*Megara’s POV
Nag aalarm na ang phone ko pero di ko parin maidilat yung mga mata ko. Palakas ng palakas yung alarm ko kaya naman, dumilat akong pilit at kahit ayaw pa ng katawan ko, pinilit ko na ding tumayo.
Walang kabuhay buhay akong humarap sa vanity mirror ko ng biglang..
Ow fudge! Napaatras ako at napahawak sa dibdib ko sa gulat dahil sa nakita ko.
Muka nanaman akong zombie. T.T
Quarter to one na kasi ako natapos sa practice ko. sobrang frustrated ako kagabi. (hanggang ngayon) dahil di nanaman ako maka shoot. Sobrang distracted ako at the same time, sobrang worried ako para sa upcoming game namin. mag dadala pa naman si coach ng imports mamaya sa practice namin. at ako ang mag llead ng team. Paano ko gagawin yun kung kahit mag layup ngayon, fail ako. huhuhu T___T
Naligo ako at nag ayos. Nag make up ako para maconceal yung mga nag hihimutok kong eyebags and dark circles. Kasi kung papasok nanaman ako ng ganun ang ichura, for sure di nanaman ako papapasukin ni maam sa klase. Ayoko naman na mag absent. Ayoko mamiss yung mga discussions. At gusto ko din gawin busy yung utak ko.
Pagdating ko sa classroom, multiple activities and binigay ni Ma’am at hindi biro ang logic para masagutan and given problems. Sobrang nakapag concentrate talaga ako. Pero after ng klase, basketball practice na. Bumalik nanaman ang anxiety ko.
Meg, tara na. tawag sakin ni Koreen.
Nag hhesitate pa akong sumama sa kanya sa practice pero hinila na nya ako papunta sa gym.
Nauna akong matapos mag bihis, wala sa sariling itinaas ko ang buhok ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.
*deep sigh
Ang lalim nun girl huh.Biglang nag salita si Koreen sa likuran ko. Nagulat pa ako ng makita ko ang reflection nya sa salamin.
Kanina ka pa ba jan? tanong ko sa kanya.
Oo, bulag ka na din ba? Kanina ko pa pinapanood yang pag mumuni muni mo.Umamin ka nga. Ano bang problema??
Sasabihin ko na sana kay Koreen ang sitwasyong ko nang biglang nag pasukan ang mga cheer dancers at nagtatawanan pa sila. Huling pumasok si Jannette at Benneth at sabay ang dalawa na huminto sa pagtawa pagkakita sa samin ni Koreen. Napatingin din sa amin yung ibang cheer dancers at parang nag-iba ang simoy ng hangin sa locker room. Tinitignan ako ni Jannette habang dahan-dahang nag lalakad at may mala witch na ngisi sa muka nito. Huminto sya sa tabi ko at sa kabilang gilid naman nya ay huminto si Benneth at nag simulang mag ayos ng buhok. Nag labas naman ng lip gloss si Jannette saka nag simulang mag pahid nito sa muka. At si Benneth naman, naglabas ng face powder at naglagay ng padampi dampi sa muka nya.
Tss. Kung siniswerte ka nga naman.
BINABASA MO ANG
Im inlove with a coldhearted hot jock
Teen FictionSa isang school na ang qualification para maka pasok ay FACE VALUE, may Isang oh soo perfect hot chick, na maiinlove sa isang oh soo snob slash oh soo suplado slash oh soo sungit slash oh soo COLD HEARTED HOT JOCK. Pano kaya mag sisimula ang kanilan...