ANGEL'S POV:
Dalawang araw na rin mula ng mabugbog si Caloy dahil sa nangyari, pinag paghinga muna siya ng 1 week pero tuwing uwian pumupunta siya dito para iresume yung pagtuturo naya sa akin, pagkatapos pumapasok pa siya sa gabi. Si Julius naman 1 week suspended at ako, hay! Ang swerte ko talaga dahil hindi pumapasok si Caloy Im free whoooo! Hindi ko na kailangang maglinis. Ang sarap talagang tumambay sa canteen lalo na pag walang ginagawa.
" Best! Totoo bang magkaibigan na kayo ng janitor fish na yon? " - Hala, pano nila nalaman?
" Ano ba kayo? Ako na nag sasabi na hindi, kilala niyo naman si Angel diba? Do you think she would date a guy like him? Hindi siya ganoong tao. Tama ako diba Angel? " - sabi ni Dyna.
" That's impossible guys, you know me very well. Ah, ahm hindi siya papasa sa STANDARDS ko. Kinakausap ko lang siya para hindi ako makapaglinis na sabi ng principal. Pasok na ko. "
" Wait for us Angel! I told you guys! Lets go. " - Sabi ni Dyna .
Kailangan kong itago ang pagkakaibigan namin ni Caloy, ayoko lang kasing bumaba ang iniingatan kong reputasyon ito na lang kasi ang natitirang tumatanggap sa akin, pasensya na Caloy.
(END OF POV)
NICO's POV:
" That's impossible guys, you know me very well. Ah, ahm hindi siya papasa sa standards ko. Kinakausap ko lang siya para hindi ako makapaglinis na sabi ng principal. Pasok na ko. "
Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan nila pero ang huling sinabi niya ang tumatak sa akin! Kawawa naman si Caloy. Kailangan ko siyang makausap.
Pinuntahan ko kaagad ang bahay nila. Matagal na rin mula ng maging magkaibigan kami, nagsimula yoon noong sinumpong ako ng hika at siya lang ang tanging tumulong sakin, simula noon naging magkaibigan na kami kaya ganun na lang ang galit ko ng ikahiya siya ng Angel na yun.
Pagkarating ko sa kanila hinanap ko kaagad siya at sinubukang kausapin.
" Caloy, pare kamusta ka na? "
Nagulat naman siya at napunta ako doon. " Ok lang Nico, nga pala bakit ka nandito? "
" Ahm tol kamusta na kayo ni Angel ? Nasa canteen kasi ako kanina at hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Kinakahiya ka niya! Kinakausap ka lang niya para hindi siya makapag linis at hindi bumaba ang reputasyon niya. "
Ang buong akala ko ay magagalit siya o maiinis pero tumingin lang siya ng diretso sa akin at kalmadong nagsalita.
" Nico, ok lang sa akin yun. Wag mo na akong alalahanin. Ok lang , atleast nakasama ko siya. Ah, nga pala pakisabi na lang sa kanya na hindi muna ako makakapasok. "
Ngayon ko lang nalaman na gonoon na pala niya kamahal si Angel na kahit magpakatanga siya ok lang. Bumalik na lang ako sa school para kausapin si Angel. Pagdating ko doon agad kong kinausap si Angel na nagpapakasaya habang ang kaibigan ko, puro paghihirap ang natatanggap mula sa kanya.
" Pwede ba kitang makausap? " -kalmado kong tanong.
" Ok. " - matipid niyang sagot. Dinala ko siya sa isang bakanteng class room at doon kinausap.
" Bakit mo ako kailangang makausap? Sa pagkakaalam ko hindi kita kilala. "
" I'm Nico kaibigan ko si Caloy at narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina. "
" Ah yun ba , ah ahm . --- "
" Wag ka ng magpaliwanag! Nandito ako para sabihing napakasama mong tao! Alam mo bang tuwang-tuwa siya ng maging kaibigan kayo? Tapos ikaw kinakahiya mo lang siya? Kakaiba ka Angel! Sana hindi ka na lang nakilala ng kaibigan ko. Ah, nga pala pinapasabi niya na hindi siya makakapunta ngayon.
Lumabas na ako ng class room, buti at napigilan ko pa ang sarili ko kanina.
(END OF POV)
ANGEL'S POV:
Pasensya na Caloy, hindi ko talaga sinasadyang masaktan ka. Nang umalis si Nico na realize ko na mali pala na kinahiya kita. Im coward and I'm so sorry for that. Pero I don't have any other choice, sorry talaga kung ikaw ang nasasaktan sa ugali ko. Mas mabuti sigurong wag na lang tayong magkita.
(END OF POV)
((SA BAHAY NI CALOY))
" Ok ka lang Caloy? "
" Ayos lang Tay. "
" Alam mo Caloy kilala kita, alam ko yung amoy ng utot mo o kapag may tinatago ka. Ano nga yun? Makikinig ako. "
" Tay paano kung ikinakahiya ka ng taong mahal mo? Mamahalin mo pa rin ba sya? "
" Alam mo anak, ang pagmamahal dapat alam mo kung kailan ka hihinto . Sa kaso mo laylo ka muna para naman makapag-isip ka kung ano ang tama mong gagawin. Basta anak kahit anong maging desisyon mo andito lang ako. "
" Salamat Tay. Matulog ka na po maaga ka pa bukas. "
" Ako pa? Sige anak, matulog na tayo."
CALOY'S POV:
Siguro nga hahayaan ko na lang na ang kapalaran ang gumawa ng paraan. Kung para kami sa isat-isa, kahit anong mangyari kami pa rin sa huli .
BINABASA MO ANG
"Let Our Hearts Decide"
RomanceSOME SCENES ARE BASED ON THE MOVIE "LET THE LOVE BEGINS" INSPIRED BY DIFFERENT ROMANCE MOVIES!!! my first story (actually pang 3rd na binura ko lang ung dalawa) kaya sana magustuhan nyo :) promise maganda ito <3