) bonus ng gwapo siya. Problemado ako atsaka hindi ako pala pantasya ng itsura.

Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon