Chapter 1

1.2K 14 1
                                    

"Baby, wait!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko,
At hindi nga ako nag kakamali dahil may asungot na tumatakbo patungo rito sa gawi ko.

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong sakanya.

Mag sasalita na dapat siya ng may biglang sumingit.

"What?! BABY?! Are you kidding me?!"

So, that explains. Pati tuloy ako napapa-english. Pssh!

"Yes, Dear. Any problem with that?" Nakangising sagot nitong bugok sa babae.

"But I'm with you, right?!" Naiinis na yung babae. Natatawa na lang ako.

"Yes, because you asked me to accompany you. I'm with my baby now, e." Kaswal lang na sagot nitong isa. Hay nako ka talaga!

"Hey, I want to leave." Bored kong pagputol sakanilang dalawa, habang naka akbay itong magaling na lalaki sakin.

"Sorry, but we have to go." Tinalikuran na namin ang babae na yon ng galit na galit.

"Ano nanaman itong pinasok mo, Cliff?" Hindi ko siya nilingon sa pagtanong ko habang nag lalakad kami.

"First, asan ang galang mo? Kuya mo ako. Second, wala akong ginagawang masama. Hindi ko kilala yung babae, nagpasama lang, dahil wala akong magawa sinamahan ko na. Last, maybe isa siya sa hibang na hibang sakin, malay ko bang ganon ka uhaw sakin yon. Pasensya na GWAPO E." may pa taas-taas pa siya ng mga kamay niya na parang may hinihingi sabay galaw sa mga balikat.

"First, 4 na taon lang pagitan natin. Second, siguraduhin mo lang. Last, ang yabang mo talaga." Pag gagaya ko sa kanya. Haha! Masarap asarin ang kapatid ko.

"CRYTTE EMMANUEL CORPUZ!"

"Ang pikon mo KUYA CLIFF MARCO CORPUZ." napipikon kasi siya kapag hindi ko tinatawag na kuya.

"Ayan dapat ganyan may kuya. Hahaha! Halika na sumabay kana sakin." Nakarating na pala kami ng parking lot. Sa hindi nakaka alam ay mali di ko pala nabanggit na asa isang mall kami.

Kung ano ginagawa niya rito hindi ko alam. Ako naman kumain lang, wala kasi akong kasama kumain samin.

"May dala akong kotse, kuya."

"Ah ganon ba. Sige kita na lang tayo sa bahay. Pasensya kana kanina, kinukulit lang talaga ako ng babaeng iyon, siya na nga sinamahan at nakuha pang landiin ako. Kay iniiwasan ko na sakto nakita kita. Pinagbigyan ko lang naman kanina gawa ng napakakulit nagpapasamang magshopping." Aniya

"Hindi mo naman kasi kailangan maging mabait. Lalo na sa mga katulad niya na uhaw sa atensyon mo." Sagot ko bago pumasok sa sarili kong sasakyan.

-

"Tita Emman!" Masayang tumatakbo papalapit sakin ang pamangkin ko.

"Baby H." Sinalubong ko siya ng matamis na yakap.
Anak siya ng panganay kong kuya. Siguro ay namasyal sila rito. Dahil may sarili silang bahay. Hindi kay Kuya Cliff ang batang ito, sa aming Kuyang Clever Martin.

Tatlo kaming mag kakapatid, obviously ako ang bunso. Ako na lang ang nag aaral samin. Ang dalawa kong kapatid ay katulong ni Dad sa mga kumpanya.

"Hello ma boy H." Pang aagaw ni Kuya Cliff sa yakap ko na si H.

"Tita Emman, malaki na po ako di na ako baby."

"H, baby, 4 years old ka pa lang kaya baby ka pa." Ngiti kong sagot sa bata.

"Atsaka ikaw ang aming forever baby kahit na malaki kana, anak." Sulpot ni Ate Helaine, ang sister-in-law ko.

Si Kuya Clever ay 28 na, si Kuya Cliff naman ay 25, at ako naman ay 21.

After naming mag kwentuhan ay nag handa na ako ng gabihan. Tinulungan ko ang mga katulong dahil gusto kong special ang aming hapunan dahil kumpleto kami.

"Daddy Lo!" Sigaw ni H na makita ang kanyang lolo.

"Godbless, apo." pag katapos mag mano ng kanyang nag iisang apo.

Lahat kaming mag kakapatid ay nag mano. Importante iyon sa pamilya namin.

"Excuse me po, handa na po ang hapag kainan." Si Nanay Liz ang pinakamatagal ng katulong dito sa bahay.

Nang lahat ay naka upo na ipinag dasal ni H ang aming pagkain.

Masaya silang nagkwekwentuhan habang ako ay tahimik lang.

"Kamusta ang school, Emman?" Ani ni kuya Clever.

"Mabuti naman po, Kuya." Naka ngiti kong sagot kay Kuya.

Tinignan ko ang Daddy sa magiging reaction niya. Ayon masama nanaman ang tingin sakin.

Mas magandang umiwas na lang, kesa masaktan pa niya ako.

"Tapos na ako, una na ako sa taas. Good night!" Tinanguan lang nila ako, dahil panigurado ramdam na nila ang maitim na aura ng aming ama.

Nang makahiga ako naisip ko graduating na ako pero hindi pa rin niya makuhang maging masaya para sakin at maging proud. Ayaw ng daddy na mag Architecture ako, bilang businessman syempre gusto niyang sumunod ako sa yapak nila.

Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon