Chapter 15: clash of the jocks

184 18 5
                                    

*Megara’s POV

 

Pag alis ni Don, pumasok na ako sa loob ng dorm ko. Tumuloy ako sa bed ko at naupo sa may paanan. Napatingin ako sa sa reflection ko sa malaking window sa bedside ko. Ngayon ko lang napansin na nakapatong padin sa balikat ko yung coat ni Rukawa. Tinanggal ko ito saka tinignan.

 

Ano bang problema Rukawa? Ano bang problema mo sakin? Pagkausap ko sa coat na hawak ko.

Maganda yan Megara. Sasagutin ka ng coat nya!!

 

Bigla akong nag simula mainis. Di naman kasi ako talaga iyakin eh. Mas gusto ko pa na mainis kesa umiyak nanaman. Oo tama. Naiinis lang ako!

 

Humiga ako ng pabaluktot sa kama ko habang mahigpit na hawak hawak padin ang coat nya.

Mula ngayon, I’ll stop caring na! Di na ako iiyak ulit! Di na ako papaapekto. I,Megara Margaux,am not a weakling. I am not a crybaby!! Kala mo Rukawa!! makikita mooo!!! Grrr!! Gigil na gigil na pagkausap ko sa coat na hawak ko.

Nag muni muni pa ako ng kaunti. Nag isip pa ako ng mga plano kung paano ako iiwas dun sa lalakeng yelo na yun.

….

Bigla naman akong nagising nag mag alarm yung phone ko. Crap! Sa pag eemote ko kagabi, di man lang ako nakapag palit ng damit.

Dali dali akong tumayo at naligo para sa klase ko.  Medyo nalate pa ako matapos mag ayos kaya tumakbo na ako agad papunta sa klase ko.

Pag dating ko sa room, wala pa si sir, haaay. Buti nalang. Pag pasok ko, andun na ang basketball team. Haaaay ulit. Classmate ko nga pala sila ngayon T____T

Nag tinginan saakin yung iba kong classmates

 

Hi Meg! sigaw ni Daniel katabi nya si Rukawa na di man lang ako tinignan at deretso lang na nakaupo. Tsssss.

Must.act.normal.hindi. ako. affected!

 Hi guys! Bati ko sa kanila sa cheerful na boses habang nag lalakad ako papunta sa upuan ko.

Nang makalapit ako sa armchair ko, saka ko lang napansin na may isang long stemmed red rose na naka patong doon. Kita ko naman ang ngiti ni Koreen saakin.

 

Hi bestfriend! Hihi bati pa nya saakin sa tonong nang aasar. malamang dahil sa flower to.

Binigyan ko lang sya ng isang ‘I-know-what-you-are-thinking look’

Kinuha ko yung rose saka naupo. Saktong dumating naman si sir.

Good morning class. Bati nya at agad na nag simula ng klase.

Habang nag ddiscuss si sir, hindi na ako nakatiis at binulungan na si Koreen.

Koreen, kanino galing to? Tanong ko sa kanya na pinakita pa sa kanya yung rose na hawak ko

 

Ngumuso sya sa harap namin. Specifically kay Don na tahimik na nakikinig sa lecture ni sir. 

 

Grabe ka girl. Ang long long ng hair moo bulong ni Koreen sa kinikilig na boses.

Alam mo ba, akala ko, mag susuntukan pa si Rukawa saka si Don kanina dahil sayo!! Iiiiih!!

Im inlove with a coldhearted hot jockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon