Prologue

159 8 0
                                    

Sandy's POV

Isang napakagandang umaga...

Tanging huni ng mga ibon ang aking naririnig...

At sikat ng araw na tatama sa aking mukha...

At may isang matamis na ngiti..

Isang matamis na ngiti na bumabati saakin ngayon..

At...
"Bes? You okay?" Bes?! Bes?! Oo! Tama kayo! Bes lang ang tawag saakin ng gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon na nagngangalang Peter Sumagon!

"Ah, oo naman bes! Halika alis na tayo. Malelate na tayo sa klase eh." Sabi ko.

"Sige, tatawag nako ng tricycle." Sabi ni Peter.

Habang pumapara si Peter ng tricycle pinagmamasdan ko ang side view ng mukha niya.

Grabe ang gwapo talaga niya, manhid nga lang.

Magkababata kami ni Peter kaya ganito kami ka close. Actually nanggaling kami sa mayamang pamilya pero sobrang down to earth talaga si Peter at ang family niya. Nanggaling kasi ang mga magulang ni Peter sa hirap kaya ganun na lang sila kung magpahalaga sa bawat bagay na mayroon sila. May kotse naman ako pang sundo at ganun din siya pero sabi niya, hindi naman ganun kalayo ang school namin kaya tricycle na lang sinasakyan niya, ganun din naman ginagawa ko kasi tama naman siya, hindi ganun kalayo ang school atsaka para makasama ko rin siya araw araw.

Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong 1st year highschool pa lang kami, pero never kong sinabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil baka iwasan niya ako at masira friendship namin. Pero ipinagtataka ko lang.. nahahalata naman ng iba naming classmate na gusto ko siya pero bakit siya hindi niya mahalata?

"Uy bes, kanina ka pa nakatunganga jan. Halika na, sumakay na tayo." Ay, masyado akong lutang at di ko napansin na may tricycle na pala sa harap namin.

Agad na kaming sumakay sa tricycle.

Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa may naalala na naman ako.

Putik, Monday na naman pala. Magkikita na naman sila.

Sino?

Ehdi yung campus crush ng school na bading naman na nagngangalang David Lopez.

Hrrgghh.. kakapit na naman yung baklang yun kay Peter mylabs na parang linta.

Kagigil yung binabaeng yun.

Alam kong wala pa akong katibayan na bading siya pero eversince mag aral kami sa same na school ni Peter eh naging magbestfriends na sila.

Tapos anlapit talaga nila sa isa't isa.

Pero kami ni David? Eww no! Never ko siyang kakaibiganin!

Eversince na maging magbestfriends sila ni Peter, lagi na lang sila magkasama. Nung sumali si Peter sa basketball team, sumali din siya, siya yung cheerleader. Chosss! Sumali din siya sa team. Tapos sa bawat pangyayari sa buhay ni Peter nandun din siya.

Pag magkasama nga kami ni Peter, tapos nakita niya kami? Ay nako! Aayain mag road trip ang mokong tapos kung kausapin niya si Peter sa harap ko parang anino lang ako ni Peter kung ituring niya.

Hayst... talo ko na magselos lahat ng babae.. partida lalaki pinagseselosan ko.

"Uy, kanina ka pa tulala. Okay ka lang ba?" Ay! Anlalim kasi ng iniisip ko Peter mylabs.

"Ah oo.. hehe medyo puyat lang kasi tinapos ko pa yung thesis natin kagabi." Palusot ko.

"Ayt, sabi ko sayo tutulungan na kita eh.. ang kulit mo kasi eh." Sabay pout. Aigooo Peter stahhhp it nga! Halikan kita eh!

BEKI Not? [ON-HOLD]Where stories live. Discover now