7. The Encounter 0.1

16 1 0
                                    


Bettina Salvez's Pov

Lumipas ang ilang araw ay bumuti narin ang kalagayan ko. Nagpapasalamat ako kay Aling Celia at sa pamilya nito dahil tinulungan nila ako kahit hindi nila ako kilala.

Minsan ay naririnig ko silang nag-uusap sa sala at ako ang topic nila. Katulad kahapon.

" Nay, talaga bang wala syang naalala? Kung napano sya?" Boses iyon ng anak nila na si Peter.

" Tinanong ko sya, ilang beses, kaso wala raw syang maalala. " sagot ni Aling Celia.

" Wag na nating pilitin kung hindi nya maalala. Ang importante hindi sya masamang tao. At syaka baka sa  paglipas ng mga araw ay maalala rin nya. "  wika ni Manong Lucas.

" Buti nalang naalala nya yung pangalan nya. Kase kung hindi handa akong pangalan sya ng 'My Precious!" "

" Ikaw talaga puro ka kalokohan, mabuti pa't tumambay ka nalang doon sa manukan at alam kong mananahimik ka doon."

" Nay naman, marinig kayo ni Tatay."

" Pedro malilintikan ka talaga sakin kapag nalaman kong pinopormahan mo na ang anak ni ka-sidro! Mag aral ka muna ng mabuti bago ka humarot! "

" Tatay naman, ang advanced nyo kaseng mag-isip! Papakita ko sa inyo, papatunayan ko ang sarili ko."

" Gawin mo, hindi puro sakit ng ulo ang binibigay mo samin."

" Oo napo." Base sa boses ni Peter halatang naiinis na ito. " Pero nay, tay, di ba kayo nagtataka, si ate Tina kase, mukhang nakita ko na sya dati. She looks familiar."  biglang pag-iiba ng topic ni Peter.

Namutawi ang panandaliang katahimikan. Mukhang makikilala na nila ako. Bumaling ako sa aking kanan at nabaling ang tingin sa may bintana.

Nagsinungaling sya sa kanila. Alam kong masama iyon dahil maaari nyang masaktan ang mga ito kapag nalaman nila ang katotohanan. Pero mas pinili nalang nya itago sa mga ito ang lahat ng nangyare sa kanya. Sobrang sakit para sa akin ang alalahanin ang lahat ng sinapit ko. Ayoko nang maalala ni balikan pa iyon, gusto ko nang ibaon sa limot ang lahat. At syaka ayoko  ring madamay sila sa gulo. Gusto ko, kapag lumisan ako dito sa lugar na ito, payapa ang lahat. Walang gulo. Lahat masaya.

Ang dapat kong gawin ngayon ay matutong makisama sa kanila.Tanggapin lahat ng mayroon ako ngayon. Mapalad pa ako dahil nasa mabuti akong pamilya.

Family. Buti pa sila.

Lumaki ako sa tiyahin ko, si Tita Susan. Simula ng mamatay ang aking magulang sa bagyo ay si Tita Susan na ang kumupkop sa akin. Namatay sila Mama at Papa dahil iniligtas nila ako sa rumaragasang baha. Mabuti nalang nakita ako ng mga rescuers at nailigtas ako pero hindi na nila nakita at nailigtas sila Mama at Papa. Ni bangkay nila ay hindi na narecover ng humupa ang baha. Bata palang ako noon at ang tangi ko lang nagawa ay ang umiyak at patuloy na hanap-hanapin sila Mama at Papa.
At doon sa pinagdalhan sa aming mga nakaligtas ay nakita ko si Tita at ang dalawa kong pinsang lalaki. Kahit si Tito Jojo ay hindi rin nakaligtas.

Kaya nasabi ko sa sarili ko kung ano kaya ang pakiramdam na makasama ulit ang tunay mong pamilya. Nakakaiyak. Nakakalungkot. Kahit lumaki ako kay Tita hinahanap hanap ko parin ang kalinga nila Papa at Mama. Pero hindi naman ako pinabayaan ni Tita, sa halip tinuring na nya akong tunay na anak, lalo na't wala itong anak na babae. Sinuportahan sya sa lahat, maging sa pagpasok nya noon sa modeling.

" Tina? Tina? Nakatulala ka na naman. "

Napakurap ako. At tumingin kay Aling Celia. Nakakahiya, masyado yata akong nasosobrahan sa kaka-throwback.

 You're My HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon