9. The Argument

15 1 0
                                    

Bettina Salvez's Pov

Maaga akong nagising para tumulong sa gawaing bukid nila Nanay Celia at Tatay Lucas. Nalaman ko na may bukirin pala sila ng mga iba't ibang klaseng gulay na itinitinda nila sa palengke. May mga hayop din silang inaalagaan para dagdag sa buwanang kita nila. Ilan na roon ang manok, bibe, at mga kambing. Kasalukuyang tinutulungan ko si Nanay Celia magpakain ng mga manok at bibe.

" Nay Celia, napansin ko po na wala si Peter." aniya dahil wala ito ng magising sya kaninang umaga, nagtataka lang sya.

Naglayas na naman kaya?

" Hija, maagang umaalis si Peter kapag ganitong araw may pasok kase sya ngayon at malayo ang school nya. Tuwing martes hanggang biyernes ang pasok nila."

" Ah, ganun po ba. Buti may nakakasama parin po kayo rito kahit papaano." Napalingon sya sa gawi nila Tatay Lucas at Austin na pawang nakabilad sa arawan habang nagdidilig ng mga pananim. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan. Mukhang may pinag-uusapan silang nakakatuwa. Nakangiti kase si Austin.

Nakangite sya Bettina. Nakangiti si Austin!
Geeezzzzz!! Nakangiti syaaaaaa!

Ngayon ko lang sya nakitang nakangiti, sobrang gwapo naman! Napapatanga ka nalang talaga-wait, bakit ko ba sya pinupuri? Bettina nakakalimutan mo bang napaka-antipatiko ng lalaking yan! Ano naman kung ngumiti sya? Salbahe sya! Di nga sya naging mabait sayo kahit minsan-hmp!

" Tsk. Nakakainis sya." Bulong ko sa sarili.

" Hija, may sinasabi ka ba?" Nabaling ang atensyon ko kay Nay Celia.

" A-ah wala po iyon, baka iba lang po ang narinig nyo." Aniya, nako-sana makunbinsi sya sa sinabi ko.

" Nako, baka nga. Halika, mukhang okay na itong napakain natin sa kanila. Tulungan natin sila Austin doon at ng makapili tayo ng mga gulay na maari nating iulam sa tanghalian."

" A-ah ganun po ba, s-sige po."

Hala, bakit pa namin kailangan pumunta sa Austin na yon. Hanubayan...Syaka, mukhang wala naman akong choice e-wait, dapat di ako magpatalo at nagpapaapekto sa isang hamak na lalaking iyon! Tama, tama Bettina maging matapang ka.

Nagsimula na kami lumakad patungo sa kinaroroonan nila Tatay Lucas at Austin. Nasa bandang linya sila ng mga pananim ng kamatis.
Napalingon sila Austin sa gawi namin.

Ang gwapo nya talaga. Biglang bumagal ang bawat hakbang ko. Ang kanyang mga mata sobrang nakakaakit lalo na kapag nakatitig sayo. Ang kanyang mahabang buhok na umabot hanggang balikat nito ay malayang hinahawi ng simoy ng hangin. Sobrang nakakaakit. Parang bumagal ang bawat segundong dumadaan. Bagay na bagay syang mag artista. Shit, what am I thinking? Tss.

Napansin ata nila na parating kami ni Nanay Celia. Biglang nawala sa isang iglap ang mga ngiti na kanina lang ay nakasilay sa labi nito.

Bakit mas pinipili ng kumag na 'tong sumimangot kaysa sa ngumiti, mas okay sa kanya ang nakangiti- teka, ano bang pinag-iisip ko! Maling maliiii-dedmahin mo nalang sya Bettina.

Nakarating na kami sa pwesto nila.

" Mahal, mukhang masaya ang pinag-uusapan nyo." Wika ni Nanay Celia.

" Tungkol sa mga babae, alam mo na." Nakangiting sagot ni Tatay Lucas.

Aba, tungkol pala sa mga babae. Kaya naman pala ganun na lamang kung makangiti ang kumag na 'to.

" Mahal, ako ba ay pinagtataksilan mo? Aba, ang laki ng hirap ko sayo Lucas, dahil ba nakuha mo na ang lahat sak-" pinutol ni Tatay Lucas ang sinasabi ng asawa nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 You're My HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon