Chapter 8: Jealous?

94 6 2
                                        

David's POV

She's asleep now.

I feel relieved.

Agad ko na siyang ibinaba sa gate nila at bumusina sa labas ng bahay nila Sandy.

Bigla namang lumabas yung yaya ni Sandy at agad nitong binuksan yung gate.

"Sino po sila?— MAAM! DIYUSKO!" Agad nataranta yung yaya nang makita niya si Sandy.

"Don't worry, tulog lang po siya, pakihatid na lang po siya sa kuwarto niya dahil pagod na pagod po siya sa biyahe." Sabi ko.

Bigla namang may lumabas na lalaki sa gate.

Shit.

Ansama ng tingin niya saakin.

"Pwede ko bang malaman kung sino itong lalaking naghatid sa ANAK ko?" Seryosong sabi nito.

Takte, papa pala ni Sandy to.

Naglakad siya papalapit at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"G-good evening po tito, ako po pala si David, kaibigan po ni Sandy—"

"Tito?" Seryosong tanong nito.

Arrgghhh! What to do?!?!?!

"Saan mo dinala ang anak ko at bakit ngayon lang kayo umuwi?" Sabi niya.

"Ah, kasi po nag group study lang po kami tapos di na po namin napansin ang oras eh.. pasensya na po. Sa susunod po, ipapaalam ko po siya ng maayos. Pasensya na po ulit." Magalang kong sabi.

"Sigurado kang wala kang ginawang katarantaduhan sa anak ko? Huh?" Mas lalong nanlaki ang mata nito.

"H-ha? Hindi po! Trust me! Mapapagkatiwalaan niyo po ako. Di sana po hindi ko po siya ibinalik dito kung may ginawa na po akong masama—"

"I like you." Bigla itong ngumiti.

E-eh???

Ano daw???

"P-po?"

I'm so freaking confused right now.

"You're the man I've been looking for. For my daughter." Nakangiti pa rin siya.

Dafuq???

'MAN I'VE BEEN LOOKING FOR'?!?!?!

"May I know what your name again is?" Tanong nito bigla.

"E-eh? Uh.. D-david Lee Lopez po.. tito." Tugon ko.

Anong meron? BAKIT NAGIGING MABAIT SIYA NGAYON?!?!

"Sigurado kang walang namamagitan sa inyong dalawa?" Nakangisi nitong sabi.

Agad namula ang mukha ko sa sinabi niya.

"W-wala po talaga! Magkaibigan lang po talaga kami!" Nauutal kong sabi.

"Sayang." Napa iling ito.

"P-PO?" Nanlaki ang mata ko.

A-anong sabi niya?! 'SAYANG'?!?!?!
Ano ba ineexpect niya?? Na may relasyon kami?? Grabe nahihiya nako...

"But anyway, it's nice to meet you, David. Unang kita ko pa lang sayo akala ko boyfriend ka ni Sandy at wala na siyang gusto kay Peter. Sayang talaga, kala ko naman naka move on na anak ko sa taong hindi naman magkakagusto sa kanya.." Malungkot na sabi neto.

Wow, hopeless romantic ba talaga si Sandy or something?

"P-pasensya na po talaga hehehe.."

BEKI Not? [ON-HOLD]Where stories live. Discover now