CALOY'S POV:
Gusto kong makilala kung sino man ang tinulungan ko kagabi sa problem na yun. Kaya sinadya ko talagang puntahan ang mga nag ka-klase ngayong umaga sa room namin tutal day off ko naman.
Nagulat ako ng si Angel pala ang nakaupo sa upuan ko. Ang ibig sabihin, siya ang tinulungan ko kagabi at teka may sulat siyang dinikit sa upuan. Yes!
" O, Caloy ikaw pala. Bakit ka nandito?Atsaka bakit ka nakasilip diyan?Ah kaya pala andun sa loob si Angel. "
" Nico, tara na! Baka maabutan pa nila tayo dito! Papalabas na siya. "
Mabilis nga kaming nakaalis sa room ni Angel, bawat hakbang ko ay para akong lumulutang. Siya pala ang natulungan ko! Kung sinuswerte ka nga naman oh.
" Bro,bro! Tulala ka na naman diyan! Bakit ka ba nandoon? Kanina pa kaya kita hinahanap! "
Panira naman to ng imagination.
" Bakit Nico? Anong problema? "
Lumapit naman siya sa akin at akmang bubulungan ako, nakinig naman ako sa sasabihin niya.
"Eh kasi, samahan mo naman ako sa mall bibili lang ako ng panregalo kay Pia. Yung bago kong nililigawan. Pare chicks talaga! "
" Pia? Kala ko ba si Kristine ang girlfriend mo? "
" Bro! Wala na kami non kahapon pa. Mas nabighani kasi ako kay Pia kaya iniwan ko si Kristine. Kaya bilisan mo samahan mo na ako sa mall ito yung susi ng auto oh. "
" Hinay-hinay lang sa pagiging chickboy baka mamaya niyan makarma ka, diba mas maganda kung one woman man ka lang? "
" Bro one woman man? Uso pa ba yun? Atsaka karma, hindi ako naniniwala dun. Pasok ka na sa loob ng kotse. "
At gaya ng sinabi niya sumakay na nga ako sa kotse niya, kung tutuusin hindi naman masyadong mayaman ang pamilya nila Nico pero syempre mas mahirap kami haha..
" Ayy! Teka bro may nakalimutan pala akong libro sa library, dito ka lang muna ah? "
At umalis na nga ang aking matalik na kaibigan (wow lalim awtor haha).
Makalipas pa lamang ang 5 minuto ay nabagot na ako, hayy! Hala? Teka! Andiyan si,.si,,Angel at kasalukuyan siyang nag-aayos sa bintana ng kotse ni Nico. Buti na lang at heavily tinted ang kotse niya kaya di niya ako nakikita.
Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon, tila ba gustong lumabas ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok . Sobrang ganda niya talaga! Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang bintana kung saan siya kasalukuyang nagsasalamin sa labas.
Pero makalipas lang ang ilang segundo sumunod ding nagsalamin ang mga kaibigan niya. Baka makita niya ako anong gagawin ko? Relax ka lang ang dapat mo lang gawin ay sumandal at wag kang masyadong gumalaw at sa wakas umalis na din sila!
Teka, nagtapon siya ng balat ng chocolate. Agad akong bumaba ng sasakyan at kinuha ito agad, matatawag ba akong stalker? Bumalik na ako sa sasakyan, dumating na si Nico at nagpunta na kami ng mall.
(@-@)
Sandali lang kami sa mall, kakauwi ko lang sa bahay namin agad akong pumunta sa isang karton na nakasabit sa kwarto namin ni tatay at dun idinikit ang balat ng chocolate na kinainan ni Angel at ang mga nauna pa. Nagulat na lang ako ng may umakbay sakin.
" Anak para saan yan bakit ang dami mong nilalagay na balat ng chocolate.?"
" Ah wala po ito Tay. "
" Palusot mo anak? Pwede bang wala, eh bakit mo pa dinikit yan para langgamin lang diyan? "
" Hindi kasi Tay sa mahal ko po yang babae. "
" Anak ng tokwa ka naman anak sa lahat ng iipunin mo balat pa ng chocolate? Pwede na mang underwear! Hahaha biro lang anak masama yun! "
" Tay, yan na naman kayo eh. "
" Sorry na. Seryoso na kung talagang mahal mo siya anak bakit di mo ipagtapat sa kanya ang nararamdaman mo? "
" Nahihiya po ako Tay. Mayaman po yun eh. Atsaka hindi naman ako nakikita nun. "
" Eh ano kung mayaman sila?Mayaman din naman tayo ah, sa kagwapuhan at sa balat ng chocolates nga lang. Pero anak walang imposible sa mundo life is a matter of choice. Tignan mo nga kami ng nanay mo, siya pa ang nanligaw sa akin noon. "
" Hahaha Tay! Magkaiba naman po kasi tayong dalawa, ikaw mahal ka ni nanay dati nung nabubuhay pa siya di katulad ko, ni hindi nga ako kilala ng mahal ko eh. "
"Ikaw na lang ang bahalang magdesisyon kung ano ang tingin mong magiging mabuti. Basta ako lagi lang akong nasa likuran mo, minsan katabi mo o kaya nasa unahan lang ako. Sige anak magpahinga ka na. "
" Opo Tay, marami pong salamat sa payo kayo rin po matulog na. "
At pumunta na nga akong kwarto at konting muni-muni at pagkaraan ng ilang minuto ay nakatulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
"Let Our Hearts Decide"
RomanceSOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS" INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!! my first story (actually pang 3rd na binura ko lang ung dalawa) kaya sana magustuhan nyo :) promise maganda ito <3