Dumating na nga ang araw ng graduation. Pagkatapos ng ceremony kinagabihan lamang ay nagkaroon ng party para sa mga nagsipagtapos.
Nagsasaya ang lahat maliban kina Caloy, Nico at Berwin na naka-upo lamang habang kumakain.
" Caloy salamat at isinama mo ako dito. Pare ang sarap ng pagkain dito. " -sabi ni Berwin.
" Hinay-hinay lang Berwin baka mabulunan ka, ikaw din. " -sabi ni Nico.
" Ako mabubulunan hindi mangyayari yon hindi pa nga puno ang storage ng tiyan ko. " -sagot ni Berwin.
" Nga pala Caloy saan ka mag-college?" -tanong ni Nico.
" Titigil muna ako magta-trabaho muna ako para makapag-ipon pang enroll ikaw Nico saan ka mag-aaral? "
" Ah ako? Sa tabi-tabi lang diyan. Bahala na. " -sagot ni Nico.
Nakisingit na man si Berwin sa usapan nila. "Aba kung hindi niyo naitatanong ang lupet kaya ng school ko noong college palang ako. " -pagmamalaking bida nito.
" Oh sige nga Berwin saan ka ba nag-aral? " -tanong ni Nico.
" Sa Harvard University lang naman. Doon sa may Cavite. " -sagot niya.
" Pauso ka Berwin ah? Wala namang ganoong school sa pilipinas eh ang sabihin mo bulakbol ka lang kaya ka naging dakilang pedicab driver."- panunukso ni Nico.
" Wag mo na mang ganyanin si Berwin. Ikaw din pag yumaman yan hindi ka niyan papautangin. " -sabi ni Caloy.
Tumawa ng malakas si Nico sabay turo kay Berwin. " Itong mukhang ito, yayaman? Hahaha imposible yun pare. "
" Hay nako tigilan niyo na nga yang pag-aasaran ninyo baka mag away pa kayo niyan eh. Samahan niyo na lang ako, kukuha pa tayo ng pagkain. Tara!" -sabi ni Caloy.
Aalis na sana silang tatlo ng biglang hawakan ni Angel sa braso si Caloy na ikinagulat naman niya.
" Pwede favor? Isayaw mo na man ako oh. Please. " -pagmamakaawa niyang sabi.
Dahil tulala kinailangan pang tapikin ni Berwin ang braso niya para bumalik ito sa katinuan.
" Ahm,sige na. Promise it won't take long. " -sabi ni Angel.
Bumulong naman si Berwin kay Caloy."Caloy ito na ang pangarap mo maisasayaw mo na si Angel! "
Bumulong din si Nico kay Caloy." Hinay-hinay lang ah baka masaktan ka na naman. "
Dumating naman ang stalker niya.
" Angel pwede ka bang---"
" Ahm sorry may magsasayaw na kasi sa akin. Tara na! " -hinigit ni Angel si Caloy papunta ng dance floor.
Magsasalita pa sana ang stalker niya ng hawakan ito ni Berwin at takpan ang bibig niya. " Sige lang pag pumunta ka pa doon kila Angel makakatikim ka talaga! "
Wala ng nagawa pa ang stalker ni Angel kundi ang sumunod na lang kay Berwin.
Pagdating nilang dalawa sa gitna saktong tumugtog ang 'I WON'T GIVE UP'. Hinawakan ni Angel ang balikat ni Caloy unti-unting hinawakan ni Caloy ang bewang niya.
" Pasensya ka na ah napasayaw ka tuloy ng wala sa oras. " -sabi ni Angel.
" Ah,ahm ,wala yun. Palagi ka ba niyang sinusundan? " -tanong ni Caloy.
" Ahm medyo ay mali pala palagi pala niya akong sinusundan. Pasensya na talaga ah? Wag kang mag-alala malapit na siyang umalis. "
Malungkot na umalis ang stalker ni Angel pagkabitaw ni Berwin. Agad na mang nakita ni Angel ang pag-alis nito.
" Yehey he's gone! Maraming salamat talaga. " -sabay offer ng pakikipag-shake hands.
Tinanggap naman ito ni Caloy. "Ok,lang. "
" Sige ah? Alis na ako salamat ulit bye."
Pagka-alis ni Angel ay bumalik na rin si Caloy kila Berwin at Nico.
Agad siyang inakbayan ni Berwin. " Oh Caloy anong nangyari? Naka-score ka ba? "
" Syempre hindi torpe kaya yang si pareng Caloy diba Caloy? " -tanong ni Nico.
" Ganun talaga pag nandiyan kasi si Angel kinakabahan ako. Sige mga pare mag-cr lang ako. "
Tumango naman sila bilang pagsang ayon. Pagkaalis ni Caloy dumating naman si Alyssa at pumunta sa table nila Nico.
" Hi guys ! " -pagbati ni Alyssa.
" Hello miss, ahm maitanong ko lang kilala ba kita? " -tanong ni Nico.
" Ano ba kayo ako ito si Alyssa. Masyado ba akong gumanda at hindi niyo na ako nakilala? " -sabi ni Alyssa.
Ang totoo niyan hindi talaga nila makilala si Alyssa dahil sa kapal ng make up nito at hindi pa ito pantay.
" Alyssa? Ikaw ba yan saan ka ba galing na party? "-tanong ni Berwin.
" Party ano yun? "-sabi ni Alyssa.
" Edi saan pa sa children's party diba clown ka? " -sabi ni Nico.
Tumawa silang dalawa dahil sa mukha ni Alyssa. Sobrang nainis naman si Alyssa dahil ang akala niya pupurihin siya ni Nico at baka sakaling magustuhan siya nito.
" Ang sama niyo naman. " -sabi ni Alyssa.
" Oo nga eto namang si Nico. Mamaya lang Baka kayo pa magkatuluyan sa huli. "-sabat ni Berwin.
" Hindi mangyayari yon kahit siya na lang ang natitirang babae sa mundo hindi ko papatulan yan. " -pang aasar ni Nico.
Dahil sa inis umalis na lang si Alyssa sa party tawa pa rin sila ng tawa hanggang sa dumating rin si Caloy pagkalipas ng ilang minuto.
Lahat ay nag saya buong gabi maliban kay Caloy kaya pinili nila Berwin at Nico na damayan na lang siya. Umupo sila sa tabi ni Caloy at kinausap ito.
" Bakit Caloy? Anong problema? Lahat ng mga kaklase natin nagsa-saya tapos ikaw nag mumuk-mok diyan! " -sabi ni Nico.
" Oo nga ano bang problema? Natatae ka ba o ano? Joke lang seryoso talaga ako, ano bang problema? " -sabi ni Berwin.
" Kasi naman hindi ko alam kung kelan ko ulit makikita si Angel pagkatapos ng gabing to. "
" Oh yun lang ba kasi naman magtapat ka na."-sabi ni Nico.
" Hindi naman niya ako papansinin isa lang akong janitor samantalang siya nasa kanya na ang lahat. "
" There's no harm on trying. Think positive kung hindi naman mag work edi try lang ng try until you die. " -sabi ni Berwin.
" Oo nga tol tutulungan naman kita eh.Kahit na medyo ayoko kay Angel para sayo basta kung saan ka masaya susuportahan ka namin. " -sabi ni Nico.
" Ewan ko parang ayoko----"
Napatigil si Caloy sa sasabihin niya ng batukan sya ni Berwin.
" Ganyan mo na ba talagang tingnan ang sarili mo? Tol! Magising ka na nga sa katotohanan na hindi pwedeng habang buhay mamahalin mo lang siya ng patago. Darating din ang araw na baka magsisi ka sa huli na hindi mo man lang napa-ramdam sa kanya ang feelings mo. "
Sa saglit na iyon natauhan si Caloy, naisip niya na tama ang sinabi ni Berwin at ni Nico tungkol sa kanya.
" Tama nga kayo pasensya na at ngayon ko lang narealize ito. MAGTATAPAT NA AKO KAY ANGEL!"
Dahil sa narinig na papalak-pak sina Berwin at Nico hindi din nila napigilang yakapin si Caloy at mag saya.
Hindi man alam ni Caloy kung ano ang kahihinatnan ng pinasok niya wala na siyang magawa kundi ang umasa at maghintay na sana maganda ang susunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
"Let Our Hearts Decide"
RomanceSOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS" INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!! my first story (actually pang 3rd na binura ko lang ung dalawa) kaya sana magustuhan nyo :) promise maganda ito <3