Sandy's POV
"Sana ako na lang si Peter..."
"...Para ako na lang ang kababaliwan mo, kasiyahan mo, kalungkutan mo, at ang tanging mahal mo."
Napatigil ako sa kinatatayuan ko.
So hindi lang fake date ito?! Talagang gusto niya ako?!
*tug* *tug* *tug* *tug*
Harteu naman! Bakit ambilis ng pag tibok mo nyeta!
Kailangan ko siyang tanungin... hindi pwedeng ganito.
"D-david.. gusto mo ako???" Nauutal kong sabi.
"Ang totoo...."
"... charot lang HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHA!!!" Bigla nitong pinunasan ang luha sa mga mata niya habang tumatawa.
Ano?!?! So all this time pinag titripan niya lang ako?!?!?
"PUNYETA KA DAVID!"
Agad ko siyang binatukan.
"ARAY! BAKIT—"
"AKALA MO NAKAKATUWA YON?! YOU JUST RUINED MY DATE WITH PETER! AT MAS MALALA BAKA IWASAN NA NIYA AKO DAHIL SA SINABI MO! PAKA PUNYETA MO TALAGA!"
Hinampas hampas ko rin siya para di na siya makasabat pa.
"TEKA LANG!" Hinawakan niya ang braso ko kaya di ko na siya mahampas.
"ANO?! MAGPAPALUSOT KA PA?!" Halos umusok na ang ilong ko sa sobrang inis kay David.
"Andito na kasi sila!" Biglang sabi ni David.
"At sino na naman yan?!" Inis kong tanong.
"My parents." Napatigil ako nang sinabi niya yon.
"Your parents?— WAIT! THAT'S NOT AN EXCUSE! STILL BAKIT MO PA RIN PINAGTABUYAN SI PETER KANINA?! NAKAKABWISIT TALAGA GINAWA MO! PAG AKO HINDI NA KINAUSAP NUN NG DAHIL SAYO! BAHALA KA!" Galit kong sabi.
"Well, ALANGANAMANG SABIHIN KO NA 'Peter, pwede hiramin ko muna si Sandy? Kasi darating parents ko eh, ipapakilala ko sana siya para may maipasikat ako tapos balik ko sayo mamaya para maituloy mo na ang sasabihin mo sa kanya'. NATURAL KAILANGAN KONG UMACTING! TSS BAKA NAKAKALIMUTAN MO ANG RULE NO. 1: We must act like we're madly inlove with each other when in public, in front of friends, in front of our family, or in front of everybody that knows that we're dating! Kaya umarte akong baliw sayo kanina! Oh diba? Pero aminin kinilig siya dun yieeee." Lakas ng trip netong mokong nato. Yung rule kabisado pa ng hinayupak grabe.
"Hoy David..."
Agad akong lumapit sa kanya.
"...ayusin mo.."
Hanggang sa mapaatras na siya.
"..yung gulong ginawa mo kanina.."
And I pushed him against his car..
"..kung hindi.."
Hanggang sa inches na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"...puputulin ko pagkalalaki mo.."
Bigla siyang umiwas ng tingin nang bigla ko siyang tinitigan ng masama.
"O-oo, I promise."
Napalunok na lang siya at nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya.
Potek.
*tug* *tug* *tug* *tug*
Agad na akong lumayo at umiwas ng tingin.
YOU ARE READING
BEKI Not? [ON-HOLD]
RandomYung crush mo, parang crush din ng campus heartthrob ng school niyo. Dahil close na close sila, at laging magkasama. Kaya iniisip mong Paminta talaga siya.