CHAPTER 6 (His Side)Part Two

28 2 0
                                    

CALOY'S POV:

Maaga akong pumasok ngayong gabi para agad kunin yung sulat na idinikit ni Angel sa upuan ko.

Pagka-upo ko kinuha ko kaagad yung sulat at binasa.

"Hi,thanks alot for helping me savior, but im curious who are you? "

Naku! Pano to ?Kung magpakilala kaya ako sakanya? Baka hindi niya magustuhan na isang janitor lang ang savior niya. Siguro itatago ko na lang muna ito.

" Bro uwia na! Dito ka lang ba? "

Uwian na pala, hindi ko namalayan.

" Ah sige mauna ka na. Susunod na ako. "

"Ah sige pare. Bukas na lang. "

Kinuha na niya ang bag niya at umalis. Sumunod din naman ako agad at bumyahe na ako pauwi.

"(KINABUKASAN)"

" Oy! Anak ng tokwa naman anak gumising ka na! "

(¤_~)

Umaga na pala hayy.

" Opo tay. "

" Bakit ba kasi nagpuyat ka pa kagabi?Alam mo namang may pasok kinabukasan ano bang ginawa mo at parang bangag ka? "

" Wala po tay. Sige po maliligo na ako at mala-late na po ako. "

Ang totoo niyan hindi talaga ako makatulog kagabi, kaya ginawa ko na lang ang isasagot ko kay Angel. Bumili na rin ako ng isang puting rosas para sa kanya. Sana magustuhan niya.

"Hoy Caloy ano ba? Nakadroga ka na naman? Bakit nagsasalita ka mag isa?Anak malala na yan, promise! Makapagluto na nga ng pagkain baka mahawa pa ako sayo. Maligo ka na! "

Minsan naisip ko , saan kaya napulot ni nanay tong si tatay? Buti na lang at hindi ako nagmana sa ka-kornihan niya. Thank you Lord! Makaligo na nga.

+++++

Nang makapagbihis na ako, ang bilis no ganyan talaga pag excited! Nagpaalam na ako kay Tatay na papasok na, muntik pa nga akong hindi makaalis pinipilit niya kasi akong umamin sa ginagawa ko kagabi pero wala eh hindi niya ako napilit, kaya pinalayas na lang niya ako.

Pagkalabas ko nakita ko agad si Berwin, tinawag niya naman ako.

" Pareng Caloy sakay ka na. "

Kahit kailan talaga nakakatipid ako sa pamasahe. Salamat Berwin!

" Talaga pare? Salamat ah sakay na ako. "

" Teka lang. Sumagot na kasi yung kababata ko, dating gawi? Paki replayan naman oh? " -sabay abot ng isang sulat. Kaya naman pala libre ako sa pedicab niya may ipapagawa.

"Ah eto ba? Walang problema. Kaya lang baka pwede nating bilisan?Malalate na kasi ako eh. "

" No problem. Pangako pare pag napasagot ko to araw-araw ka ng libre sa pedikab ko. "

" Talaga? Ayos. Tara na! "

Kahit halos paliparin na ni Berwin ang pedicab niya nalate pa rin ako sa trabaho, nagpasalamat na lang ako sa kanya at pumasok na sa trabaho. Hindi ko namalayan na lunch na pala, pumunta ako sa canteen para doon kumain. Sa totoo lang hindi naman talaga ako sa canteen kumakain ibibigay ko lang talaga ang sulat Angel.

Pagpasok ko sa canteen nakita ko kaagad sa Angel na bumibili ng pagkain, wala siyang kasama at nasa lamesa ang bag niya. Pagkakataon ko na.

Pinatong ko sa bag niya ang sulat kasama ang puting rosas at ang paborito kong libro. Dumating na rin ang mga kaibigan niya at umupo na sila umupo ako sa katabing mesa at tinignan ko ang reaksyon niya. Narinig ko ang usapan nila.

"Angel, someone left a letter in your bag. " -sabi ni Dyna.

"Wow! Sino kaya yun? Dali buksan na natin. " -sabi ni Anna.

" Baka galing to sa savior ko. Teka bubuksan ko. "Binuksan nga niya.

" So sinong savior yun ah? Basahin mo na. " -sabi ni Rhian.

" Galing nga sa kanya. Wait babasahin ko. Here it goes:

Hindi mo na ako kailangan pang makilala.Whenever you need my help I promise to help you and be your savior.Mayroon lang akong hinihingi, pwede bang palagi kang ngumiti? Mas gumaganda ka kasi. "

" Ang cute naman! Ayieh! Pero Angel sino kaya yan? Im curious! " -sabi ni Anna.

" Anong cute doon, baka isa lang yan sa mga trying hard na stalkers mo! " -sabi ni Rhian.

" Hindi naman siguro, tsaka ang sweet nga eh. Ang romantic tignan niyo may note pa sa libro oh.

(Please pakiingatan lang to,bigay pa kasi sakin yan ng nanay ko.Eto rin yung librong pinakauna kong nabasa saka ang pinakapaborito ko.) Teka, ang ibig sabihin andito siya. Andito ang savior ko. "

" Who could it be? Ahm, there look is that Julius? Maybe he is your savior. " -Dyna.

" Yeah diba nga may crush sayo yan?" -Rhian.

Nako yare magkakamali pa ata sila ng hinala ah? Kailangan may gawin ako.

*Ubo,Ubo*

" Wait look maybe that janitor is the one. " -sabi ni Rhian.

" That janitor? Common Rhian he will never be the savior of Angel. " -Sabi ni Anna.

"Duh.! Rhian sa tingin mo ba gaya lang ng janitor na yan ang savior ni Angel? "-sabi ni Dyna.

" Hey stop, baka marinig kayo oh? "-sabi ni Angel.

" Yeah I changed my mind. It is really impossible. " -sabi ni Rhian.

" Ano ba tumigil nga kayo. "-sabi ni Angel.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga taong masyadong mapanghusga. Umalis na lang ako ng canteen para naman makatakas sa panlalait nila.

"Let Our Hearts Decide"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon