" Caloy mahal na mahal kita, simula pa lang nung una tayong nagkita at sana mahal mo rin ako. "
" Mahal na mahal din kita Angel matagal ko na itong tinatago sayo. "
- At dahan-dahang maglalapit ang aming mga labi at at at ,,,
" Hoy Caloy! Gumising ka na nga diyan malalate ka na! "
" Tay naman eh. Sayang yung kiss, napaka wrong timing niyo naman pong mang gising. " -inis na ginulo ang buhok.
" Aba 2pm na, at ako pa ang wrong timing? Eh kung hindi kaya kita gisingin simula bukas? Bilis , dalian mo na ang kilos baka maiwanan ka pa ng limo natin sa labas. "-natatawang sabi.
" Nakakatawa tay. Sige na po maliligo na ako para masilayan ko na ang aking pinakamamahal na si Angel. "
Binatukan siya ng ama.
" Oo inaantay ka na nga ni Angel eh, linisin mo daw yung sapatos niya haha. Oy maligo ka na nga!"
"Kahit kailan talaga tay panira ka ng moment. Hayy makaligo na nga."
-After some time natapos na ding mag ayos si Caloy, nagpaalam na siya sa kanyang tatay at lumabas na ng bahay.
" Caloy. "-ani ni Berwin kaibigang tunay ni Caloy.
" Oh bakit Berwin? Malalate na ko sa trabaho. " -pagmamadali niyang sabi.
" Tol may problema kasi ako eh, yung kababata ko na taga-America may pinadalang sulat eh english pwede bang pakitranslate? Eto yung sulat oh. " -tila naguguluhan.
" Tol late na talaga ako eh, pwede bang mamaya ko na lang gagawin? " -pagmamakaawang sabi nya.
" No problem, at saka baka pwede paki gawan na rin ako ng isasagot sa kanya please. "
" O sige, sige alis na ako ah? "
" Hatid na kita ng pedicab ko, tara na! "
" Salamat Berwin, the best ka talaga tol tara na! Bilisan mo ah? "
Halos paliparin na ni Berwin ang pedicab niya para lamang di malate si Caloy. Si Caloy naman todo hawak sa pedicab dahil takot siyang malaglag. Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa school at dumiretso agad sa principal's office para sunduin si Angel na makakatulong niya ng 2weeks.
" Sir. Pasensya na po kung nalate ako. "
" That's ok Mr.Perez don't worry, 5minutes ka pa lang naman nahuli. Nga pala paki alalayan na lang si Miss.Angel , 2 weeks siyang tutulong sayo and teach her. "
" Yes sir. Ah sir? Asan na po sya? "
" Pumunta siyang music room sandali, puntahan mo na para naman makapag umpisa na kayo. "
" Opo sir. Alis na po ako. "
Nagmamadaling pumunta si Caloy sa music room. Agad niyang binuksan ang pinto at nakita niya si Angel na tumutugtog ng piano, dahil sa pag hanga hindi na niya napigilang lapitan ito.
" Ahm ang galing mo palang mag piano. " -nakangiting sabi nito
" Kanina ka pa ba diyan? Bakit nandito ka? Alam mo bang ako lang ang pwedeng pumunta sa lugar na to?!! " -galit niyang sabi
" Ah, ahm hindi kakarating ko lang. Nandito ako kasi, kasi, ahm tutulungan mo daw ako sa pag ah ahm lilinis. "
" Yeah I know, pero next time kung pwede lang wag ka ng pumunta dito. By the way bakit ba nauutal ka? Ang panget mo tuloy kausap. "
BINABASA MO ANG
"Let Our Hearts Decide"
RomanceSOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS" INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!! my first story (actually pang 3rd na binura ko lang ung dalawa) kaya sana magustuhan nyo :) promise maganda ito <3