" Ok class, hawak ko na ngayon ang test results niyo. May mga pumasa pero marami ang hindi! Ok! "-sabi ng kanilang guro.
At isa-isang tinawag ang kanilang mga pangalan. Hanggang makuha ni Angel ang kanyang test results.
Tuwang-tuwa namang ibinalita ng mga kaibigan ni Angel ang mga scores nila.
" Yes! I got an C. You Anna? "-tanong ni Dyna.
" First time! I got an B+! Wohoo! Oh we'll, ahm how about you Rhian? "-sabi ni Anna.
(Nahihiyang ipakita ang papel.)
" Guess what ? It's a D, but its ok. Pasado pa naman ako diba guys? Angel what is your score? I'm expecting a high one. "-Rhian
" Ahm I got an B+ also. "
Pero sa totoo lang ang nakuha niya ay F. Tinago na lang niya agad ito sa bag niya.
" Ok class! So much for that topic. Now I have here a problem, can you read and please give the answer. "
Nagpalinga-linga ang teacher, at dahil nakita niyang nakayuko si Angel na parang nagtatago siya ang tinawag nito.
"Ms.Montero can you read and at the same time give me the correct answer please? Stand up! "
Tumayo nga siya at binasa ang equation.
"An electric meter showed an increasing reading of 1kw/h after flat iron was used.How many hours is the iron used if it carried 5A from a 220V line.
energy=1kw/h
voltage=220V
amp=5a
T= _____ .Ahm maam I dont know the answer, sorry. "
" Ms.Montero nasaan ba ang utak mo?Ang hirap kasi sayo, matalino ka naman sadyang tamad ka lang. Puro F na lang ang mga grades mo! Wala ka bang pangarap sa buhay? "
Di na lang niya pinansin ang sinabi ng kanyang guro, umupo na lang siya.
Lumapit naman sa kanya si Rhian.
" Diba Angel hindi naman F ang score mo? "
Hinagod naman ni Dyna ang likod ni Angel at masamang tumingin Kay Rhian.
" Shut up! "
" Oh well dahil late na rin. Assignment niyo na lang ang problem na ito. But be sure that your answer is correct lalo ka na Angel. Goodbye! Wait Ahm Angel pinapatawag ka pala ng principal. " -sabi ng teacher.
" Yes ma'am. " -ang tanging nasambit ni Angel.
Pinagtripan ni Angel na isulat ang assignment sa desk niya. Pagkatapos ay pina-una na niya ang mga kaibigan niya at pumunta na siya sa principal's office. Pinaupo siya nito at kinausap.
"Ahm sir, bakit niyo po ako pinatawag? May nagawa po ba akong kasalanan? "
"Ah wala wala naman Ms.Montero. I just want to tell you that Mr.Perez quit. "
" Quit? " -takang tanong nya.
" Yes you heard it right, he quit. Now I'm expecting that you learned a lot from him, because from now on you are all your own again to study hard. Understand. "
" Yes sir. "
" Ok, you may leave. "
" Thank you sir. Goodbye. "
(Mabilis na lumipas ang mga oras, nakauwi na si Angel sa kanilang bahay. Nag swimming muna siya, ng galit na lumapit sa kanya ang daddy nya.)
" Angel, kung di ko pa papakialaman ang bag mo hindi ko pa mahahanap ang puro F mong grades! "
" Sir ahm ipapakita po sana niya talaga yan sa inyo naunahan niyo lang po siya. " -sabi ni Saling, ang yaya ni Angel.
" Wag mo na siyang ipagtanggol Saling! Your a major dissapointment!"
" Dad sorry po. "
" You know what? I'm done talking to you. "
Galit na umalis ang Dad niya, naiwan naman sila ng kanyang yaya.
" Ok lang yan Angel pagod lang ang Daddy mo, wag mo na lang siyang intindihin. "
Hindi na niya napigilang umiyak.
" Lagi ko naman siyang iniintindi yaya, pero minsan nakakapagod na rin. "
Niyakap na lang siya ng kanyang yaya at pinagaan ang loob niya.
((Sa School))
Nasa library sila Caloy, Nico at Allysa na gumagawa ng mga assignments nila.
" Matagal pa ba yan Allysa? " -inis na sabi ni Nico.
" Eto na tapos na. " -sabi ni Allysa. Siya ay ang boyish na best friend ni Nico na may lihim na pagtingin sa kanya.
" Tara na! Paano Caloy mauna na kami ah? Ingat ka pare ah? "
" Sige Caloy bye na. Goodluck sa class mo. Alis na kami. " -sabi ni Allysa.
" Ingat kayo ah? Sige pasok na rin ako."
Sabay silang lumabas sa library nag paalam na sila sa isat-isa. Pumasok na Si Caloy sa classroom niya at agad umupo sa bakanteng upuan.
" Gosh ang pogi nya. " -sinabi ng isang babae.
" Oo nga pogi. "- sagot ng isa.
" Ok class, kung nakikita niyo marami kayo ngayon. Pinagsama kasi ang dalawang evening class tutal pareho lang naman na konti ang estudyante. Lets start! "
Magsusulat na sana si Caloy ng may makita siyang sulat sa desk niya tinginan niya yun at sinagutan niya.
energy=1kw/h
voltage=220V
amp=5a
T= _____
1000=(220V)(5a)(t)
t=1000/(220V)(5a)
t=0.909 hrs.
((Kinabukasan pumasok na sila Angel sa classroom nila at nagsimula na ang kanilang klase. Nakita niya ang sagot na ginawa ni Caloy.))
" Ok class what is the answer to the assignment problem that I gave yesterday? "
Nagtaas ng kamay si Angel.
" Ma'am,ma'am! "
" Yes Ms.Montero. What is it? Naiihi ka ba? " -nagsitawanan ang buong klase.
" No ma'am, I know the answer. It is 0.909hrs. "
" We'll done Ms.Montero. Very good. "
Naupo na si Angel.
" Your the best! "-Dyna.
" Where did you get that answer. "-Anna.
" Secret. " -sabi naman ni Angel.
BINABASA MO ANG
"Let Our Hearts Decide"
RomanceSOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS" INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!! my first story (actually pang 3rd na binura ko lang ung dalawa) kaya sana magustuhan nyo :) promise maganda ito <3