Ako si Calvin Perez, tawagin niyo na lang akong Caloy janitor sa umaga studyante sa gabi. Wala eh. Nung nagbagsak ng kayamanan si Lord tulog kami ng tatay.
" Tol ano, gawa na ba yung love letter ko? " -siya si Nico Cruz ang aking chick boy na kaibigan.
" Oo naman kahapon pa! Hindi lang tayo nagkita. Eto na oh. "
" Wow salamat bro! Nga pala eto yung bayad, keep the change. Sige ah! Makikipagdate pa ako eh, kita na lang tayo bukas. "
" Balitaan mo ako pag-nabasted ka na ah? Sige bro, salamat. "
" Bro ako maba-basted, kelan? Ako nga ang nang iiwan! Haha sige na bro alis na ako. "
Ewan ko ba sa lokong yun bawat linggo nag-iiba ng girlfriend. Gumagawa din ako ng mga assignments at madalas love letter, pandagdag din sa ipon. Hehehe.
" Oh, andito pala itong janitor fish na ito eh! Tutal andito ka na, pwede bang pakilinis tong mamahalin kong sapatos? "
-At kahit ayaw ko siyang ipakilala kailangan, malaki daw kasi ang papel niya sabi ni author. Hayy!! Siya si Julius Santos ang kontrabidang mayamang trying hard mag english.
"Ah, nevermind na lang pala baka kasi lalo lang madumihan. Sige janitor, keep up the BRIGHT work. " -sabe sa inyo eh, ang galing mag english no? Haha.
" Julius ano na naman tong ginagawa mo? Bully thing again?"
-At siya ,,, siya si Angel Montero ang anak ng may ari ng school na ito at siya ang aking super duper ultimate crush!!
" Hey there babe, Im just trying to be friends with this janitor fish. By the way I miss you babe."-babe ?In your dreams!!
" Babe? Tell me am I that fat for you to call me babe? Babe pig in the city? Argg!!!! And stop following me ok? Janitor lets go the person here was not worth talking to. " -nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at naglakad kami papalayo.
" Wait lang Angel I didnt mean that way. Hey come back. Im sorry!!! Please, Angel!!! "
Whaa!! Ano ka ngayon Julius ah? Hawak-hawak ng taong mahal ko ang kamay ko. Para kaming nasa teleserye you, me against the world haha. Saan kaya ako dadalhin nitong mahal ko? Pero kahit san ayos lang, as long as kasama ko siya .,,,, at huminto na siya awwts!!
" Ahm gusto ko sanang mag sorry sa ginawa sayo ni Julius, ewan ko ba sa taong yon, ganun talaga siya eh. " -sinsera niyang sabi.
" Ahm ,, ah ,, ok lang un ,, ah , ahm Angel. "
" Sigurado ka bang ok ka lang? Bakit parang nauutal ka? At saka pano mo nalaman ang pangalan ko? "
Bwisit nahalata niya pala yung kilos ko. Caloy relax ka lang kausap mo lang naman ang ultimate crush mo ngayon walang dapat ipag-alala .,,,,,,,,, teka siya ang ultimate crush ko pano ako magrerelax? Whaaa!!!!!
" Ahm ah oo, ok lang ako! Ahm syempre sikat ka sa school kaya kita nakilala. "
" Ah oo nga, your right.! Ahm ok, ill go ahead na its getting late na kasi eh. Wait gusto mo bang sumabay na sa kotse ko? "
Hay!! Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sumabay at makasama ka kaya lang ,,,,,
" Ah hndi na papasok pa kasi ako eh. Pero salamat sa alok mo. "
" Wow! Idol na kita. Such a hard working man! Sige alis na ako, see you at school. Bye. "
" Bye Angel. "
See you at school daw? Yes, yes napansin niya na ako sa wakas.!! Grabe nahawakan ko na yung malambot niyang mga kamay at natitigan ko na ng malapitan ang kanyang mga mata. Napaka swerte ko naman!! Sobrang inspirasyon yun sa araw na to ah. Makapasok na nga sa school, late na pala ako!!!
lakad,,,
lakad,,,
lakad,,,
" Hoy!! Janitor fish.!! "
Kapag minamalas ka nga naman oh? Malalate na ako eh .
" Bakit Julius? " -hinawakan niya ako sa kwelyo ko .
" Layuan mo nga si Angel, isa ka lang hamak na janitor sa tingin mo bagay kayo? Magising ka na sa katotohanan bro, hndi kayo bagay!!!! Makaalis na nga dito at umaalingasaw ang baho ng janitor na ito. " -sabay bitaw sa kwelyo.
Oo nga pala hndi nga pala kami bagay. Kailangan ko ng magising sa katotohanan na walang posibilidad na magustuhan niya ako. Sino ba naman ako? Kumpara sa kanya? Kaya nga hndi ako umaamin sa kanya kahit na 5 taon ko na siyang minamahal, natatakot akong mare-ject. Siguro nga kailangan ko na lang itago itong nararamdaman ko, at mahalin na lang siya ng palihim.
Hay!!! Tama na nga ang drama, papasok na ako.
(pagkatapos ng ilang oras ay nakauwi na rin ako sa munti naming bahay at nadatnan ko si tatay na gumagawa ng mga kandila para pantinda sa simbahan bukas. )
" Tay andito na po ako, kamusta po araw niyo? " -masigla kong bati sa kanya.
" Ayos lang anak. Kumain ka na ba? "
" Busog po ako Tay. Sige po matutulog na ako. "
" Anak alam ko kapag may problema ka, halika maupo ka at kwentuhan mo ko. "
" Tay mali bang umibig ako sa isang di natin kauri? "
"Anak, sabihin mo nga sa akin naka droga ka ba? Anong hindi natin kauri, ano yun alien?? Anak naman iibig ka na lang bakit sa taga universe pa? Malayo yun ah? "
" Tay naman nag jojoke na naman, seryoso ako dito eh. Ang ibig kong sabihin mayaman kasi sila. "
" Anak naman walang basagan ng trip, pero seryoso wala na mang pinipili ang pag-ibig. Kung talagang nakatakda kayo sa isat-isa, Let your heart decide. "
" Tay maraming salamat. Ikaw talaga ang the best tatay. Sige po tulog na ako. "
Minsan palabiro tong tatay ko pero pag seryoso hindi niya ako binibigong bigyan ng payo. Let my heart decide, tama yun ang solusyon. Salamat mahal kong itay.
-----------------------------------/////----
(A/N: SOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS"
INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!!)
Keep reading,vote and comment guys!! :)))
BINABASA MO ANG
"Let Our Hearts Decide"
RomanceSOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS" INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!! my first story (actually pang 3rd na binura ko lang ung dalawa) kaya sana magustuhan nyo :) promise maganda ito <3