Sandy POV
Tahimik lang ang buong paligid namin ngayon. Tahimik ang buong biyahe namin ngayon.
Nakaka suffocate.
Ni hindi manlang kami nag kikibuan o nagtitinginan for almost half an hour.
Nakakahiya yung mga sinabi ko kanina.
I guess it's time to take my words back.
"U-uh, ano David.. a-about sa sinabi ko k-kanina.. don't take it the wrong way okay? I don't have any special feelings for you or something. It's just... uuh... it really feels uncomfortable.... na ganun ka.. tapos.. iba gusto mo diba?.." Pagbabasag ko ng katahimikan.
"O-oh, yeah, yeah I know that. And.. uuh.. sorry, for ofcourse, ruining your date.. and.. for doing this and that.. kagaya nga ng sinabi mo.. may mahal na akong iba so.. yeah, I shouldn't act like that.. sorry.. I just love teasing you.. perhaps....." Napatigil si David sandali.
".... we can be friends instead?" Mahina niyang sabi.
"Uhmm.. yeah.. I guess?" Hinayaan ko na lang ang isang mahinang tawa na lumabas mula saakin.
"Hay, so di ka nga bakla? Anyway, sino nga ba yang taong mahal mo?" Tanong ko bigla.
"Bakit kailangan mong alamin? Selos ka? Yieee." Laah.. kaya ayoko makipag usap sa lalaking to eh! Bipolar amputik!
"You wish. Hindi kita tulungang makaalis jan sa lintek na arrange marriage mo na yan eh." Pagtataray ko.
"Uy joke lang! Hahaha eto naman oh! Ano.. ahm.. sabihin na lang nating.. uuh.. di niya alam." Biglang lumungkot ang boses niya ng sabihin niya yun.
"Ay torpe? Sino ba siya? Baka kilala ko, ilakad pa kita!" Sabi ko.
"Talaga? Ilalakad mo ako kay Peter?" Bigla namang ngumisi siya saakin ng nakakaloko.
Bigla ko namang hinampas yung braso niya.
"Aray!"
"Kahit kelan di ka makausap ng matino no?" Inis kong sabi.
"Bakit? Totoo kaya!" Nakangisi pa rin si mokong.
"Subukan mo lang! Masasapak talaga kita!" Sabi ko.
"Ahaha joke lang! Ambilis mo mapikon pagdating kay Peter. No wonder anlakas talaga ng tama mo sa kanya. Hayst, manhid din niya no? Halata nang gusto mo siya, pero.. di niya ramdam." Sabi niya.
"Geh, dagdagan mo pa sakit na nararamdaman ko. Kainis ka." Sabi ko.
"Eh ikaw? Kelan mo pa nagustuhan yung sinasabi mong MAHAL mo?" Tanong ko kay David.
"Hmm.. since 1st year.. hanggang ngayon." Sabi niya.
"Eh sino siya?" Tanong ko.
"Si Peter nga!" Ngumisi na naman.
"Bahala ka nga ang gulo mong kausap!" Inis kong sabi.
Nagulat ako ng bigla kaming huminto.
"Andito na tayo sa bahay niyo." Sabi niya.
"H-hala?! P-paano tayo n-nakapasok sa subdivision namin? A-at bakit alam mo address ko?" Gulat na gulat ako kasi nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Kay Peter nga. Lagi ka niyang kinukwento saakin since magkakilala kami. IKAW DAW ANG 'THE BEST BESTFRIEND' IN THE WHOLE WORLD." Diniin talaga niya yung word na 'BESTFRIEND'. Di mo kailangang ipangalandakan David! Alam na alam ko! -___-
Nagulat na naman ako ng nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse.
"Ay, t-thankyou." Sabi ko.
YOU ARE READING
BEKI Not? [ON-HOLD]
РазноеYung crush mo, parang crush din ng campus heartthrob ng school niyo. Dahil close na close sila, at laging magkasama. Kaya iniisip mong Paminta talaga siya.