David's POV
"Nababaliw ka na ba?!"
Takte!
Ang ingay talaga ng babaeng to kahit kailan!
"WALA PA NGA TAYONG ISANG LINGGO, TAPOS PAKILALA AGAD???"
"AISHH-- YOU'RE SO ANNOYING!"
Napatahimik naman kaagad tong babaeng to dahil sa pag sigaw ko.
"Look.. sorry kung masyadong mabilis pero, please sumakay ka na lang. I'm so desperate na makawala na sa stupid fake marriage na to." Mahinahon kong sabi.
"Bakit pa kasi nadamay ako dito eh." Inis na sabi ni Sandy.
Wala na rin akong magawa dahil siya lang ang tangi kong pag-asa kaya kailangan ko ring tiisin ang pag uugali ng babaeng to.
"Saan ba tayo pupunta? Dideretso na ba tayo sa parents mo?" Tanong niya.
"Hindi. Were going somewhere else. I wanna forget the world just for now. And you will join me." Sabi ko.
"Wow ha? Pwersahan talaga?"
Andaming reklamo ng babaeng to!
"Pwede kang hindi sumama kung gusto mo."
Agad kong inihinto ang kotse sa gilid ng highway.
"Oh ayan, baba." Walang emosyon kong sabi.
Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"A-ano ka ba David!" Sabay hampas sa braso ko.
"Sige na! Sasama na!" Inis netong sabi.
Agad naman akong napangiti sa sinabi niya.
"Haha papayag din pala!" Pang aasar ko.
"San ba kasi tayo pupunta? Hala! Baka kidnapin mo ko at gawing bait para di matuloy kasal mo ah!" OA na sabi ni Sandy.
"You're exaggerating." Sabi ko.
"Oy! Di porket mukha kang anghel, eh ganun na din kalooban mo! Malay natin, may balak ka pang masama saakin!"
She's really exaggerating too much!
"You're being annoying again. Pabababain talaga kita." Cold kong sabi.
"Aishhh oo na. Tatahimik na." Padabog niyang sabi.
Tumingin na lang siya sa bintana at di na ako kinausap.
Salamat, Sandy.
Salamat at tinutulungan mo akong makaalis sa sitwasyon kong to.
Makakaalis din ako sa bwisit na kasalan na to.
At mapapakasalan ko din siya.
Yung taong gusto ko talagang pakasalan..
At yun ay---
*snoooooooorkkkkk*
Takte! Tulog na kaagad tong babaeng to?! Ang lakas humilik! Mas feminine pa ako sa kanya kahit lalaki ako eh!
"Hayss Sandy Beñigo.. ano na bang gagawin ko sayo???" Parang tanga naman akong nakangiti ngayon.
Really Sandy, what in the world are you?
---
Sandy's POV
"Were here."
Agad kong idinilat ang mga mata ko nang ginising ako ni David.
YOU ARE READING
BEKI Not? [ON-HOLD]
RandomYung crush mo, parang crush din ng campus heartthrob ng school niyo. Dahil close na close sila, at laging magkasama. Kaya iniisip mong Paminta talaga siya.