Bettina Salvez Pov
Kislap ng bawat camera's, iyan ang kadalasang bumubungad sa akin.
Mga matang laging nakatingin na di mo mawari kung ano ang nais sabihin. Kung chaka ba ang pagkakakilay ko or blush on.
Mga tanong na laging may nakaabang na sagot, yan ang gusto nilang mangyari. Ganyan sila kagaling. Gusto nila lahat may kasagutan sa lahat ng katanungan.
Madalas kailangan mo pang ipakita na mabuti kang tao sa kanila. Plastikan lang kung baga. Yan ang mahalaga lalo na sa trabaho ko.
Madalas dapat maganda ka para dumami ang mga hahanga at sususporta sayo.
Madalas kailangan mo pang magsinungaling para maging inosente ka sa paningin nila.
Madalas wala ka nang kalayaan at privacy para gawin ang lahat ng gusto mo, sa harap o likod ng camera.
Pero ginusto ko ito. At wala akong karapatang magreklamo.
Masaya ako, totoo.
Kaso nakakasakal na talaga.
Parang gusto ko nang bumitaw.
Dati naman, okay ang lahat.
Nasira lang ng dumating si Tristan sa litrato.
" Bettina, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?! Hindi ka pwedeng mag-back-out ng basta basta. Magtataka ang lahat, lalo na ang media kung bakit aalis ka. Parang pinakita mo talaga na guilty ka sa issue—"
Kasalukuyang nagtatalo kami ng aking manager na si Chrissy. He's the reason why I became one of the famous, Bettina Salvez. Nadiscover nya ako sa isang modeling agency at binigyan ng offer na maging manager nya at pasisikatin nya raw ako.
Unang kita nya palang sa akin, alam na nyang sisiskat ako. He told me that I got the looks, graceful features and body. At kaya ko raw mag artista dahil napag-aaralan naman iyon. Noong una hindi ako pumayag dahil magulo ang buhay sa showbiz, pero napapayag nya ako ng pinangako nya sa akin na balang araw pag nakilala na ako gagawin nya ang lahat para maging kapareha ko at makasalamuha ang ultimate crush kong si Jake Vera. Binigyan nya ako ng ilang linggo para pag-isipan ang offer nya, at napag-tanto ko na hindi naman siguro masamang subukan baka palarin.And now here I am. One of the famous young actress in the world of showbiz. And my life changed from exactly where I came from.
" Chrissy can you please, let me go. Ayoko na. Hindi naman talagang totoong nakipag-one night stand ako sa lalaking iyon. Talagang hayop sya at ang lakas nya manira. Alam ko naman kinumstyaba lang naman sya ng manager nya para masira ang career ko at mapabilis ang pagsikat nya!"
" Kaya nga. Naniniwala naman ako sayo darling. Na nilasing ka at na-frame up. It just that, di naman ganun kaagad agad aalis ka ng bigla na parang bula. Iba ang mundong mayroon ka Bettina. Exposed kana sa lahat. Kilala ka. At di ka lang naman kung sino lang na pwedeng mawala sa industry na ito. Nagpakahirap tayo para sumikat ka at makilala. Kailangan mong labanan ang lahat ng ito. Ipakita mo na inosenta ka."
BINABASA MO ANG
You're My HERO
RomanceThe story is all about a young actress who've walk away to escape the issue she's encountering. She have to gone temporarily to clean her name. And take a vacation on his aunties house in the province of Palawan. But when she met Austin in her...