Chapter 10

337 7 0
                                    

Gil POV

Nag ka ayaan sa condo nila Zid.
Nauna ng umalis si Cliff dahil may mga aasikasuhin pa rin daw siya sa opisina niya.

Wala naman ako masyadong ginagawa kaya sumama na ako dahil gusto ko rin silang makilala pa ng lubusan. I'm a very friendly person, okay. *defensive ba?*

"Actually, don ako nakatira now sa condo ni Zid. Pinalayas kasi ako ng Dad ko." Napatingin ako saglit kay Crytte. Siya ang naka sakay sakin si Yanny nakay Chester, si Izie naman kay Zid.

"Nung araw na nakilala kita, kaya ako umiiyak nun."

"I see. Kaya pala. Luckily, andon ako ng araw na yon at nakilala kita." Matamis ko siyang nginitian.

"Yeah, tama ka. Kailangan ko nga ng kasama nun."

"Uyyy, nag eenjoy siyang kasama ako nun." I'm teasing her.

"Actually, yes. Kulit mo kasi nun." She said it with a big smile on her face. It felts so great.

"Sa totoo lang, nag alala kasi ako at tulala ka, halata pang galing ka sa pag iyak. Naisip ko kailangan mo ng makakausap." Seryoso kong sagot sakanya.

"Salamat dahil pinagaan mo pakiramdam ko non." Naramdaman kong nakangiti siya nun habang sinasabi niya iyon.

"Wala yon, ano pa't kaibigan na kita."

Bumaba na kami matapos kong mag park sa parking lot ng condo na tinitirhan niya.

"Marami akong stock ng alak sa ref. kasyang-kasya satin yon." Oh inuman pala itong napasok ko.

Nang makapasok kami sa unit ni Zid ay agad kong nilibot ang tingin sa buong paligid. Manly ang unit niya at sakto lang ang laki nito para sa sampung taong tatambay dito kung sakali.

"Upo ka muna, Gil. Kami na ang bahala rito. Bisita ka namin kaya relax ka lang jan." Ani ni Yanny.

"Nako, kung kailangan niyo ng tulong pwede naman akong tumulong." Nakakahiya naman kasing umupo lang.

"Huwag kang mag alala, pre. Kasama mo kami ni Zid dito sa salas." Natatawa sila ni Zid sa sinabi ni Chester. Weird.

"Wala kang aasahan sa dalawang yan pag dating sa pag hahanda kaya jan lang sila." Paglilinaw sakin ni Izie na may kasama pang pag irap sa dalawa.

Ah kaya pala. Tangu-tango lang ang na isagot.

Nakita kong kalalabas lang ni Crytte mula sa isang kwarto nag bihis ng mas kumportableng damit.

Naagaw naman ni Yanny ang atensyon ko ng makitang inaayos niya ang center table dito sa receiving area.

"Kakain muna tayo ng dinner, pre." Ani ni Chester

"Oo para may laman ang mga tiyan natin bago uminom." Segunda naman ni Zid.

"Tama nga naman iyon." Tanging sagot ko sa dalawa.

"Huwag kang mag alala, Gil. Kung sinong kaibigan ng isa samin ay kaibigan na rin namin kaya hindi ka ma-a-out of place samin." Nakangiting sabi sakin ni Chester.

"Salamat mga pre." Masaya ako kahit paano dahil hindi naman pala ako ma-o-op. Wala, gusto ko lang talagang maging kaibigan din sila, dahil magaan ang loob ko kay Crytte. Huwag kayong ano jan dahil may mga kaibigan din ako.

"Wala yon, Gil. Masaya kami at may bago kaming kaibigan." Sabat ni Yanny. Nakakatakot naman ang babaeng ito at pasulpot-sulpot na lang.

I mouthed thank you to her. Naka upo na pala siya sa isang single couch. Hindi ko man lang naramdaman yon?! Ibang klase.

Mga ilang minuto ang nakalipas binasag ni Zid ang katahimikan.

"Malapit na sigurong matapos yung dalawang chef don sa kusina at na aamoy ko na ang masasarap nilang luto." Biglang sabi ni Zid habang may kung anong pinipindot sa cellphone niya.

"Hay, tiba-tiba nanaman ang tiyan ko neto." Kumikinang na ata ang mga mata namang sabi ni Chester.

"Wala nanamang diet-diet." Nakahalukipkip na sabi naman ni Yan.

Mga wala sa sarili nilang sabi. Hindi naman sila baliw nu? Ganon ba talaga sila mag usap-usap?

Actually, naamoy ko nga rin yung niluluto nila. Amoy pa lang sigurado ng masarap.

"Let's eat, people." Pag anyaya samin ni Izie. Pag pasok namin sa dining area naka handa na ang lahat.

"Yanny, did the table, while Izie made some dessert, while Emman prepared us our dinner." Bulong ni Chester sakin.

"It's always like that." Segunda ni Zid. Pansin ko lang laging naka segundamano si Zid. Hahaha!

"But, Zid and I do the dishes." Habol namang bulong ni Chester.

Tango lang ang naisagot ko sakanila dahil naka upo na kaming lahat.

"Okay, let's give grace to the Lord." Ani ni Yanny.

Na aamaze ako kung paano sila bilang tao. Tumataas ang tingin ko sakanilang mag kakaibigan.

Nang matapos ilead ni Zid ang prayer ay kumain na kami.

Ang sarap nitong Kare-kare. Tahimik lang akong kumakain dahil tahimik din silang lahat. Kumbaga seryosong-seryoso sila sa kanilang mga plato. Ganito ba rito? Nako naman.

After we ate dinner and the dessert that really tastes good we rest ourselves sa kusina habang yung 2 lalaki ang nag huhugas ng mga pinagkainan. I insisted na tumulong but sabi nila bisita raw nila ako kaya they didn't allow me to help them.

"Gil, tara muna sa may terrace. Pahangin." Yaya sakin ni Crytte.

Nag paalam naman ako sa dalawang babae na papahangin lang kami ni Crytte bago umalis sa salas.

"Kumusta naman ang mga bestfriend ko? Inaapi ka ba nila?" Natatawang tanong niya sakin ng masundan ko siya sa terrace.

"Loka-loka! Hahaha! Hindi, mababait nga sila e. I love them already because they treat me as their own friend. Thanks to you, Crytte."

"Love to hear that from you, Gil." Cheerful naman niyang sagot sakin

"I just wonder, but ang tahimik niyo sa hapag kainan kanina?" Naguguluhan kong tanong habang siya nagburst na sa pag tawa.

"Hoy! Tumahimik ka nga jan. Bat ba tawang-tawa ka?" Naka kunot kong tanong. Aba pinagtawanan pa ako.

"Pfft! Sorry. It's just that ganon talaga kami. Mga patay gutom kasi kaya ganon. Panigurado ako hindi kayo masyado nag uusap kanina sa salas dahil gutom na mga yon." Ah kaya pala ganon sila kung umakto kanina. Akala ko nababaliw na sila e.

Pagbalik namin ni Crytte sa salas naka ayos na ang mga alak at mga pulutan sa center table. Sakto namang kakalabas lang ng kusina nung dalawang lalaki. Imagine nag huhugas sila ng mga pinagkainan.

Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon