Bettina Salvez's Pov
Naalimpungatan sya sa sinag araw. Dahan-dahan nyang minulat ang kanyang mga mata. Sinimulan nyang ilibot ang kanyang paningin at pagmasdan kung nasaan sya naroroon. Nasa isang maliit syang kwarto at nakahiga sa isang papag na kahoy. Pawid ng niyog ang bubong nito at plywood naman ang haligi. Base sa nakikita nya, babae ang may-ari ng kawarto dahil may nakikta syang gamit na pambabae.
Nasaan ako?
Naitanong nya sa sarili. Pakiramdam nya ang sakit ng buong katawan nya lalo na ang kanyang likod at ulo. Sinubukan nyang bumangon kaso hindi nya kinaya at bigla syang bumagsak sa higaan.
Ouch!
Halos pabulong nyang sabi.
Ano ba ang nangyayari, at nasaan ako.
Biglang may pumasok na lalaki sa loob ng kwarto. Nagulat ito ng makita sya at napatigil saglit. Gusto sana nyang sumigaw kaso parang bigla syang nawalan ng boses ng mga sandaling iyon.
" N-nay! Nay! Nay!!! " sigaw ng batang lalaki at dadali-daling lumabas ng kwarto na kala mong nakakita ng multo. Matangkad ang lalaki at sa tingin nya nasa highschool na ito.
Nanatili lang syang tahimik. Pinakikiramdaman ang bawat mangyayare.
May pumasok na isang ginang kasunod ang batang lalaki kanina. Maaliwalas na ngumiti ang ginang sa akin at lumapit.
" Sa wakas, nagising karin Hija. Tatlong araw kang walang malay. Kala namin hindi kana magigising."
What! Three days s'yang unconscious! Seriously?
Kahit sya hindi makapaniwala sa narinig. Kaya siguro masakit ang kanyang katawan dahil tatlong araw syang walang malay. Bigla tuloy syang nakaramdam ng pagka-uhaw at gutom.
" Buti nalang bumaba ang lagnat mo, pasensya kana at pinakielaman na namin ang gamit mo. Humanap kasi kami ng pamalit mo. Noong nakita ka namin sa truck ng asawa ko, basang basa ka at walang malay. Hindi namin alam kung napaano ka, ano bang nangyare sayo? May naalala ka ba?" Tanong sa akin ng ginang. Mukha naman silang mabait at mabuting tao. Kung ganun, maraming salamat sa Diyos at hindi Nya ako pinabayaan.
Napatingin lang sya sa mga ito.
Kita sa mga mata nila na inaantay nila ang kanyang isasagot. Biglang nanikip ang kanyang dibdib ng maalala ang lahat ng nangyari. Hindi ako makapagsalita." Mukhang grabe ang pinagdaanan mo Hija. Paano kaba napunta sa truck namin? Nag-aalala kase kami kung napano ka, iiniisip nga namin na baka napagtripan ka rito sa daan, kay ganda mo pa namang babae."
Napatitig lang sya sa ginang. Sa mukha nito, halatang seryoso itong nag-aalala sa akin. Bigla tuloy nag-flashback sa kanya ang lahat ng nangyari.
Tulala sa sariling naglalakad sya patungo sa kawalan. Hindi nya ininda ang buhos ng ulan at ang pananakit ng kanyang mga sugat. Habang hila-hila nya ang kanyang luggage napadako ang tingin nya sa isang truck na nakatigil sa isang gilid. Walang tao sa loob ng passenger seat. Sumimoy ang malakas na hangin. Biglang nagsita-asan ang kanyang mga balahibo at nakaramdam ng lamig. Lumapit sya sa nakatigil na truck, hindi nya alam kung ano na ang magiging kapalaran nya pagkatapos nito. Buong lakas na itinaas nya ang kanyang luggage papunta sa loob ng truck. May narinig syang papalapit na taong nag-uusap.
" Sayang tay, hindi natin naabutan yung baboy damo. Nabasa pa tuloy tayo."
" Hay nako, Peter, puro ka talaga reklamo."
Agad syang umakyat pataas patungo sa truck at nagtago mula sa trapal. Hindi dapat nila ako makita, baka kung ano ang gawin nila sa akin.
Nakarinig sya ng ingay na binuhay na makina. Kasunod non ang pag-andar ng truck na sinakyan nya. Bigla syang nataranta. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Niyakap nya nalang ang sarili. Tatakas nalang sya kapag tumigil na ang truck. Tama, iyon ang gagawin nya.
BINABASA MO ANG
You're My HERO
RomanceThe story is all about a young actress who've walk away to escape the issue she's encountering. She have to gone temporarily to clean her name. And take a vacation on his aunties house in the province of Palawan. But when she met Austin in her...