4. The Plan 0.2

15 1 1
                                    

Bettina Salvez Pov

Nang makalayo ako sa airport ay dumiresto na ako ng ruta papunta sa bayan ng Tita ko, ang El Nido.  Ang El Nido ang pinaka-unang district dito sa Palawan. At ito ang pinakahilagang dulong pulo na matatagpuan rito. May mga naglalakihang limestone cliffs ka ring makikita sa pagbisita rito at mga at naggagandahang beaches na talagang magpapa "wow" sayo.

You're talking like a tourist guide Bettina, talagang namiss mo ang Palawan.

Napailing nalang sya sa naiisip.
Limang oras ang byahe mula Puerto hanggang El Nido. Bukod sa wala namang traffic dahil hindi naman ito Manila, nakakapagod paring magmaneho ng limang oras.


Dapat pala nagpadrive nalang ako kay kuya driver.


Tumigil muna ako saglit ng mag-ring ang phone ko. Nakalapag lang ito sa kabilang seat.  Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

" Hello, Bettina. Dumaan ako sa condo mo kanina kaso parang wala ka kase wala namang nagbubukas ng door, aayain sana kita kumain. Free ka ba?"


Natahimik ako ng wala sa oras. Hindi ko inaasahan na tatawag si Jake para ayain akong kumain sa labas. At sinundo nya pa ako sa condo ko. Totoo ba ang lahat ng narinig ko. Grabe, kinikilig ako ng wala sa oras! Pero bakit ngayon lang sya naging ganito sa akin. Sayang naman!!! Dapat pinagpaliban ko pala ang pagpunta ko rito sa Palawan. Kung alam ko lang na yayain ako ni Jake. Sayang!!

" Bettina? Andyan ka pa ba?"

Natauhan ako ng marinig ko muli ang boses ni Jake. Nakakahiya, para akong lutang!



" Ah, Jake bakit nga pala gusto mo akong yayain? May problema ba?" Tanong ko. Kase, curious talaga ako kung bakit bigla syang tumawag.

" D-diba... ( napatigil ito saglit ) k-kase may deal tayo diba. Ikaw naman ang taya ngayon. Dapat ilibre mo naman ako." Sagot ni Jake na parang tense sya na ewan.

" Ah-Eh sorry Jake, pwedeng next time nalang—"

" Ngayon lang kase ang free time ko. Wala si Amber kanina kaya hindi natuloy ang taping. Kakatapos ko lang sa photo shoot. Naisip ko sana makita ka. "

Biglang sumilay ang ngiti sa aking labi.

Bakit ganyan ka Jake! Kainis ka talaga.

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko tuloy may gusto sa akin si Jake sa inaakto nito. Kaso, mahirap na ang mag-assume at umasa. Lalo na sa isang Jake Vera.

" M-makita ako? " painosenteng tanong ko mula rito. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya. Gusto ko kaseng malaman kung bakit, bakit gusto nya akong makita.

" O-oy! Hindi tayo talo ha. K-kaya ako pumunta para makita ka. Oo, makita ka? B-basta may deal diba tayo. Madaya ka."

Hindi na nya napigilang tumawa. Parang ang obvious nya kase at nauutal pa. Nakakatuwang makita ang ganitong side ng isang Jake Vera. Ang aking Jake Vera.

Makaangkin wagas. Tsk.

" Ngayon, tumatawa ka na naman. Hindi naman ako mukhang clown. Kakaiba ka talaga. "

Napatigil ako. Baka maasar pa sya sa akin. I don't want to spoil the moment talking to him. Kahit dito man lang, maaabot ko sya.

" Sorry na. Actually sorry talaga Jake. Nasa Palawan ako ngayon para magpahinga muna. Masyado na kasing toxic ang Manila sa akin. Kailangan ko muna magpalakas. Sayang nga, ngayon mo lang sinabi."

 You're My HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon