Bettina Salvez's Pov
Gwapo na sana kaso nakapa-antipatiko!
Sayang naman yung friendly approach ko tapos babalewalain nya lang... hmp!
Nung una ko syang makita kala ko nakakita ako ng isang demigod na umahon sa karagatan. Parang isang anghel, o knight in shining armor. Bumagay sa lalaki ang tan complexion nito at ngayon lang sya nakakita ng isang lalaki na kahit may kahabaan ang buhok ay nagagawa parin maging gwapo, pero antipatiko.
Hays.. whatever.
" Hayaan nyo na po Tay Lucas, tulungan ko nalang po kayo." At tinulungan nya ang matanda ayusin ang mga lambat.
Pagkatapos nilang maayos ang mga lambat ay sumunod na silang tumungo pabalik sa bahay.
Hays, hindi pa nya na-eenjoy ang dagat kanina.
Nilingon nya sa huling pagkakataon ang dagat bago tuluyang mawala ito sa kanyang paningin. Aminado syang nilamig sya bigla kahit tirik na tirik ang araw dahil sa malakas na simoy ng hangin na tila nahalata ni Tatay Lucas." O, nako, nilalamig ka ba? Naligo ka kase. Bilisan nalang natin ang paglalakad." Wika ni Tay Lucas.
" S-sige po." Pag sang-ayon nalang nya.
Nakarating agad sila sa bahay. Naabutan nila si Austin na palabas ng bahay at dali-daling umalis patungo sa isang daan na dinaanan nila ni Nanay Celia kanina.
Yeah, bahay nya pala yung pinuntahan namin kanina.
" Tignan mo yang si Austin, umalis ng di nagpapaalam. Sinumpong na naman ng pagkasuplado. Pagpasensyahan mo na mabait naman yang batang yan, baka naninibago lang sayo." At pagkatapos ay nilapag ni Tatay Lucas ang mga lambat sa isang sulok.
Pero nakaramdam talaga sya ng lungkot. Wala naman syang magagawa kung di sya magustuhan ng lalaki sa pagdating nya.Kagaya lang sya ng mga haters mo Bettina, just ignore him nalang.
" Nasaan kaya si Nanay Celia. Di parin kaya nya nakikita si Peter?" Wala sa oras na natanong nya bigla dahil wala silang naabutan na tao sa bahay, naroon lamang ang mga isda na binitbit ni Austin kanina.
" Maligo kana Tina at hahanapin ko si Celia at Peter. Papasamahan nalang muna kita saglit kay Austin." Bigla syang naalarma sa huling sinabi nito.
" Hala, Tay, okay lang po ako kahit wag nyo na ako pasamahan. Nakakahiya, baka nakakaabala ako ng tao."
" Mas mabuti ng may kasama ka rito. Mabuti ng maging maingat. Teka lang at tatawagin ko lang si Austin." At tuluyan ng lumabas si Tatay Lucas at tinungo ang daan papunta kila Austin.
Hmp.
Paano ako makikipag-usap sa lalaking iyon at kikilos kung di nga ako matapunan ng kahit isang tingin. Kala mong may sakit akong nakakahawa.Nagmartsa sya papasok sa loob ng kwarto ni tinutuluyan nya. Binuksan nya ang kanyang maleta at inihanda ang kanyang susuotin. Iniwan nya iyon sa higaan at tanging tiwalya lang ang dinala palabas ng kwarto. Muntikan na syang atakihin sa puso ng maabutan si Austin na nakaupo sa sala. Napatigil sya saglit. Bigla syang nakaramdam ng pagkailang. Base sa itsura ng lalaki na bagong ligo ito.
Mag ha-"Hi " ba ako?
Wag na nga lang.Dumiretso agad sya sa banyo at naligo. Simula ng napadpad sya sa pangangalaga ng mag-asawa di na sya naging maarte sa paliligo. Hindi dito ang tamang oras ng para pairalin nya ang pagiging maarte nya pero talagang sinisigurado nya na malinis ang katawan nya. Nagtapi sya ng tiwala pagkatapos ay lumabas. Wala syang naabutang Austin na nakaupo sa sala pagkalabas nya ng banyo. Pasimpleng hinanap nya ito. Nakarinig sya ng ingay na nanggagaling sa labas, parang ingay ng isang bola. Sumilip sya sa bintana, nakita nyang nagalalaro ang lalaki ng basketball. Di nya maiwasan purihin ang kagandahang lalaki nito.
BINABASA MO ANG
You're My HERO
RomanceThe story is all about a young actress who've walk away to escape the issue she's encountering. She have to gone temporarily to clean her name. And take a vacation on his aunties house in the province of Palawan. But when she met Austin in her...