SOMEONE'S POV:
Nang umalis si Caloy sa canteen naiwan namang nag-uusap si Angel at ang mga kaibigan niya.
" Ayan umalis tuloy kayo kasi eh. Your so mean girls. " -sabi ni Angel.
" Who? Ah that janitor bakit kami ang sinisisi mo totoo lang naman ang sinasabi namin diba girls? . " -sabi ni Dyna.
Sumang ayon naman kay Dyna sina Rhian at Anna. Hindi pa rin mapakali si Angel kung sino ba talaga ang savior niya kaya nag-isip siya ng plano kung paano niya makikilala ito.
" Alam ko na kung paano natin malalaman kung sino ang savior ko! " -nakangiting sabi ni Angel.
" Really, how Angel? Tell us! " -excited na sabi ni Rhian.
" Kung sino ang nakaupo sa chair ko pag night class sigurado akong siya ang savior ko. Kaya mamayang gabi pupunta tayo sa room natin para makita ang savior ko! "
" Brilliant idea! Angel, parang ka level mo na si Einstein. " -sabi ni Anna.
" Syempre ako pa! Savior, be ready dahil ngayong gabi makikilala na din kita. ''
" Wow! Taas ng fighting spirit ah yan ang gusto ko sayo eh! " -sabi ni Rhian.
Confident si Angel na makikilala na nya ang savior nya ngayong araw. Sobra niya itong pasasalamatan.
" Angel paparating na dito ang weirdo mong stalker! " -sabi ni Anna.
Pero huli na ng sabihin ni Anna dahil nakalapit na siya sa table nila. Siya ang stalker ni Angel simula pa grade school para siyang alien na sumusulpot kung saan nandoon si Angel.
" Hi girls, Hi Angel. Can I have a CHAIR beside you? " -sabi ng stalker.
" Baka SIT hindi CHAIR? " -tumawa naman sila Angel ng mahina dahil sa sinabi ni Rhian.
" You know what you can sit here na, paalis na kasi kami eh. Right girls? " -sabi ni Anna.
Tumango naman sila Angel bilang pagsang ayon at umalis na nga sila. Nang makalayo na sila nagtawanan na lang sila at pumasok na sa klase.
----------------
Samantala nasa gym naman si Nico na naglalaro ng basketball nang biglang dumating si Alyssa.
" Oh Alyssa tara laro tayo? " -sabi ni Nico sabay pasa ng bola kay Alyssa.
" Loko ka talaga umiyak sakin si Pia, niloko mo daw siya. Pero tol sabi niya balikan mo daw ginawa pa nga akong tulay. "-galit na sabi ni Alyssa sabay pasa ulit ng bola kay Nico.
" Pia?Ah oo naasar kasi ako sa kanya masyadong touchy! Sabihin mo sa kanya hindi ko na siya babalikan. Oh ano laro tayo? " -sabay pasa ng bola kay Alyssa.
" Kahit kailan talaga wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba. Hay! Tara laro na nga lang tayo. " -binaba muna ni Alyssa yung bag niya tsaka pinasa ang bola kay Nico.
Naglaro nga sila. Si Nico ang may hawak ng bola, binabantayan naman sya ni Alyssa. Binunggo ni Nico si Alyssa para maka shoot dahil doon natumba si Alyssa.
" Ano ba yan Alyssa ang lampa mo naman. " -sabi ni Nico.
Tinulungan ni Nico makatayo si Alyssa pero pagkahawak nya sa kamay ni Alyssa natumba din sya. Nagkatinginan sila dahil sobrang lapit ng mukha nila sa isat-isa. Agad namang tumayo si Nico pati na rin si Alyssa.
" Ano laro pa tayo? " -nakangiting sabi ni Nico.
" Ah..,ahm hindi na.May nakalimutan pala ikaw gawin ay akong gawin sa gym ay sa sa library pala.Sige mauna ka na ay ako mauna na ako. "
Nagmamadaling umalis si Alyssa sa gym hindi niya maiwasang kiligin sa nangyari kanina samantalang si Nico naguluhan sa kinilos ni Alyssa.
-------------
Kinagabihan pumunta nga sila Angel sa pinto ng room nila at tinignan kung sino ang uupo sa pwesto niya.
" Wala na mang cute boys dito! Nakita niyo na ba yung savior ni Angel? " -sabi ni Anna.
" Wait there is the cute janitor nag-aaral din pala siya pag gabi. " -sabi ni Dyna.
"Ang galing nya no?"-sabi naman ni Angel.
" Am I dreaming or that fat guy just sit on your chair? Yuck! " -sabi ni Rhian.
" Yuck is that your savior? "-sabi ni Anna.
Nadismaya si Angel sa nakita niya. Kaya umalis na lang sila. Samantala si Caloy ay nakahinga na ng maluwag ng makipagpalit sa mataba niyang kaklase.
" Pare ahm baka maupuan mo yung bandana. " -sabi ni Caloy.
" Ah sayo ba to? Gusto mo palit na lang tayo eh? "
" Talaga? Sige. "
/////////////
(Kinabukasan sa school)
" Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang that fat guy is your savior! " -sabi ni Anna.
" Yeah! Yuck! "-sabi ni Rhian.
" Oh wait Angel don't tell me magsusulat ka na naman diyan ah? " -sabi ni Dyna.
Magsusulat na sana siya sa savior niya pero binura na lang niya ito.
/////////////
Kinagabihan nagmamadaling pumasok si Caloy para makita kung may sulat para sa kanya. Pagka-upo niya hinanap agad nito sa upuan niya ang sulat.
" Pare may hinahanap ka ba? "
" Ah wala wala. "
Nalungkot si Caloy ng wala siyang nakuhang sulat mula kay Angel.
//////\\\\\\
Kinabukasan pumunta si Caloy sa simbahan para sunduin ang tatay niya na doon nagtitinda. Pagkarating niya doon naupo sya, tumabi naman sa kanya ang kanyang ama.
" Oh anak nakausap ko na si father pinayagan niya akong humiram ng pera may pambili ka na ng toga. "
" Salamat po tay. "
" Bakit anak? May problema ba? Bakit parang di ka masaya na may pera na tayo? "
" Hindi naman po Tay kaya lang baka kasi pagkatapos ng graduation hindi na kami magkita ni Angel. "
" Anak may tamang panahon sa lahat ng bagay ang tanging magagawa mo lang ay ang maghintay. Kung para talaga kayo sa isat-isa gagawa at gagawa pa rin ang kapalaran ng paraan. "
" Maraming salamat po tay. Pero parang imposible po kaming magkatuluyan eh hindi nga po niya ako kilala sa pangalan eh. "
" Walang imposible sa Dyos, kailangan mo lang magtiwala at tumawag sa kanya. "
" Hindi na po nagtitiwala sa kanya. "
" Caloy. "
" Totoo naman tay. Nung nagkasakit si nanay tumawag ako sa kanya na kung pwede wag na niya munang kunin pero namatay pa rin siya. Noong birthday ko dun pa namatay ang kapatid ko dahil sa aksidente. Wala nga siyang ginawa kundi kunin lahat ng mahal ko eh. "
" Caloy darating din ang panahon na magiging ok na din ang lahat. "
" Ok na po ako tay. Makita ko lang na masaya si Angel kahit di na ako sumaya ok lang. "
" Halika nga dito anak. Minsan may mga taong hindi talaga dapat manatili sa buhay mo dumadaan lang sila sa buhay mo para pamulatin ka lalo sa totoong buhay. Kaya hinay-hinay lang sa pagmamahal. Kaya mo yan anak. "
Gusto mang pagaanin ng tatay niya ang loob ni Caloy wala siyang magawa kundi yakapin na lang ang anak niya habang umiiyak ito. Hindi niya matanggap kung bakit sobrang nahihirapan ang kanyang anak. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
"Let Our Hearts Decide"
RomanceSOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS" INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!! my first story (actually pang 3rd na binura ko lang ung dalawa) kaya sana magustuhan nyo :) promise maganda ito <3