5. Meet Austin

22 2 0
                                    

Austin Montenegro's Pov



" Hijo, halika't pumasok kana. Malakas ang ulan baka magkasakit ka pa." Sita sa akin ni Nanay Celia.

Ngumiti lang sya  sa  matanda at tumingala. Sobrang makulimlim ang kalangitan.  Huminga sya ng malalim. Miss ko na kayo. Bulong nya sa sarili.

" Ikaw talagang bata ka, 29 kana pero ang tigas parin ng ulo mo." Himig nya ang pag-aalala ni Nanay Celia. Lumapit nalang sya sa matanda para mabawasan ang pag-alala nito.

" Inaantay ko po si Tay Lucas, dapat ako nalang ang nagdrive ng truck kung alam ko lang na uulan. Kung naabutan ko sya kanina nakasama sana ako sa kanya. " Umalis sya kanina para mangisda sa dagat. Nang makita nya na dumidilim ang kalangitan at lumalakas na ang alon, ay naisipan na nyang bumalik. Kahit paano may nahuli naman sya mga ilang piraso. Pagbalik ko naabutan nya si Nanay Celia na naglilinis sa loob ng bahay at doon ko nalaman na umalis si Tatay Lucas patungo sa bayan para mamalengke.



" Ay nako, nako... ikaw talaga. Malakas pa ang Tatay-tayan mo. Wag kang mag-alala, sumama naman si Peter sa ama nya. Makakauwe rin sila ng maayos." Si Peter ang pangalawa sa anak nila Tatay Lucas at Nanay Celia, ang panganay nilang anak na si Jasmine ay nasa Manila at doon nagtratrabaho.


" Kahit na ho', parang magulang na ang tingin ko sa inyo." Umiwas sya ng tingin, baka makita ni Nanay Celia ang kanyang mga mata. Ayaw nyang makita nito ang emosyon nya. Ayaw nyang makita nilang mahina sya.

Naging pamilya na ang turing nya kila Nanay Celia at Tatay Lucas. Simula nang mag-settled down sya sa Palawan naging malapit narin sya sa kanila at sa mga anak nito. Kahit paano napunan nito ang pangungulila nya sa isang pamilya. Family. Family that l supposed to be with. Noong una nakukulitan sya sa mag-asawa sa pag-usisa nila sa kanya. Bukod sa hindi naman nya kaano-ano ang mga ito, ay mas gusto nyang magpag-isa.

" Ay nako'ng bata ka talaga. Salamat sa Diyos at malaki narin ang pinagbago mo. Wag kang mag-alala hindi ka namin iiwan. Para ka naming anak ng Tay Lucas mo, ilang kembot lang naman ang bahay namin mula rito." Ginulo pa ni Nanay Celia ang buhok ko. Kahit ilang dipa ang laki ko mula sa kanya. Napangiti nalang ako. Mabuti nalang at hindi nila ako sinukuan.

Nasa ganong sitwasyon kami ng biglang humahagibis na tumatakbo palapit sa amin si Peter. Mukhang may nangyaring hindi maganda base sa itsura nito.

" O, Peter, bakit  at napanoka?" Tanong ni Nanay Celia kay Peter na pawang nakasandig ngayon ang likod sa poste ng terrace nya. Halatang hinihingal ito sa pagtakbo.

" N-nay, may babaeng w-walang malay sa truck. Duguan sya at may sugat sa noo. H-hindi namin alam pano napunta yung babae sa truck." Habol hiningang pahayag ni Peter.

 You're My HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon