CHAPTER 20

335 5 4
                                    

Chapter 20

Masyado akong busy ngayon dahil sunod-sunod ang activities ko for the foundation idagdag mo pa ang exams. Pwede namang hindi ako pumunta pero dahil ako ang President ng foundation at mahal ko ito kaya andito ako.

Maaga pa lang pero dagsaan na ang mga tao.

Ng oras na sinimulan na ang mga seremonyas at pagkatapos ay ang pag takbo ng mga kasali.

Nakikita kong nag-eenjoy ang mga tao. Sa iba para sa kasiyahan lang nila ito kaya sumali at sa iba ay yung gusto talaga makatulong. Nakakatuwa at may mga ganitong pagkakataon na makakatulong sila.

Matapos ang lahat ay nag awarding at nag bigay ng premyo sa mga naunang nakatapos.

Natapos ang event ng masaya. Pinasalamatan ni Jean ang mga dumalo at tumulong.

-

We're here in Elites' Bar. Celebrating the success of the fun run earlier. The whole gang is here enjoying the place.

I'll throw a small celebration to the light's team, maybe tomorrow night.

Medyo mas maraming tao ngayon dahil siguro walang klase bukas. Tinignan ko ang mga kaibigan kong nagkakatuwaan sa pagkwekwentuhan habang ako rito busying pinagmamasdan silang magkwentuhan.

Ang taya nanaman sa kwento ay wala ng iba kundi si Zid at Ches.

"Hey, you okay? You look so bothered?"

Napapitlag ako sa biglang pagbaling sakin ni Gil.

"Uh, yeah. Nag iisip-isip lang." tinanguan lang niya sabay akbay sakin.

"You tired?" Tanong ulit niya.

Lumingon ako sa kanya at sagot ng simpleng "Naah."

"E bakit ang tahimik mo?"

"Bakit ang nosy mo?" Balik ko sa kanya.

"Kayong dalawa jan awat na." Sita samin ni Izie.

Nag shrug na lang ako.

"Kuha lang ako ng maiinom paubos na kasi." Tumayo na ako at hindi ko na inantay ang sagot nila.

Gil's POV

Tumayo na si Crytte para kumuha ng maiinom namin. Ano kaya nanaman ang iniisip nun at ang tahimik niya, baka nga pagod lang siguro.

"Malapit na ang graduation, san niyan tayo magcecelebrate?" Napabalik lang ang atensyon ko ulit sa sinabi ni Ches.

Gragraduate na pala sila tutungtong na rin sila sa real world, hahaha! They deserve it naman dahil sa maiksing panahon ko na rin silang nakakasama ay nakita ko naman ang hard work nila sa pag aaral. Even na may inuman they manage naman na ihandle ang pag aaral.

"Ano gusto niyo, bongga o hindi?" Ani ni Yan.

"Hindi na lang, yung tayo-tayo lang siguro. Total busy naman ang parents namin to throw us a party." Casual na sagot ni Zid.

"Frankly." Natatawang sabi ni Dray.

"Edi sa Baguio na lang tayo." Izie suggested.

"Good idea, sis!" Yanny cheerfully said.

Sumagi sa isip ko si Crytte. Asan na ba yon at ang tagal naman atang umorder nun?

Luminga ako pabalik sa may bar counter.

"Crytte!"

Tatayo na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Zid.

"Zid, may tensyon sa pagitan nila." Nakita ko kasing parang nakikipagsagutan si Crytte sa isang lalaki sa harap niya. Hindi ko marinig kasi maingay talaga rito sa bar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon