Chapter 5

464 10 1
                                    


"Sorry, nakita kasi kitang malungkot at lumuluha." Nginitian ko lang siya dahil mukha naman talaga siyang concern.

"You bother to much, mister."

"Ah nothing, it's just that ayaw ko lang kasi nakakakita ng babaeng umiiyak."

"Then, Don't look at me." Ngisi kong sagot.

"Silly." Itinaas niya ang baso niyang may laman ng alak.

Nag cheers lang kami.

"So, what brought you here, mister..?"

"Gil Calvin Cu. Nothing, it's just that I want to wash out all the toxic I got from work."

"Nice to meet you, mister Cu." Biglang lumawak ang kanyang mga ngiti. Oh shoot!! Huli na ng maisip ko ang sinabi ko.

"Mister mo? Haha!"

"Silly. Gil. Crytte Emmanuel Corpuz." Sabay alok ko ng kamay.

"Just making you laugh, Crytte. Nice to meet you, too."

"Yeah! Yeah!" Natatawa kong sagot.

"That's better. You look more beautiful when you laugh." Seryoso't nakangiti ng sabi habang nakatingin sakin.

"Bolero, thanks anyway." Natatawa ko na lang na sagot.

Nag iinuman lang kami habang nakikinig sa patapos ng kanta nila Zid.

Nang maka baba siya ay dumiretso siya sa gawi namin.

Tinignan niya lang yung kasama ko.

"Ah Zid, si Gil Calvin Cu. Gil, si Zid Martinez. One of my bestfriends."

Nag fist bump lang sila bilang pag kilala nila sa isa't isa.

"Gil, pare. Una na kami." Paalam ni Zid at tinanguan ko lang si Gil.

"Ikaw na muna ang bahala rito at feel at home lang. Alam mo naman ikaw lang dito." Yes, minsan lang siya umuuwi rito sa unit niya dahil sa bahay nila siya pala stay.

"Salamat, Zid." Upo ko sa couch niya.

"Naka ilang pasalamat ka na ba? Tama na baka singilin pa kita e. Kuripot ka pa naman." Nagtawanan na lang kami dahil sa sinabi niya. Hindi ako kuirpot nag titipid lang.

"Kumusta ka? Gusto mo bang ikwento?" Nginitian ko lang siya. Alam naman na niya ang mga nangyari kahit hindi ko ikwento.

Hindi nila kita ang mga pasa ko sa braso dahil naka jacket akong umalis ng bahay.

"Emman, sige na mag pahinga ka na. Aalis na rin ako. Kita na lang tayo bukas."

"Ingat sa pag mamaneho. Kaskasero ka pa naman." Pang aasar ko sa kanya.

"Nag salita ang hindi. Good night." Sabay yakap namin sa isa't isa. Bago siya tuluyang umalis.

Matapos akong maglinis humiga na ako.

Pagod na ako, alam niyo naman 2 beses akong na jumbag. Una, yung impakta na nagseselos sakin. Pang huli, ang magaling kong ama, ang bigat pa naman ng mga kamay nun.

Madalas pag nakakakita ako ng masayang pamilya. Mabait na ina't ama. Nalulungkot ako. Hindi ko na lang pinapahalata sa mga kaibigan at mga kapatid ko. Gusto ko lang naman mahalin ako ng aking ama dahil siya nalang meron ako.

Ginagawa ko naman lahat para maging proud siya pero wala ni minsan hindi niya ako napansin man lang.

Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon