CHAPTER 9 (Unexpected)

22 3 1
                                    

Lumipas ang ilang araw matapos ang graduation. Sa mga nakalipas na araw ay sobrang lungkot ni Caloy dahil may nakapagsabi sa kanya na sa Amerika na mag-aaral si Angel kaya ganoon na lamang ang tuwa niya ng maiwan nito ang isang hindi pa tapos na bandana kaya minabuti niyang tapusin ito.

Nagulat na lang si Caloy ng biglang sumulpot ang dalawang mokong niyang kaibigan. Sinilip naman nila agad ang ginagawa niya.

" Caloy ano yang ginagawa mo? Ang ganda naman niyan. " -sabi ni Berwin.

" Oo nga kanino yan? Ang ganda ng design ah butterfly. " -sabi ni Nico.

" Galing ang bandanang ito kay Angel. Nakita ko nung naglinis ako kanina sa school tinatapos ko lang. "-pagpapaliwanag niya.

" Anong balita? "-tanong ni Nico.

" Samahan niyo ko kila Angel. "

Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat hindi niya naman sila masisisi dahil pati siya mismo ay nagulat sa sinabi niya.

" Anong gagawin natin sa kanila? Makikikain ba tayo? "-tanong ni Berwin.

" Hindi ah MAGTATAPAT NA AKO KAY ANGEL! "

Kung kanina ay nagulat sila mas lalo pa sa itsura nila ngayon para silang nakakita ng isang daang multo. Pagkatapos ngumiti sila na para bang mga baliw.

" Yes! Nagbunga din lahat ng pangaral namin sayo. Binata ka na talaga. "-sabi ni Berwin.

" Teka may isusuot ka na ba? Dapat pormado ka. " -takang tanong ni Nico.

"Meron na. Ayun oh! "

Tinuro niya ang isang asul na polo. Hindi niya alam pero sobra silang natawa sa damit niya.

"Bakit? Anong nakakatawa? "-takang tanong niya..

" Kasi naman napakaluma na niyang polo mo. "-natatawang sabi ni Nico.

"Oo nga kung gusto mo papahiramin kita ng longsleves makintab pa yon. "-pagmamayabang ni Berwin.

" Naku baka mag-mukha ka lang Elvis Presley non. Dapat pormal ang itsura mo. "-sabi ni Nico

" Paano yun wala akong pera pang porma. "-sabi ni Caloy.

" Yun lang ba don't worry libre ko. Tara. " -Sabi ni Nico.

" Talaga, salamat. "-sabi ni Caloy.

----------

Samantala kung nagkakasiyahan ang mga kaibigan ni Caloy napuno naman ng tensyon ang bahay nila Angel.

Pinagtatalunan pa rin nila ang kukuning kurso ni Angel sa kolehiyo.

" Kala ko ba napag-usapan na natin ito Angel? "-galit na sabi ng kanyang ama.

" Dad ayoko pong mag-aral sa amerika pangarap ko po talaga ang kumuha ng kursong fine arts. "

" Fine arts? Walang lugar ang pangarap mo sa pamilya natin. "

" Dad hindi ko po kaya ang hinihingi niyo. "

" Kaya nga pag-aralan mo! "

" Ayoko. "

*plakk*

Hindi napigilang sampalin ng kanyang ama si Angel ikinagulat naman niya ito at tuluyan ng umagos ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan.

" Dad bakit niyo po ginawa yon? "

" Isa kang kahihiyan sa pamilyang ito! Kung nabuhay lang sana ang kuya James mo sana hindi ako aasa sa iyo. "

" Pero Dad patay na si kuya. "

" Yun na nga eh sino ng aasahan ko ngayon? Kung hindi ka lang sana naglasing noon kasama pa natin siya. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Let Our Hearts Decide"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon