3. The Plan 0.1

18 2 0
                                    

Bettina Salvez Pov



Maaga akong sinundo ni Chrissy. Para maaga rin akong makarating sa Palawan. Kasama nya rin ang long time boyfriend nitong si Victor. Hindi nya ata talaga iiwan ang lalaki. Pogi rin si Victor, matangkad at moreno.



Dinala ako ni Chrissy sa isang private airlines, kung saan exclusive ito sa lahat ng mga bigating negosyante at celebrities. At isa na ako ron.




Talagang di ko napigilang mag teary eyes sa nakikita ko. May sarili na akong chopper!!!!!!! Grabe! Gusto ko magsasayaw sa saya!




" Chrissy! Kurutin mo nga ako. Baka nanaginip lang ako!"




" Ano ka ba, kailangan ko pa bang gawin yan? Bettina, totoo yan. At sayo yang chopper na nakikita mo."




" Ako nalang kukurot sayo Bettina." hirit ni Victor sa akin.





Pinasadahan ko ng tingin si Chrissy. Nakasimangot ang bakla. Natawa ako sa loob ko.





" Wag na Victor, alis na nga ako! Baka mag-ala angry birds pa ako at ng di pa ako makarating samin."



Siguro naman matutuwa na sya. Mamimiss ko ang bakla kong manager!



" Mag-ingat ka Bettina sa byahe, hoy kuya ( sigaw nya sa pilot ng chopper) ingatan mo ang alaga ko ha. Ay kung hindi, makakatikim ka sa akin!"


" Makakaasa po kayo madam." Assurance  ni kuya pilot sa amin.



" Pasensya na darling ha kung hindi kita mahahatid, busy kase dito."




" Sus, alam ko naman di mo maiwan iwan si kuya Victor."



" Ay, ikaw talagang babae ka. Sige na ingat ka. Ikamusta mo nalang ako kila Tita ha?"





" Sige, makakaasa ka."





May inabot sa akin si  Chrissy na ilang paper bags. Kinuha ko naman, pero hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.





" Oh, eto pasalubong dagdag muna  yan suhol ko kamo ."





Natawa kaming pareho. Bago ako sumakay ng chopper, niyakap ko muna sa huling pagkakataon si Chrissy. Parang naging kapatid-tita-beshie ko na itong si Chrissy. Buti nalang sya ang nakapulot sa akin.





Pulot talaga? Hahahahaha!




Inalalayan akong sumakay ni kuya pilot sa chopper. Pagkasakay ko, parang tinakasan ako ng peace sa buhay nang unti-unting umi-ere pataas ang chopper na sinasakyan ko. Parang nahihilo ako at nalulula.





" Kuya, may life vest ba kayo rito?" Tanong ko kay kuya habang nagpapalipad ito.





" Opo, nariyan po sa likuran nyo. Itaas nyo lang po yung deck."





" Salamat kuya, hindi kase ako marunong lumangoy at takot din ako sa dagat. Mas maganda na ang sigurado."






" Marunong po naman ako lumangoy, wag kayong mag-alala."





Mabuti nalang at marunong si Kuya lumangoy. Isinuot ko ang life vest. Seryoso ako gusto ko lang talaga makasigurado. Dahil kung bumagsak man ako sa dagat, siguradong lulubog ako.





 You're My HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon