Chapter 3: Epal

91 8 1
                                    

Sandy POV?

[6:30 PM]

It's almost 7.

Hayst, ieexplain ko ang lahat kay Peter.

Dapat din siguro sabihin ko na ang about sa deal namin ni David.

Ayokong magtago sa kanya ng kung ano, at lalong ayokong paniwalaan niya ang hindi naman kapani-paniwala.

Agad kong inarrange sa flower vase yung bulaklak na nakita ko sa locker ko kanina.

Siguro nga kay Peter galing to.

Pero, ang OA naman ng card niya kung sa kanya to. Like, pwede naman niya aminin diba???

Ayiieeee.

Ay nako, asyumera!

*knock* *knock*

Ang aga ah?

Inayos ko muna ang hitsura ko at lumabas na ako ng bahay.

Pagkalabas ko ng gate, nakasandal na naman siya sa gilid ng gate na parang boyfriend na nag iintay sa girlfriend niya. Yieeeee.

"Let's go?" Sabi niya.

"Uuh, Peter, asan kotse mo?" Tanong ko.

Like duuh! Alanganamang pati sa date namin I mean, 'FRIENDSARY' mag tatricycle kami no?

"Uuh, nasa labas ng village eh. Hehe, okay lang ba kung maglakad tayo palabas ng village?" Tanong niya.

"Ah.. o-oo! Sige lang." Sabi ko.

Bakit naman niya ipapark yung kotse sa labas ng village? Parang ewan lang?

"Pasensya na ha? Kasi nasiraan ako kanina eh. Nakakahiya." Nahihiya niyang sabi.

Di nalang ako naimik at sinundan ko nalang siya.

Nang makalabas na kami ng village bigla naman namutla ang mukha niya.

"Pete? You okay?" Nag aalala kong tanong.

Di niya ako pinansin at bigla niyang nilabas cellphone niya at nag text.

"Uuuh, asan ba kotse mo?" Tanong ko.

"Aww shoot! Di pa daw tapos ayusin kotse ko! Sabi kasi nung may-ari ng carshop, ipapark na daw nila dito by 5 pm yung kotse. Kaso... nagka emergency daw eh.." Napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Hala hindi Peter, okay lang! Kumuha na lang tayo ng taxi, next time mo na lang siguro gamitin kotse mo kapag--"

*beep* *beep*

"Guys! Need a ride?"

Takte.

Yung boses na naman na yun.

"Oi! David! Anjan ka pala!" Sigaw naman ni Peter.

"Ofcourse! Gusto ko kasing suyuin ang PINAKAMAMAHAL KONG GIRLFRIEND." Pag didiin niya pa.

Lah? Napaka OA naman ng pag acting niya na boypren ko kuno? Napaka possessive ahh...

"Woah, bro! Selos ka ba? Oy wag kang mag-isip ng kung ano ha? Haha friends lang kami ng BABY mo." Aray Peter ha? Pinamumukha mo talaga saakin na KAIBIGAN lang turing mo saakin ha?!

Haysstt napaka epal talaga ng baklush na to eh!!! Nakakagigil! Sila na nga lang mag date! Pwe!

Napatingin naman si Peter saakin.

No. Ayokong makasama yang David na yan. Ever.

"Uuh, Pete, you know what? Dapat siguro next time na lang natin ituloy to. Pasensya na, sumama pakiramdam ko eh." Paalis na ako ng biglang..

BEKI Not? [ON-HOLD]Where stories live. Discover now