Sandy's POV
"My gosh! Tingin niyo ba magandang halimbawa yan sa mga juniors niyo?! Ms. Beñigo! Ikaw, pinangangalagaan mo ang pagiging top 1 mo sa klase diba? Ikaw Mr. Lopez? You're the Face of the school! Ikaw ang model pupil ng school! 4th year na kayo! Mag cocollege na kayo! Tapos maaabutan kayo na naglalampungan sa CR ng babae?! Pasalamat kayo na janitress lang nakakita sa inyo! By the way, bakit ka naka make up Mr. Lopez? May rampa, ha?!" Halos mag iisang oras na kaming sinesermonan ni Sr. Perio, kaloka, basta bading katulad ni David, matalak.
"Sr. I'm telling you, it's just an accident." Sabi ni David.
Hay salamat pinagtanggol mo din ako.
"Paano ngang naging aksidente yun ha?! Napagtripan mong mag make up at makipaghalikan ganun?!" Highblood amp. Kagigil tong Teacher na to ah.
"Sir, nadulas nga po siya! Eh hawak niya ako nang madulas siya kaya nadamay ako sa katangahan niya, napaibabaw ako sa kanya tapos.. tapos.. AH BASTA AYUN!" Aish! Ayoko nang maalala yung nangyari!
"It's because she's blockmailing me! Then she shouted like crazy that's why I tried to shut her up!" Sinamaan naman ako ng tingin ni David.
"Blockmail daw! Sus! Takot ka lang malantad yang totoo mong katauhan!" Inis kong sabi.
"What did you say?!" Mas lalong sumama tingin niya saakin.
"Sabi ko takot ka lang malaman ng lahat na bakla ka! Pwe!--"
"Tama na pwede?! Out of my office! Now! Ayoko nang may marinig sa inyong dalawa ulit okay?! At wait! Bago ka umalis Mr. Lopez, burahin mo yang make up mo! Ayoko ng may mas maganda pa saakin!" Wooow.. woow talaga..
"Talaga sir? Maganda ako?" Sabay nag beautiful eyes pa. Di naman beautiful.
Tinignan ko siya tuloy na parang nandidiri.
"Manahimik ka! Ako lang ang maganda dito!" Sabi naman ni Sr. Perio.
Mabilis nang binura ni David yung make up niya tapos agad na kaming lumabas sa Guidance office.
"Oh, what's with that look?" Tanong ni David.
"Masyado talagang obvious ang pagiging bading mo, magladlad ka na lang kasi." Sabi ko sabay ngisi.
"Me, gay? But still, you liked the kiss." Sabay smirk si mokong.
"I hate you! That was my first kiss tapos sayo lang mapupunta?! Dapat hindi sayo yun eh! Dapat kay--"
"Peter." Bigla namang naging seryos mukha niya.
Bigla naman akong namula na parang ewan. Tama naman siya eh.. dapat kay Peter naman talaga yun eh.. kahit alam kong imposibleng mangyari.
"Isa ka rin eh. Masyado nang obvious yung feelings mo sa kanya, di mo pa kinoconfess, gusto mo tulungan din kita?" Sabay smirk na naman si mokong.
"Wag kang epal ah? Baka gusto mo ring ikalat ko yung picture ng paglaladlad mo?" Sabi ko rin sabay ngisi.
"Woah, woah. Easy gurl, siyempre nagjojoke lang ako about sa tutulungan kitang mag confess." Huh? Ano ibig niyang sabihin?
"Kasi aagawin ko si Peter sayo." Sabay kindat at hairflip sabay walk out.
"I hate you David Lopez! Go to hell!" Sigaw ko na rinig sa buong corridor.
Ugh late na late na ako sa klase.
It's because of that jerk.
Huwag na lang kaya ako munang pumasok? Umuwi na lang kaya ako tapos sabihin ko na lang na masama ang pakiramdam ko?
YOU ARE READING
BEKI Not? [ON-HOLD]
RandomYung crush mo, parang crush din ng campus heartthrob ng school niyo. Dahil close na close sila, at laging magkasama. Kaya iniisip mong Paminta talaga siya.